GLEN'S gentle touch helped eases my nervousness. All I could do was either looked at the ceiling or shut my eyes tightly. It was nerve wracking. I had to tightened my grip to keep still.
"Labs, relaks ka lang," she whispered.
Paano? Paano kong gagawin iyon gayong walang tigil sa pagkulo ang dugo sa buo kong katawan? Sinisilihan ang bawat ugat na mayroon ako. Hindi ko na rin napansin ang papabilis na pagbuga ko nang hininga.
Pero mas nagulat ako sa ginawang pagtawa ni Glen. Nahiga siya sa tabi ko saka ako patagilid na niyakap. "Ang cute mo, Miki."
"B-bakit? A-anong cute?"
"Natatakot ka 'no?" Isang banayad na halik ang idinampi niya sa pisngi ko.
"H-hindi a...medyo lang."
Kinuha niya ang aking mga kamay, hinalikan habang ang mga mata'y nanatili sa aking mukha. "Ako rin naman e."
"Anong ikaw rin?"
"Ninenerbiyos din ako." Sabay tawa niya.
"Ikaw? Maniwala ako." Inismiran ko siya.
"Totoo. Iba ka kasi e. Mga titig mo pa lang e nagpapanginig na sa akin."
"Sa takot?" Nangiti ako.
"Hindi...sa init na inihahatid mo sa akin."
"Bastos ka, Glen." Itinulak ko siya.
"Hala! Anong bastos do'n? Ikaw pa lang talaga ang nagparamdam sa akin ng ganito. Hindi mo lang alam kung paano akong pigil na pigil na huwag kang halikan sa tuwing magtatama ang ating mga mata."
"Tingnan mo 'to, malandi ka rin 'no. May girlfriend ka pa kaya no'n?"
"Malandi? Grabe 'to. Hindi ba puwedeng malakas lang ang tama ko sa 'yo? At isa pa, malabo na kami ni Bing noong panahong iyon. Nakipag-break na ako sa kanya pero bumabalik-balik siya."
"Tanong ko nga pala, bakit hindi ma na siya uli tinanggap?"
"Hindi ko na siya mahal. Ay may boyfriend siya kahit kami pa noon. Isa pa, alam kong hindi mo ako papansinin kapag niligawan kita."
"Hmm, wait! Kailan ka pa nagka-interes sa akin?"
"Bakit mo tinatanong? Secret."
"Hala!" Hinarap ko siya saka pinisil ang mga pisngi niya. "Kailan sabi!"
Tumawa siya habang inaalis ang mga daliri ko sa pisngi niya. "Labs, saglit naman."
"Hindi kita titigilan hanggga't hindi ka umaamin." Nagpambuno kami.
"Kikilitiin kita, sige ka," she warned.
"No!" Bigla akong kumalas. Makilitiin ako kaya umiwas ako. Bababa sana ako sa kama pero hinila niya ako saka puma-ibabaw sa akin.
"Sa'n ka pupunta?"
"Huwag kang mangiliti, please?"
"Hindi kita kikilitiin kung aaminin mo sa akin kung kailan ka rin nagka-interes sa akin."
"Hala! Ang daya! Nauna akong nagtanong e!"
"Isa." She ducked to give me a kiss on the lips.
BINABASA MO ANG
She Loves HER
ChickLitMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...