"MIKI! Sama ka sa sa pansitan mamaya after class, birthday ni Cherryl. May kaunting inuman na rin, tutal huling klase na natin mamaya." Siko ni Russel, barkada ko.
Ngumiti ako. Gusto kong sumama, pero dahil bakante rin ni Glen, minabuti ko na lang pumunta sa kasera niya. "Pass muna ako. Next time."
"Next time? Kailan ba nauso ang next time sa 'yo?" Bungad ni Julius, isa sa malalapit kong kaklase at barkada rin.
"Ngayon! Basta. Kayo na lang muna. Next time, promise."
"Baka makatapos na tayo ng college bago ka pa makasama. Madalang ka na lang kayang sumasama sa 'min. May bago ka bang tambayan?" Singit ni Eric, isa pang barkada ko.
Hindi ako umimik. Nahuli kong sumulyap sa akin si Weng, pagkuwa'y bumalik na uli sa cellphone ang pansin.
"Wala 'no." Sagot kong hindi sila tinitingnan.
"Uy, Miki. May naghahanap sa 'yo kaninang umaga. Fourth year officer, commerce representative yata. Punta ka raw sa Dean's office pagkatapos ng klase mo." Bungad ng isa mga kaklase kong babae.
Tumango ako't nagpasalamat. Pagkuwa'y inaya naman ako nina Julius at Eric. Nangungulit. Nag-uusyoso. Hindi ko na lang sila pinansin. Buti at tapos na rin ang klase kaya pumunta ako sa Dean's office.
ISANG estudyante lang ang naroon, lalaki, at namumukhaan ko siya.
"Kuya Wendel?" Katok ko sa nakabukas na pinto.
Umangat ang mukha niya mula sa papel na binabasa sa ibabaw ng mesa. Nang makita ako'y agad siyang ngumiti. Hindi ko naiwasang kabahan. I used to hate him back in my first year in college. Akala ko'y mayabang siya. Palibhasa guwapo. Pero nagbago ang pananaw ko sa kanya nang pareho kaming mahalal na mga officers sa aming department. Dahil pareho kami ng kursong kinukuha, lalo kaming nagkalapit.
"Ikaw lang?" Lingon pa niya sa likuran ko.
"Ha? Oo. Mayroon pa bang darating?" Napalingon na rin ako.
"Pinatawag ko rin sina..." banggit niya sa iba pang officers.
"Ah, ganoon ba? Baka late lang sila. Hintayin na lang natin." Umupo ako sa isa sa mga visitor's chairs.
Nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Napamaang ako. "B-bakit?"
Ngumiti siya. "Wala. Parang...parang may nag-iba sa 'yo?"
"Ha? Talaga? Ano naman?" Alanganin akong ngumiti. Na-conciuos tuloy ako.
"Parang nangangayat ka yata?"
Tiningnan ko ang sarili ko. Oo, alam ko. At alam ko rin kung bakit. Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko. "D-diet." I smiled awkwardly.
"Bakit? Hindi ka naman mataba a. Tama nga lang e. Huwag kang mag-diet, Miki. Maganda ka nang dati."
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Iniiwas ko ang paningin para hindi masalubong ang mga mata niya. Kung bakit naman kailangang mapag-isa kami. I used to like him. It started after finding out that he was a good guy. Idagdag pa ang pagiging thoughtful niya. Only during that time, I had a crush on him, he has a girlfried. At alam kong hanggang ngayon ay sila pa rin.
"Antagal naman yata nila..." Lingon ko sa pintuan.
Tumunog ang cellphone ni Wendel. Binasa niya ang natanggap na text message. "Hindi raw sila makapupunta, may klase pa raw sila." Paabot niya sa sa akin.
"Paano na?" Tumayo ako.
"Postpone na lang muna ang announcement ko. Ipo-post ko na lang sa board ang next meeting natin at doon ko na lang idi-discuss ang announcement ko. Pasensiya na kung naabala pa kita."
BINABASA MO ANG
She Loves HER
ChickLitMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...