Chapter Eight

411 13 5
                                    

HEALTH Education. Nasa open court kami sa Annex para maglaro ng volleyball. Nagkataong isinabay ang isa pang class sa amin, ang klase nina Ronan. Iiwasan ko sana siya pero nakita na niya ako. Mabilis siyang lumapit sa akin.

"Miki!" matamis niyang ngiti.

G'wapo si Ronan. Siya ang tipo ng tall, dark and handsome. Charismatic at alam dalhin ang sarili. I like him before. Crush ko na siya dati pero dahil nahambugan ako, medyo turned off na ako sa kanya. And it really flatters me that he's paying attention to me.

"Ihatid na kita sa inyo mamaya, puwede?" Dumikit siya sa 'kin. Nakasandig kaming pareho sa poste ng basketball ring.

"Hindi puwede," sagot ko agad.

"Bakit? May magagalit ba?" kumunot ang noo niya.

"Oo," balewala kong sagot.

Napalingon ako sa mga estudyanteng nakatayo sa bakod ng court na alambreng butas-butas na mga hugis diamond. Namukhaan ko agad si Glen na nakatitig sa amin. Napadiretso ako ng tayo. Para bang nahuli ako sa isang bagay na hindi ko dapat ginagawa. Kinabahan ako.

"Sino iyon? Kilala mo?" Pansin ni Ronan. Lalo pa siyang dumikit sa akin.

Umiling ako. "H-hindi." Pagtanggi ko.

"Criminology yata ang mga iyan. Varsity." Sabi niya.

Napalingon ako kay Ronan. "Kilala mo sila?"

"Hindi gaano. Pero nakita ko silang kasa-kasama ni coach Grace." Sagot niya.

"Sinong Grace?"

"Iyong varsity sa department natin."

"Ah..."

"So...sinong magagalit kapag inihatid kita?" ulit ni Ronan.

"Ah...'yon? Si Papa...magagalit ang papa ko."

"E di secret natin?" Sabay kindat ni Ronan.

"Ayoko nga. Sige na at tapos na ang klase." Kumilos ako para iwana na siya.

Pero nagulat ako nang hinablot niya ang kamay ko. "Miki...kapag tinanggihan mo ako, iba ang liligawan ko, sige ka." Tila pananakot nito. Lalo tuloy akong na-turn off sa kanya.

"Sige, manligaw ka na ng iba. Hindi ako interesado sa iyo." Tinalikuran ko na siya.

"Sabi mo e!" Nayamot niyang sabi at umalis na rin.

Sayang! Sayang talaga ang kaguwapuhan ng Ronan na iyon. Sobrang yabang lang kasi! paghihimutok ko sa sarili.


PUMUNTA ako sa canteen para bumili ng tubig. Naroon ang THL, nagkukumpulan sa isang mesa nang pumasok ako. Natigilan ako, gayundin sila. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ba ako o aalis na lang.

Biglang tumayo si Glen. Kinuha niya ang susi ng motor niya na nasa mesa at saka lumapit sa 'kin. Akala ko ay kakausapin niya ako pero nilagpasan lang niya ako. Parang...parang galit siya.

"Glen!" tawag ni Chato, sabay tingin sa akin.

"Nagselos!" tawa ni Sara.

"Ikaw kasi Miki e..." tukso ni Jacobe.

Nagtaka ako. "B-bakit? Anong ginawa ko?"

"Pinagselos mo si Glen. Hayan tuloy, maglalasing na iyan." Dugtong ni June.

"Anong pinagselos?" ulit ko.

"Ano nga bang panama niya kay Mr. Campus? Tall, dark and handsome na, lalaki pa." sulsol ni Mane.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon