Chapter Ten

454 13 1
                                    

SUMUNOD ako kina Arcel at Weng sa likuran kung nasaan ang grupo. Sa labas ng kusina ay ang motor repair shop ng landlord ni Glen. Maluwag doon kaya roon sila nag-iinuman. Oo, as in, umiinom sila ng alak. Nakapalibot sila sa isang maliit na mesa, may isang shot glass, pitsel ng kung anumang hinalo nilang alcohol at ilang platito ng putahe. Naabutan namin silang nagtatawanan at nagbibiruan.

"I'm back, mga 'tol!" hiyaw ni Arcel kaya naman natuon sa amin ang pansin ng grupo.

"Oy, 'Cel! Ang tagal mo!" sumbat ni Jacobe.

"Sorry naman. Sinundo ko lang ang babe ko e. Pero may dala akong regalo. Hoy, birthday celebrant, may regalo ako sa iyo! Hindi ko na ibinalot!" sigaw ni Arcel.

Tinapik ni Weng si Arcel sa balikat pero yumakap lang si Arcel dito. Nilingon naman ako ni Weng. Nagkibit-balikat balikat lang ako.

Sumilip si Glen sa pintuan ng kusina at sinilip si Arcel. Mabilis na natuon ang paningin niya sa akin at agad na ngumiti. Lumapit siya kay Arcel tsaka inakbayan ito. "Nasaan ang regalo?"

"Si Miki ang regalo ko. You owe me." Ngisi ni Arcel.

"Owe you? Sapak, gusto mo? Senior mo ako, hoy." Sabay pilipit sa braso nito.

"Aray! Aray, Glen! Biro lang naman! Joke lang. Sige na, kunin mo na siya bago pa magbago isip niyan, ikaw rin, sige." Nagpupumilit na makawala si Arcel.

Biglang nagkantahan ng happy birthday ang grupo. May nagkalampagan pa ng tinidor at kutsara sa mesa para gawing instrumento. Nanunukso ang mga kanta nila. Nang-aasar. Nanatili lang akong nakatayo. Kung siguro dati ay tatalikod na ako para umalis, ngayon ay mas pinili ko iyong harapin. Siguro ay dahil na rin sa nangyari kanina kay Ronan.

"Hi, Miki. Pasok ka. Salamat sa pagpunta." Maluwang na ngiti ni Glen. Halatang naka-inom na ito.

"H-happy birthday. Pasensiya na, wala akong dalang regalo."

"Okey lang iyon. Halika, pasok kayo." Niluwangan niya ang pinto.

"Hoy, Glen! Sosolohin mo na agad si Miki? Iharap m muna sa amin nang ma-interrogate!" hiyaw-biro ni Sara.

"Oo nga! Teka, ipasuot mo agad iyong helmet mo para hindi mauntog at matauhan," sawsaw ni June.

"Hoy! Manahimik kayo. Nakakahiya kay Miki." Saway ni Chato.

Nasa loob ito ng kusina at may nilulutong kung ano sa electric stove, katabi ang kasintahan nitong si Myla. Nag-hi sa akin si Myla. Nginitian naman ako ni Chato. Gumanti naman ako. Basta na lang hinila ni Glen ang kamay ko at ipinasok na sa loob.

"Pasensiya na sa barkada ko, palabiro talaga ang mga iyan." Hinaplos-haplos niya ang kamay ko na para bang hindi siya aware roon.

Hindi ko naman mahila ang kamay ko dahil ayaw kong sirain ang mood niya lalo at birthday niya.

"Upo ka. Kumain ka na? Teka, may niluto kaming pansit bihon, kumakain ka niyon?" sunod-sunod niyang tanong.

Naupo nga ako sa silyang naroon sa harap ng mesa. Nginitian ako ni Weng. Ngumiti na rin ako. "Oo naman, paborito ko nga e."

"Teka, ikukuha kita. Anong gusto mong inumin? May sprite, coke...hmm, ano pa ba? Tubig? Kape?"

"Painumin mo ng alak, Glen!" Agaw ni Arcel na naki-upo na rin sa palibot ng grupo sa harapan ng alak.

"Gago ka, Arcel. Sipain kita riyan e!" Kunwari ay galit na sabi ni Glen.

Natawa ako. Glen looks so different. Ang relaks niyang tingnan. Laging nakangiti at nakatawa. Ang ingay rin niya, salita nang salita. Dahil siguro sa alak na nainom na.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon