Chapter Fourteen

464 12 4
                                    

"LABS, stay ka overnight, please?" Walang ngiti niyang sabi.

"O-overnight? Bakit?"

"I miss you. At gusto kitang katabi. Gusto kitang palaging kasama. Ikaw ba, ayaw mo akong makasama?"

Nagsuot siya ng jersey shorts na kulay green, at puting sando. Nahiga siya sa kama habang nakatayo pa rin ako. Matiim niya akong tinitigan habang ang ulo ay prenteng nakasandig sa mga braso niya.

"'Lika nga rito, dito ka maupo." Nguso niya sa sa tabi niya.

Kinakabahang kumilos ako at tumabi nga sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ano labs, stay ka overnight?"

"Hindi ko alam, Glen. Anong sasabihin ko sa bahay kapag nagtanong sila kung bakit?"

"Sabihin mo birthday ng isa mga kaibigan mo at niyaya kang mag-overnight."

"E-ewan ko."

Pagkuwa'y umupo siya tsaka ako hinila pahiga sa kama. Pumaibabaw siya sa akin. Pinakatitigan ang mukha ko. Dumampi ang hintuturo niya sa labi ko, lumaro.

"Si Ronan, kayo ba?" Tumigil ang daliri niya sa ginagawa.

Napakunot ako ng noo. "B-bakit mo tinatanong iyan? Alam mong hindi. Wala ako rito ngayon kung kami nga."

"Hindi pala kayo pero nakikipaghalikan ka sa kanya!" Mariing akusa niya. Humigpit din ang pagdiin ng braso niya sa aking dibdib.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nalilito pa rin ako.

"May nakakita sa inyo. Naging kayo hindi ba, bago tayo? Hindi naman ako magagalit basta aminin mo lang. Ang lahat ng ayoko ay iyong pinagsisinungalingan ako, Miki."

"At sinabi kong hindi naging kami. Kung...kung ang tinutukoy mo ay noong sapilitan niya akong halikan nang malaman niyang interesado ka sa akin, e di oo. Pero hindi ako nakipaghalikan, pin'wersa niya akong halikan. May pagkaka-iba roon."

"'Tang'na!" Sinuntok niya ang kama. Buti at kutson iyon kundi ay baka nasaktan ang kamao niya.

"At...at nangayri iyon bago pa man tayo, Glen...kaya sana ay huwag mong idamay ang mga nangyari sa nakaraan ko noong hindi pa tayo. At ganoon din naman ako sa 'yo."

"Huwag na huwag ka ng lalapit sa kanya, ha?" Lumambot na rin sa wakas ang mukha niya, gayon din ang kanyang tinig.

"Hindi naman e. Kung sino mang nagsumbong sa iyon ng isyung iyan, sabihan mo siyang iyong totoo ang ikuwento niya at walang halong kasinungalingan." Nakaramdam ako ng pagka-irita.

This is the first time I saw her mad. Ayokong makita kung paano siyang totoong magalit. Tatayo sana ako pero hindi siya pumayag.

"Basta dito ka matulog ngayong gabi," pagpupumilit pa rin niya.

"Hindi nga puwede. Hindi puwedeng basta-basta at biglaan ang pagpapaalam ko, dapat ay ahead of time. Magna-nine na ng gabi, Glenn, I need to go home."

Hindi siya umimik. Pero hindi rin siya tuminag para bigyan-laya ang katawan kong makatayo.

"Glenn, please? Istrikto si papa. Ayokong mapagalitan."

Wala pa ring imik. Nagpalipas na lang muna ako ng ilang minuto, baka sakaling makatulugan niya ang katigasan ng ulo.

I counted to ten, to twenty minutes, enough time for her to fall asleep. Dahan-dahan akong umupo, halos hindi huminga sa pag-aalalang magising ko siya. Marahan kong hiniklas ang braso niyang nakapulupot sa aking balakang. Nakahinga ako nang maluwag nang makalas ko nga iyon.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon