SABAY kaming pumasok ni Lyn sa school kinabukasan. I really am glad that we're friends again. Kahit nang akbayan niya ako sa pagpasok sa gate ay hindi ako nailang katulad nang dati. Nagtatawanan pa nga kami habang naglalakad. Ako ang nagbibiro para tumawa siya, para kahit paano ay mawaglit sa isip niya ang tungkol sa kanila ni Inez.
Dahil pareho kami ng schedule today, pumunta ako sa sa building nila para sunduin siya, sasabay ako sa scooter niya pauwi. Pum'westo ako sa isang sementadong upuan na nakapaikot sa malaking puno at umupo para roon maghintay. Hindi pa man nagtagal ay nakita ko ang grupong pababa mula sa second floor, the THL. Si Mane ang una kong nakita, bago sinundan ng iba pa.
Mabilis na hinagilap ng mga mata ko si Glen at hindi naman ako nabigo. Hindi ito nakangiti, para pa ngang bored. Nagkakantiyawan ang grupo. May kadiliman sa bahaging kinauupuan ko. Eight na kasi ng gabi. Dadaan sila sa kinaroronan ko kaya naman hindi ako kumilos, halos hindi rin huminga para hindi ko maagaw ang atensiyon nila. Pero sadyang kitikiti si Arcel, huminto ito sa mismong tapat ko at tiningnan ako.
"Uy, Miki. Hinihintay mo si Glen?"
Sabay tinginan na rin sa akin ang grupo. Napalunok ako. "Hindi. Si Lyn." Agad kong sagot.
"Si Lyn daw..." nguso ni Arcel kay Jacobe.
"Lyn daw," Siko ni Jacobe kay Sara.
"Sinong Lyn?" pagtataka naman ni June.
"Si Lyn, iyong childhood friend ni Miki," sagot ni Chato.
"Ah...akala ko bagong labs ni Miki," biro ni Mane.
"Tara na." Tumalikod si Glen, na sinundan agad ng tropa nito.
Kahit paano, nasaling ang damdamin ko. Nakatanaw pa rin ako sa likuran ni Glen habang lumalayo ang mga ito. Pero maya-maya'y tumigil ito, saka bumalik palapit sa 'kin. Muling bumalik ang aking kaba habang nakapako ang mga mata sa kanyang paglapit. Iniisip ko kung ako ba ang sadya niya o baka lalampasan lang niya ako uli.
Pero sa akin siya dumiretso. At dahil naka-upo ako, dumukwang siya at ipinatong ang magkabilang kamay sa aking kina-uupuan, nakakulong sa pagitan ng kanyang mga braso. Napatingala ako habang nakayuko siya sa akin. Hinigit ko ang hininga at hindi ibinuga dahil sa sborang kaba.
"Do you hate me?" seryoso niyang tanong.
Mabilis akong umiling. Bakit naman ako magagalit sa kanya?
"Do you dislike me?"
Naamoy ko ang hininga niya. Amoy bubble gum. Umiling uli ako. Of course I don't dislike her.
"Boyfriend mo ba si Ronan?" Tumigas ang kanyang panga.
Hindi agad ako sumagot. Sinabi nga pala ni Weng na kami ni Ronan. Umiling uli ako, tsaka yumuko.
"Miki, look at me."
At kung bakit ko ba kailangang sundin iyon ay hindi ko alam, basta sumunod na lang ako.
"May boyfriend ka ba bgayon?"
"W-wala." Mabilis kong sagot.
Matiim kaming nagtinginan. Naiilang na ako. Pakiramdam ko ay gusto nang tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko. Dahan-dahan kong pinakawalan ang hininga dahil pakirramdam ko ay hihimatayin na ako.
BINABASA MO ANG
She Loves HER
ChickLitMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...