Chapter Twenty-Eight - Back To The Philippines

10K 238 161
                                    

"WELCOME HOMEEE!" sigaw nya habang nakataas ang dalawang kamay pagtapak na pagtapak ng paa niya niya sa Ninoy Aquino International Airport. Tapos na ang isang linggong bakasyon nilang mag-asawa sa America at kailangan na nilang umuwi dahil na rin natambakan na silang pareho ng trabaho. She had been gone for more than 2 months, for Pete's sake!

Sininghot nya ang hanging puno ng pulosyon, "It has always been good to be back in your motherland's arms." Lumapit siya dito at umabresite, "Pero mas bet ko pa din sa arms ng aking labidabs!" wika niya kasabay ng pagkurot sa biceps nito.

Napa-iling ito tinuran niya, "Para kang bata." Masungit na wika nito sa kanya habang nagpapalinga-linga.

Sus! Sungit-sungitan lang yan kapag araw pero sa gabi...she blushed when she imagined what they did during their stay in America. At his grandmother's mansion...inside his room... It was a pure bliss. Pure bliss that she never thought of what's future's holding when they come back in the Philippines. She felt loved and cared by her own husband. She sighed at the thought.

Her forehead knotted, "Sinong hinahanap mo?" tanong niya rito habang siya naman ay napapalinga na rin.

"Si Mang Dennis. I've told him to fetch us here." sagot nito tukoy ang personal driver nito.

"Anong oras ba ang sinabi mo?"

"Around 2 o'clock in the afternoon."

Tinignan niya ang relong-pambisig, "I'ts already 2:25. Baka naman natraffic lang sila?" Mamaya-maya ay may humintong puting sasakyan sa harapan nila. "O, hayan na pala si Manong, e."

Tumalima naman ito at agad na isinakay ang mga dala nila sa compartment ng sasakyan katulong ang driver nito.

"Pasensya na po kayo, Sir at Ma'am, may banggaan po kasi sa may bandang Edsa kaya natagalan po ako." Hinging paumanhin ni Manong Dennis. "Saan po tayo?"

"Okay lang, Manong." sagot ng kanyang asawa. "Sa bahay ho tayo."








"Nakakalurkey ang pagod!" Sumalampak siya agad sa sofa ng bahay nila pagbukas na pagbukas palang ng asawa niya sa pinto. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa buong biyahe. "I need to see my bed, oh so badly."

Patayo na siya at kukunin na sana ang mga dala niyang gamit nang pigilan siya nito, "Just go to your room. Ako nang bahala sa mga gamit mo." wika nito habang papunta sa kusina. "I'm just going to drink. Nauuhaw ako."

"Hindi kaya ikaw naman ang mahirapan?" pahabol niyang tanong dito pero sa totoo lang ay nahihiga na talaga siya. Wala lang, tinanong lang niya ito para hindi nito sabhing hindi man lang siya nagpakipot. Pakitang-tao lang niya kumbaga. Ha-ha! "Malalaki ang mga dala nating maleta, e." Pero siyempre, nag-aalala din siya dito kahit papaano.

"Nah, I'll be fine. Besides, naipakita ko naman na siguro sa'yo noong mga nakaraang araw kung gaano ako kalakas, hindi ba?" tanong nito. Alam niya ang tinutukoy nitong 'mga nakaraang araw' dahil siya, noong 'mga nakaraang araw' ay hindi siya makapaglakad ng maayos. Muntik na rin silang magkulong lang sa kwarto noong 'mga nakaraang araw' kung hindi lang sila nahihiya sa abuela nito. Mamaya iba ang isipin nito, nakakahiya naman lalo na't tama ang hinala nito. He-he!

She blushed. "Bastos!" sigaw niya rito nang natatawa. Pa-akyat na siya ng hagdan.

"Sus! Gustong-gusto mo naman!"

She rolled her eyes, "Whatevah, Villazanta!"

Narinig niyang tumawa ito, "Sweet dreams!" wika nito bago niya isara ang pintuan ng kanyang kwarto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon