Chapter Twenty-Six- The Tea

6.1K 135 32
                                    

Garvo's POV

"Apo?" mahinang pagkatok ng kanyang abuela mula sa pinto ng kanyang kwarto. Pagkaraa’y nakadungaw na ito sa kanyang kwarto habang may dalang tasa.

Napahinto siya sa kanyang ginagawang pag-iisip, “Yes, Lola Mommy?” akmang tatayo na siya galing sa pagkaka-upo upang lapitan ito nang pigilan siya nito.

“No,no,no. Just sit.”

Umayos siya ng upo,  “What is it, ‘My?”

“I know you are bloated.” Inilapit nito sa kanya ang hawak na tasa, “Here. Drink this.” Marahil napansin nito na naparami siya ng kain kanina.

Kinuha niya iyon. It was a cup of tea. “A tea?”

“Yes. Don’t you know that teas are good for digestion?” excited nitong pahayag. “Come on, apo. Drink it.” Inilapit pa nito sa kanyang bibig ang tasa kaya wala na siyang nagawa kundi ang inumin iyon.

"Anong klaseng tsaa iyon, 'My?" tanong niya sa abuela pagkatapos maubos iyo. "Bakit parang iba yata ang lasa?"

"Ha?" Natigilan ito ngunit natawa naman agad na halata namang pilit, "That’s the tea that my kumare gave me. Pasalubong niya sa akin galing China.” Ngumiti ito ng matamis, “It tastes great, right?”

“It tastes…” awful.. gusto sana niyang idagdag ngunit mas pinili niyang manahimik nalang sa totoo nitong lasa, “…good.”

Tila natuwa naman ito sa sinabi niya, “O, siya. I know you are tired.” Lumapit ito sa kanya upang halikan siya sa pisngi, “Goodnight my handsome apo. It was nice seeing you again. ” Hinimas pa nito ang pisngi niya. She looked at him in the eyes, napakalamlam ng mga mata nito, “Please give your marriage a try. She’s a nice woman. Besides, she has a good sense of humor. Kahit hindi niya sinasadya, nakakatawa na siya." Natawa ito, "And that’s a talent.” Kumindat pa ito sa kanya.

He chuckled, “Goodnight Lola Mommy.” Pagkatapos ay tuluyan nang umalis ang kanyang abuela.

Is she really a good catch?

Then he felt something strange. Para siyang nag-init bigla. Maybe he just need a shower.

Kim’s POV

“Kim, is that you?” rinig niyang tanong nito. Nanggaling iyon mula sa loob ng banyo. Kaya kung hindi siya nagkakamali, kasalukuyan itong naliligo. Nakumpirma niya iyon nang marinig ang lagaslas ng tubig.

Oh, boy!

Nataranta siya, “H-ha? A-ah. H-hindi! Hindi ako ‘to!” lintik! Ano ba pinagsasabi niya? “I-I mean ako ‘to! Pero please lang, ha? ‘Wag ka munang lalabas diyan!” dali-dali niyang hinanap ang dalang travelling bag. Syet! Nasaan na ‘yon?

Narinig niya ang paghinto ng tulo ng tubig mula sa banyo. Ang ibigsabihin noo’y tapos na ang kanyang asawa.

Syet! Hindi niya ako pwedeng Makita nang ganito! Pero ang lintik niyang bag, ayon at hindi pa rin nagpapakita sa kanya!  “Lord, please!” she silently whispered.

Then she heard the door knob clicked…Syet! She dived in on their bed and tucked herself with the bed sheets.

Nakakunot-noong tinignan siya nito paglabas na paglabas nito ng banyo. Wearing only a towel on his waist. He looked oh-so-yummy! “What the hell are you into now?” Kapag nalaglag 'yang tuwalya, ano kaya makikita ko diyan?

She shook her head. Kung anu-ano ang naiisip niya. Lumabi siya,  “Gabo naman, eh.”

“What?” he rolled her eyes.  Ayan na naman po si Mr. Masungit.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon