Chapter Six - First night

5.4K 89 0
                                        

Kim's POV

Alas kwatro na ng hapon at lulan kami ng sasakyan ngayon papunta sa bahay ng aking labidabs. Natapos na rin ang kasal! It was a blast! Grabe, ang saya lang. Sobra! It was indeed the most wonderful day that  ever happened in my entire life! Nadaig pa nito noong 18th birthday ko.

Ang saya-saya ko dahil naroon lahat ng mga malalapit sa akin. From my relatives up to my friends. Pero pansin ko lang, kanina pa walang imik itong katabi ko. Napansin ko ring wala siyang mga barkada roon. It was only Karl he was talking with awhile ago.

Wala ba aiyang barkada? Pero impossible naman. He's friendly kaya meron at meron siyang kaibigan.

"Uy Garvo, ba't wala ka yatang naimbitahang mga kaibigan mo?"  kaysa naman sumakit pa ang ulo ko, eh di tinanong ko na.

Hindi siya umimik. Nakasandal lang siya sa kabilang banda ng sasakyan at hinihimas ang ulo.

"Masakit ulo mo?" tanong ko ulit. Syempre, I should start taking care of him. Hindi iyong puro sarili ko nalang ang iniisip ko.

Pero hindi ulit siya umimik.

"Hey---"

He looked at me with anger. "What?!" galit na tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko. "I was just asking if--"

"Oo, masakit ang ulo ko. Kaya pwede ba manahimik ka nalang?!" sigaw pa rin niya. "And to answer your first question, yeah. I didn't invite them. Wanna know why?" he smirked. "Because I don't want them to witness the saddest day of my life."

"Because I don't want them to witness the saddest day of my life."

"Because I don't want them to witness the saddest day of my life."

"Because I don't want them to witness the saddest day of my life."

Syempre nasaktan ako sa sinabi niya ngunit hindi ko nalang ipinahalata. I smiled at him and jokingly said, "Huy ha! Grabe ka naman! It hurts, dude!" wika ko habang hawak-hawak kunwari ang dibdib ko.

Pero hindi na niya ako kinibo hanggang sa makarating kami sa bahay niya.

Nauna siyang bumaba at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. At talagang hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto?

Kaya no choice, bumaba na rin ako. Alangan naman kasing doon na ako forever 'no? No way! I can still hear the Honeymoon shouting and waiting for me!

Pero bago ako tuluyang makababa, nagsalita iyong driver ng sasakyan.

"Congratulations po at best wishes po, Ma'am."

I smiled at the old man. "Thank you po."

Pagbaba ko ay tinignan ko muna ang paligid.

Ang ganda ng bahay niya. Malaki pero hindi mansyon. Sakto lang sa isang pamilya. Ay, anebeyen! Kinikilig na ako nang maisip ko ang salitang 'pamilya'. Gusto ko rin noon! Hindi bale at ito na ang umpisa. I smiled to myself.

Tumingin ako sa paligid. Marami ring malalaking bahay at sa palagay ko subdivision ito. Hindi ko na rin kasi napansin kanina dahil iniisip ko pa rin iyong sinabi niya sa aking saddest day daw niya ito.

Pagkatapos kong tignan ang paligid ay dumiretso na ako sa loob ng bahay. Maaliwalas. Ang ganda. Parang ang tanging makikita mo lang sa buong bahay ay kulay itim at puti. Plain pero eleganteng tignan.

Umakyat na ako sa taas upang magpunta sa pinasukan ni labidabs.

"Anong gunagawa mo dito?" tanong niya pagkapasok ko habang nakakunot ang noo.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon