"What happened to your eyes?" yan agad ang bungad sa kanya ng kuya niya pagdating nya sa manufacturing ng araw na iyon.
"Napuyat lang ako." wika niyang nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa opisina niya. Of course, she'll not say the main reason why she's having a very awful eyes that morning. Hindi niya sasabihing umiyak siya magdamag at halos walang tulog dahil sa sinabi sa kanya ng asawa niya nang nagdaang gabi.
Kaninang umaga or let's say, kaninang madaling araw, nagluto na siya for two. She ate, prepared for job, and she's off. Umalis siyang hindi pa ito nagigising.
As for the food, tinakpan nalang niya roon ang inihanda niya. Wala na siyang paki-alam kung kakainin nito o hindi. Ang tanging alam lang niya ngayon ay galit siya. Period.
"What's with the face, bunso?" tanong ng kuya niyang kakapasok palang sa opisina niya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa mga ginagawa niya. "Hoy! Kinaka-usap kita!"
Sinamaan niya ito ng tingin, "Pwede ba gurang? Wala ako sa mood." sabay irap dito.
"Where did the bubbly Kim go?"
"Kinain na ng monster."
"Ewan ko sayo." tinapik nito ang mesa niya, "Hey, nadagdagan ulit ang clients natin."
Good. That's what I really need right now. Isang malaking PAGKAKA-ABALAHAN.
Tumango siya. "Good."
"Aspirin syrup raw ang ipapagawa.." pagpapatuloy nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Hoy, gurang. Huwag mo akong biruin ngayon dahil masama ang bangon ko. Walang Aspirin syrup, okay? Walang ganoon at hindi magkakaroon kailanman ng ganoon. Dahil kung sakaling may ganoon, hindi iyon gamot na nagpapaggaling, nagpapapatay iyon."
Tumawa ito. Padaskol niyang inilapag sa mesa ang mga papel na binabasa niya, "Layas!"
Napapalatak ito, "Witch..."
"I am. So please, for once...leave me alone." wika niya habang hinihilot ang sentido.
Bago ito lumabas sinabihan muna siya nito ng mga bagong produkto na gagawin nila. Hindi nagtagal, tumayo na rin siya upang makapagsimula na. She kept herself busy para naman kahit papaano'y mawala sa isip niya ang mga nangyari kagabi.
During the lunch break, nasa opisina lang siya. Nakahiga sa couch habang pinipilit ang sariling matulog. Pero kung sinuswerte nga naman... the memories from last night's keep on coming back on her mind. Hindi na nga siya nakatulog kagabi, pati ba naman ngayon?
Nag-umpisa na namang mamasa ang mga mata niya. Ang sakit..sobra. Masakit masabihang masama ang ugali mo, malandi ka, bobo at kung anu-ano pa. Mas lalo na kung sa taong mahal mo galing.
She smiled bitterly. Minsan na nga lang magmahal ang tao, mabubulilyaso pa yata.
Narinig nyang tumunog ang ang phone niya. Pinunasan niya ang mga luha niya.
Ayaw niya sanang sagutin kaso ang ingay. Naiinis siya. Akmang papatayin na niya nang makita kung sinong tumatawag.
Napa-upo siya bigla. Hindi niya alam kung sasagutin iyon o hindi. But she decided to answer anyway.
She cleard her throat. "H-Hello," pumiyok siya, "H-hello?" ulit niya.
"Where are you?" and here comes the demanding voice again.
Kumunot ang noo niya. "Nasa trabaho. Bakit?" sinadya niyang taasan ang boses niya.
She heard him sighed. "Maglunch daw tayo kasama nina Mommy." Sinabi nito sa kanya kung saan, "Malapit ka lang naman doon di'ba?"
"Malayo." walang-ganang sagot niya. Isa pa, mahapdi pa rin ang mga mata niya. Mamaya madisgrasya pa siya. Eh di sayang ang beauty niya.
"Huwag ngang matigas ang ulo mo!"
"Kung hindi matigas ang ulo ko, malamang patay na ako!" naiinis na siya rito! Sobra!
"Come on, Allejas!" matigas na wika nito.
She sighed as a sign of giving-up. Binabaan niya ang tono ng boses niya, "Pwede bang pass muna ako? Marami kasing gagawin dito. Isa pa, medyo masakit ang mata ko, nanlalabo rin paningin ko ngayon." Napapikit siya dahil naramdaman niyang pumitik ang sentido niya.
"Just go here. No more buts." Makatarungang wika nito.
"Gusto mo na talagang mabiyudo, 'no?" puno ng hinanakit na wika niya. "Huwag kang mag-aalala. Hindi naman na siguro masama ang isang taon na paghihintay di'ba? Isa pa, huwag kang makasarili. Hayaan mo naman akong sumaya kahit papaano sa buhay sa pamamagitan ng pagkabuhay ng matagal." iyon lang at pinatayan na niya ito.
She groaned in frustation and get up. She looked herself at the mirror. Gusto niyang mapamura dahil sa itsura. She looked so damn good! At dahil she looked so 'damn good' ay napamake-up siya ng wala sa oras.
Palabas na sana siya ng makasalubong niya sa may pinto ang kuya niya.
"Kuya, aalis muna ako." pamamaalam niya sa walang-ganang tono.
"Alam ko. And I will drive you." magsasalita na sana siya nang umahan siya nito, "Do not give me that look. Your husband asked me if I could drive you. Kaya makakasama rin ako sa lunch ng mga...Villazantas." iwinagayway pa nito sa ere ang mga kamay nang sabihin nito ang salitang 'Villazanta'.
Inirapan niya ito. "Para kang tanga."
Sinundot nito ang tagiliran niya, "Sus! Kinikilig ka naman!"
Hinarap niya ito at biglang sinabunutan, "Nakakainis kaaaaaaaa!" nanggigigil niyang wika. Imagining he was her husband.
Pero deep inside her, she was smiling. Ayaw pang mabiyudo ng loko.
BINABASA MO ANG
Seducing Him
DragosteWhat will happen if your long lost crush, the one who unfriended you on facebook, became your husband? Maganda na sana eh.You're perfectly single. iyon nga lang, he's committed with his long time girlfriend. You like him. A lot. But he hates everyth...