Chapter Eight - His Friends

4.3K 86 0
                                        

I will be using my old technique in writing. Nahihirapan kasi ako. Hindi ko rin mafeel. Haha.

---------

"So this is the Villazanta Building." she said to herself while looking at the 24-storey building in front of her.

Hapon na at nagpasya siyang dalawin ang asawa niya sa opisina nito. She wanted to make everything clear dahil masisiraan na siya ng bait sa pagtrato nito sa kanya. Kahit naman sinabihan siya nitong alikabok lang sa bahay nito ay hindi pa rin siya makapapayag. Hindi siya papayag na maging ganoon sila habang-buhay. Kaya kung gusto niya ng pagbabago, dapat na siyang kumilos ngayon.

"Good afternoon, ma'am. How may I help you?" bati sa kanya ng receptionist nang lumapit siya sa desk nito.

She smiled, "Hi. Where's the office of Mr. Garvo Villazanta?"

"At the 24th floor,  ma'am."

She thanked the receptionist and made her way to the elevator.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa 24th floor na siya.

The elevator door opened and she was greeted by a lady beside the elevator area.

The lady smiled, "Good afternoon, ma'am. What can I do for you?" mukha namang mabait ito.

"Good afternoon." she said smiling, "Is Garvo around?"

Tila nagulat ito ngunit nakabawi naman ito agad sa pagkakagulat. "A-ah..yes, ma'am. Ano pong kailangan nila?"

"Gusto ko lang sana siyang maka-usap." hindi pa rin nawawala sa mga labi niya ang ngiti.

"Hmmmm... m-may I know your name, ma'am?" tila nahihiyang tanong nito.

"Oh yeah, tell me it's his wife, Kim."

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "K-kayo po pala. Kaya po pala pamilyar."

Ngumiti lang sya rito. Hindi na siya nagtanong pa kung saan siya nito nakita dahil baka sa newspapers iyon kung saan naroon ang photo nila noong ikinasal sila.

Tinawagan naman na nito agad ang amo nito sa intercom, "Sir, Mrs. Villazanta wants to see you."

Mrs. Villazanta. Ahhh. Heaven.

"My mother?" tanong nito sa kabilang linya.

"N-no, sir. Your wife."

Ilang segundo rin bago ito sumagot, "Send her in." pagkatapos ay ibinaba na rin nito ang intercom.

"Pasok na po kayo, Mrs. Villazanta." nakangiting wika nito.

She likes his secretary. She smiled at her, "Thank you."

Tumuloy na siya sa nag-iisang pintuan sa buong palapag na iyon.

Napasinghap siya ng makitang hindi lang ang kanyang asawa ang naroon. There were three other men in his office. And those three men were totally drop dead gorgeous! Bahagya pa siyang napanga-nga pa siya ng makita ang mga ito na tila hinihintay talaga ang pagdating niya. Two of those men were on three-piece suit while the other guy was wearing a leather jacket....rugged look.

"What are you doing here?" tanong ng kanyang asawa na prenteng naka-upo sa sofa kasama ng mga kaibigan nito.

Ngunit kung gaano kagwapo ang mga ito ay mas gwapo pa rin sa paningin niya ang kanyang pinakamamahal na asawa.

She flashed her most gorgeous smile, "Hello, Mister." Binalingan niya ang tatlong lalaki, "I didn't know you have visitors from Mt. Olympus."

She heard the three men chuckled.

"I like her already, dude." Tumayo ang isa sa mga ito, "Hello Mrs. Villazanta. It's so nice to finally meet you." the one on three-piece suit offered his hand for a hand shake,  "I'm Theo, the most gorgeous of us."

"Ulol!" kontra noong lalaking nakaleather na siyang dahilan kung bakit siya natawa.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Kim. Just call me, Kim. The sexiest." biro niya rito. "Nice meeting you too, Theo."

Natawa ito sa sinabi niya.

"I can see that." wika ng isa pang nakathree-piece suit. "Hi, Kim. I'm Carmelo, the head turner Chef." 

Inilapit nito ang kamay sa kanya. Magiliw niyang kinuha ang kamay upang makipagkamayan. "Ay gusto ko 'yan, pagkain! Pwede mo ba akong maipagluto minsan, Chef? Medyo nangangayayat na kasi ako. Baka magalit parents ko kung pumayat ako."

Natawa ito. "Pwedeng-pwede."

"Hoy tama na iyan. Ako naman." Mamaya-maya ay nasa kamay na ng nakaleather jacket ang kamay niya. "Hello, sexy. I'm Josef, the--"

"Playboy!" sabay na wika nina Theo at Carmelo kaya natawa siya lalo sa mga ito.

"Losers!" wika ni Josef sa mga kaibigan pagkatapos ay binalingan siya na hindi pa rin binibitawan ang mga kamay niya. "Nice to finally meet you Kim, The Sexiest and beautiful wife of Garvo Villazanta, the halimaw."

Natawa siya sa diskripsyon nito sa asawa niya. Hindi lang pala siya ang nakakapansin sa pagiging halimaw nito. "Hoy, halimawishly handsome naman ang labidabds ko." wika niya.

"Whatever you call it." wika nito. Maya-maya ay akmang hahalikan na nito ang likod ng mga palad niya nang biglang tumayo si Garvo.

"Enough of your introductions." Binalingan siya nito. "What are you doing here?" nakakunot-noong tanong nito.

"Hindi ba pwedeng namiss lang kita kaya ako nandito?" narinig niyang sumipol ang mga kaibigan nito.

"'Yun oh!" wika ni Carmelo.

"Go, sexy!" pagcheer sa kanya ni Josef.

Binigyan niya ito ng thumbs-up, "Ayos ba?" tanong niya rito habang nakangisi.

"Ayos!" pakikisakay nito sa kalokohan niya.

Ibinalik niya ang tingin niya kay Gabo na ngayon ay masama na ang tingin sa kanya. But she just shrugged her shoulders off. Lumapit ito sa mesa nito at umupo sa swivel chair nito.

"What do you really want?" iritadong tanong nito.

Itinaas niya ang mga kamay niya tanda ng pagsuko. "Hey, chill labidabs. I'm here to have a little chat with you sana. Kaso may mga bisita ka pala. Kaya saka nalang siguro sa bahay. So...bye for now. See you later."  Binalingan niya ang mga kaibigan nito. "Goodbye for now, gorgeous creatures. My pleasure to meet you."

Akmang lalabas na siya nang tawagin siya ni Theo. "Are you free on weekends, Kim?"

"Why?"

"You see, we'll go hiking this weekend."

"Nakakahiya naman sa inyo. All boys yata eh."

"No." wika ni Carmelo. "Actually, the whole high school batch will be there too. Kaya marami tayo. And it's our one way of welcoming you to the barkada since you are Gabo's wife."

Ngumiti siya. "Mas nakakahiya yata. Hindi nalang siguro. Salamat nalang." ayaw naman niyang masabihang outsider.

"No we insist." wika ni Josef, "Isa pa, hindi lang naman ikaw ang magiging 'others' doon kung sakali. Dahil may mga asawa na rin ang iba naming batchmates eh, sinasama na rin nila ang mga asawa nila.Mas maganda nga eh,  the more, the merrier."

Napangiti siya, it's good to know that she is accepted to her husband's circle of friends. Iyon nga lang, asawa niya mismo ang nagrereject sa kanya.

"Sige, count me in."

----------------------------------

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon