Chapter Twenty-Three - Maharuut!

5.4K 102 12
                                    

"You're gonna miss him that much, huh?"

Mabilis pa sa alas-kuwatrong napatingin siya sa nagsalita. Her heart beats fast. Para yata siyang naging bato sa kinaroroonan niya. "G-Gabo?"

He showed his expressionless face again, "Nice seeing you again...wife."

Napasinghap siya. She can't believe her eyes!  Narito ito ngayon sa harap niya habang naka-casual attire--long sleeved-blue-checkered polo na pinatungan ng jacket, jeans and black shoes. May dala rin itong bagpack.

Why? How? "A-anong ginagawa mo rito?" sa dami ng gusto niyang tanungin ay iyon lang ang tanging nasambit niya.

He smirked, "Bakit? Ayaw mo ba ako rito? Huwag kang mag-alala, napadaan lang ako." wika nito tsaka na tumalikod paalis.

Siya naman ay napatanga sa tinuran ng asawa, "H-hoy, Gabo!" mabilis niya itong hinawakan  sa braso bago pa ito makalayo  pagkatapos ay umabresite dito, "Ikaw naman, parang nagtatanong lang eh." lambing niya habang niri-rape ang braso nito. "Namiss kita, ah." inamoy-amoy niya ang damit nito. Hay heaven, pare! "Namiss mo ako kaya ka nandito 'no? Uyyyy!" tukso niya rito habang kinikiliti sa tagiliran.

Tumingin ito ng masama sa kanya, "Stop that!" wika nito habang iniiwasan ang kamay niya.

Tumigil naman siya agad, "Eh bakit ka nga nandito?"

Nag-iwas ito ng paningin pagkatapos ay biglang namula, "N-napadaan lang ako."

She grinned, "Wow ha? Parang sa Pinas lang. Samantalang hindi mo nga magawang dumaan sa trabaho ko roon eh." panghuhuli niya rito tsaka siya lumabi.

Tumingin ito sa kanya ng masama, "'Wag ka na ngang marami pang tanong!" bulyaw nito.

Guilty. She chuckled, "Alam mo ba?"

Kumunot ang noo nito, "Ang alin?"

"Halata ka pa rin mamula kahit na maitim ka." tsaka siya tumawa. Mas lalong tumalim ang tingin nito sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi huminto, "Anyway, kanina ka pa ba?"

"Medyo." maikling sagot nito.

"Bakit hindi ka lumapit agad? Para naman naipakilala kita kay Zylen." wika niya rito tsaka niya niyayang pumasok sa loob para naman makapagpahinga na ito, "He's my bestfriend here."

Tumass ang kilay nito, "I didn't know you have bestfriend here. At lalaki pa."

She chuckled, "Uy, jelly!" biro niya. "But seriously, oo, may bestfriend ako dito at lalaki pa. Actually, he's my big boss. Anak siya ng may-ari ng kumpanyang pinagtrabahuan ko rito." paliwanag niya rito habang nasa elevator sila. Tumango lang ito. "Kumusta pala sa Pinas?"

"Ayos lang." ma-ikling sagot nito.

"Hindi mo ako namiss?" lambing niya.

"Hindi." sagot nito agad na sumakto sa pagbukad ng elevator.

They stepped out of the elevator. "Sus, hindi raw pero nandito ngayon." bulong niya sa sarili.

Tinignan siya nito, "Anong sabi mo?"

"H-ha? A-ah wala, wala." umiling-iling siya pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis habang binubuksan ang unit niya.

Nag-iwas ito ng tingin, "Don't smile."

Napalis ang ngiti niya. Napakunot-noo siya rito, "Ha? Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Basta!" sigaw nito.

"Kailangang sumigaw?" Pagkabukas ng pinto ay nauna siyang pumasok. Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere, "Welcome to my humble abode!"

Inirapan lang siya nito tsaka siya nilagpasan. "Where's the bedroom?" tanong nito habang tinitignan ang bawat sulok ng unit niya. Kuu! Mabuti nalang at nakapaglinis siya kanina.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon