Chapter Nine - Perfectly Fit

4.3K 89 2
                                    

Nagbabasa siya ng libro sa sala ng biglang hinaklit ng kadarating lang na Gabo ang braso niya.

Alas  sais palang ng gabi noon kaya nagtaka siya kung bakit ang aga nitong dumating na halos magkasunuran lang sila ng pag-uwi.

Pagkatapos kasi niyang magpunta sa opisina nito ay bumalik siya sa pagawahan nila ng gamot para mag-inspeksyon sa mga tauhan nila o sa mga makinang ginagamit. Because the most important thing in the drug product industries is the quality control. So, she should be very strict when it comes to those stuff. She should monitor if the personnels are actually following the SOPs of their company.

"Hoy! Ano ba nasasaktan ako!" daing niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.

Ang dilim ng mukha nito. "Talagang masasaktan ka!" dinala siya nito sa study room nito. "Why did you go there?!"

"Di ba nga sabi ko sa'yo, kakausapin sana kita?" tumaas na rin ang tono ng boses niya. Abay! Hindi panghabang-buhay na lagi nalang nasisindak dito.

Marahas ang pagbitaw nito sa braso niya. "Now talk!"

Hinimas niya ang nasaktang braso na ngayong namumula na.

Aray ko po.

"Kim!" sigaw nito na siyang ikinagulat niya.

Bwisit naman oh! Hindi ba pwedeng himasin muna ang nasaktang braso?

In-eksaheradang pumikit siya na kunwari'y nabingi sa pagsigaw nito. "Ano ba yan labidabs! You're scaring me! Chillax, dude!"

Ngunit tinignan lang siya nito ng masama. "Stop calling me, labidabs, baby Gabo or any other pet names!" Tila umuusok na ang ilong nito sa kairitahan sa kanya.

"Hoy Gabo, excuse me ha, pero hindi iyon 'pet names' they are 'endearments'. Haven't heard of such yet?"

Naihilamos nito ang kamay sa mukha, "Whatever you call them! Just... just stop it!"

Napangiti siya sa tinuran nito.

"Why are you smiling?"

"Nothing. Napansin ko ang gwapo mo pa rin habang naiirita."

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Hindi ako naiirita! I am mad! Freaking mad that I want to kill you right now!"

Natawa siya. "Okey, mad it is. Ngunit wag mo naman akong patayin. Virgin pa ako at ayokong mamatay na virgin." Mas lalong lumakas ang tawa niya sa sinabi niya.

Nasuntok nito ang pader. Doon na siya tumigil at naging seryoso.

"Damn it! Why aren't you taking me seriously?"

She looked into his eyes. "Because if I take you seriously, wala na tayong matinong pag-uusapan. Ayaw ko ng patungan ang init ng ulo mo sa init ng ulo kung 'pag nagkataon dahil wala tayong patutunguhan. We'll just fight and fight." she sighed. "Gabo, I want this marriage to work out, Hindi iyong hindi tayo nag-uusap. Puro tayo away. Walang pansinan, lagi kang mailap, laging late umuwi. Kaya papaano tayo magiging maayos kung ganoon lagi tayo?" she looked at his hand, "Now, can I look at your hands?"

Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito dahil kusa na niyang kinuha iyon. Iyon ang kamay na ginamit nitong pangsuntok kanina. "It's beginning to look blue." Kinikuha na  ito ang kamay nito ngunit hindi niya iyon pinakawalan bagkus ay tinapik niya iyon. "Huwag nang magulo Gabz. Halika..."yaya niya rito sa kusina.

"I-I'm fine. It's nothing."

"Anong 'it's nothing dito?" itinaas niya ang kamay nito saka niya idiniin ang daliri niya sa isang bahagi na siguro'y napuruhan ng husto dahil sa pamumuo ng dugo roon.

Napa-igik ito sa sakit. "You witch--"

Ngumisi siya. "Ang sakit diba? That's what you get when you let your foolishness takes first." dinampian niya iyon ng cold compress. "Ang sabi ko naman sa iyong bata ka, wag na wag mo nang subukang pag-ekspirementuhan kung ano ang mas matigas--itong kamay o kung iyong semento." biro niya rito habang nakatingin lang sa kanya.

Hindi na ito umimik pa habang ginagamot niya ang nasaktang kamay nito.

"Humaygad!" tili niya.

Mukhang nagulat naman ito sa pagtili niya, "What?!"

Ngumisi siya, "Your hand perfectly fits with mine." wika niya at itinaas ang magkahupong mga kamay nila ngayon. "What do you think?"

"Ang gaspang ng kamay mo." wika nito saka kinuha ang sariling kamay.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon