Chapter Fifteen - Fighting Back

4.9K 89 1
                                        

“We’re here.” Rinig niyang pahayag ng kuya niya pagkatapos nitong i-park ang sasakyan nito sa harap ng restaurant kung saan sila magtatanghalian kasama ng mga Villazanta.

Lulugo-lugo siyang bumaba dahil hanggang ngayo’y masama pa rin ang pakiramdam niya.

“Are you okay?” tanong ng kuya niya

“Yup. Napuyat lang siguro kagabi. You know, insomnia.” Pagsisinungaling niya.

Tumango-tango ito. “I see.”

Pumasok na sila sa loob. Pagpasok nila, kinawayan naman sila ng mother-in-law niya na naka-upo sa pabilog na mesa.

Pinasigla niya ang aura niya. “Hello, mommy, daddy!” wika niya sa mga ito at nagmano sabay beso-beso na rin. “Si Kuya Kreigh po pala.”

“Of course, we know him, iha.” Wika ng ginang. Gaya ng dati, posturang-postura pa rin ang ginang. “Have a seat.”

Uupo na asana siya sa tabi ng biyanan nang tapikin siya sa balikat ng kuya niya at sumenyas na sa tabi nalang siya ng asawa niya umupo na ngayo'y mataman lang na nakatingin sa kanya.

Anong problema nito?

 She let out a sigh. Palapit na siya nang bigla itong tumayo at ipaghila siya ng upuan. She blushed a little.  Tama, a little lang. She smiled faintly at him, “Thank you.” 

He suddenly kissed her cheek, "You're always welcome, wife. Good afternoon." pagkatapos sabihin iyon ay na-upo na ito sa sariling upuan.

Siya naman ay naroon lang, nakatayo! Bigla siyang nanlamig, naparalisa at naging bato dahil sa libo-libong boltaheng nararamdaman niya.

"How sweet." puna ng biyenan niya habang tila kumikislap ang mga mata nito dahil sa ginawa ng anak.

Doon siya natauhan at napa-upo bigla. "Ay, he-he. O-o nga ho, mommy." wika niyang alangining nakangiti.

Ay oo nga pala. The parents are here. He needs to be "sweet."

Nag-order na sila at kumain. Habang kumakain ay nagkwentuhan sila sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila. Kung kumusta ba ang buhay mag-asawa, kumusta ang negosyo at kung anu-ano pa. Sa totoo lang, hindi siya gaanong nakihalubilo sa usapan ng mga ito. Wala pa rin kasi siya sa mood. Hanggang ngayon kasi naiisip pa rin niya ang mga nangyari kagabi. She heaved a sigh. Ang sakit sa dibdib.

Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang mag-asawa. Para silang mga tangang nagpapakiramdaman. Kapag tinatanong siya ay doon lang siya sasagot. Isang tanong, isang sagot lang siya. Which is of course, very unusual to a talkative like her.

Ganoon rin ang asawa niya, tahimik lang ito. Sasagot lang ito kapag may tinanong dito. Hala, sige! Magpa-panisan tayo rito ng laway.

“Iha, why don’t you go with Garvo this weekend?” tanong sa kanya ng father-in-law.

Napatingin siya rito. “P-po? Saan po?”

“They will be having a batch reunion  this weekend. A high school batch reunion, sa Boracay.”

Napalunok siya. H-high school batch reunion? Then a memory flashed on her mind. Napa-iling siya. Ayaw niya. Ayaw na niyang magpunta sa kahit saan kasama ng mga high school batchmates nito. Pagkatapos ng nangyari dati? Nunca! Tapos excuse me?! Boracay? Naku! Hindi pa siya handang mag-two-piece, 'no!

Nahihiyang ngumiti siya rito, “Naku. Ang dami ho kasing ginagawa ngayon sa  trabaho. Hindi ho ako makakapunta.” Hindi na niya ginamitan ng “Baka” nang sinabi niyang hindi siya makakapunta dahil ayaw naman talaga niyang magpunta.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon