Pagkakita sa babaing linta ay agad siyang nag-init sa kabwsitan. Bakit ba nakalimutan niyang naroon din pala ito?
She made her way to the corner of the exit and observe what will happen next. Napansin niyang namilog ang mga mata ng linta habang nakatingin sa loob ng airport. Nang sundan niya iyon ng tingin ay nakitang niyang asawa pala niya ang tinitignan nito.
"Gabo!" kumaway ito pagkatapos ay biglang pumasok para salubungin ang asawa ng isang mahigpit na yakap.
She looked at the reaction of her husband. Kung kanina'y galit ito, ngayon ay lumiwanag na ang mukha ng makita ang linta tsaka rin ito yumakap sa babae. Para silang nasa isang telenovela na mahigit isang dekadang hindi nagkita. She felt a pang of pain on her chest. She smiled bitterly, hinding-hindi talaga niya ito mapapasaya kahit kailan.
"The van's ready!" narinig niyang sigaw ng isa sa mga kasamahan nila. Gagamit sila ng van from Catiklan to Aklan kung saan gagamit ulit sila ng bangka para makarating sa mismong isla ng Boracay.
Tinignan niya ang dalawa na ngayo'y nasa harap na niya. Ang sarap sabunutan ng babae na ngayo'y nakapulupot na ang braso sa asawa niya.
"Ready na raw ang van." wika niya sa dalawa at nagpati-una ng maglakad sa mga ito. Pagdating sa van ay hinintay muna niyang makarating ang dalawa bago siya sasakay. Pagdating ng mga ito'y sinadya niyang makipagtitigan sa asawa.
"Come on, Garvo." paanyaya ng babaing linta.
Naunang sumakay si Gabo at pumwesto malapit sa bintana. Akmang sasakay na rin sana siya nang bigla siyang itulak ng babaing linta.
"Ano ba?!" iritadong wika niya
"Haharang-harang ka kasi sa pinto. Ang laki-laki mo pa naman.." pagtataray nito sa kanya.
"Sandra.." pagbabanta ng asawa niya.
"Eh, kasi naman siya eh."
She closed her eyes and counted from one to twenty. Okay, Kim. Calm down. Woooh. You are an educated person. You will never stoop down to her level. Pagkunsula niya sa sarili.
Indeed, she's an educated person at ayaw na niyang patulan ito.
Pasakay na sana siya ng makitang wala ng bakante. She sighed. Ano ba ito, Lord? frustrated na wika nya sa sarili.
"Hmmm... sa kabilang van nalang ako." Paalis na siya nang marinig ang sinabi ni Theo. "Sa kabilang van na rin ako."
"Ako rin." wika naman ni Carmelo na pababa na rin ng van.
"Me three." wika rin ni Josef.
She faced the three of them. Namaywang siya, "Boys, kung lilipat kayo, eh di hindi na tayo kasya roon? Kaya mabuti pang dito nalang kayo." wika niyang natatawa kahit na nagbabadya ng lumabas ang luha niya.Syet! Ang hirap talagang magpanggap na masaya.
"Sila nalang papalipatin namin dito kung hindi tayo kasya, sexy." Wika ni Carmelo.
"Isa pa, ayaw naming makatabi ang isang gago." seryosong wika ni Josef sabay tingin ng masama kay Garvo.
She felt a tension building up. Kaya bago pa man mag-away ang dalawa ay hinila na niya ang mga ito papunta sa kabilang sasakyan, "Kayo talaga. O siya, halina kayo." Naiiyak siya sa ipinapakitang concern ng tatlong lalaki. Mabuti pa ang mga ito. To think na ang asawa pa niya mismo ang nagyaya sa kanya.
"Cry." Napapitlag siya ng marinig ang sinabi ni Theo pagka-upo nila. Nasa tabi niya si Josef habang si Theo naman ay nasa likuran niya ng upuan. Si Carmelo naman ay nasa labas pa habang may ka-usap sa phone.
![](https://img.wattpad.com/cover/9920558-288-k878386.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing Him
RomanceWhat will happen if your long lost crush, the one who unfriended you on facebook, became your husband? Maganda na sana eh.You're perfectly single. iyon nga lang, he's committed with his long time girlfriend. You like him. A lot. But he hates everyth...