Chapter Eleven - Bitterness

5K 100 6
                                    

Naglalakad siya ng tahimik habang pababa ng bundok. She tried her best not to cry the whole time. She kept on telling herself that she's a big girl now.

A very BIG girl, actually.

Nasa may mga bato na siya ng bigla siyang natapilok kasabay noon ang pagkirot ng paa  niya. It was her ankle.  Natapilok siya.

Tinignan niya ang paligid para sana humingi ng konting tulong sa pagtayo, ngunit walang tao. She tried getting up but it was no use. Tagaktak na rin ang pwis niya dahil sa sikat ng araw plus the heat coming from the stones on her lower extremities dahil sa pagkakasalampak niya.

She let out a frustrated sigh at ibinato ang batong nahawakan niya. Doon na siya napaiyak. Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa mga nangyari kanina.

She felt so damn useless! A clumsy-crying girl!

Hiyang-hiya siya kanina sa harapan ng mga taong hindi pa niya kilala. Gusto na niyang mamatay sa kahihiyan ng mga sandaling iyon ng paggalitan at sigaw-sigawan siya ng asawa niya sa harap ng maraming tao. Ang mas masakit ay ipinahiya pa siya nito sa harap ng ex nito. He even said she's 'tatanga-tanga'.

Doon siya naiyak mas lalo. Ang sabihan siya nitong tatanga-tanga.

Isa pang nakadagdag sa frustration niya ang pagtulong nito kay Sandra. Samantalang siyang asawa ay nadapa na at lahat-lahat ay wala man lang itong ginawa. He even shouted and blamed her about their 'delay'.

Ang mas ikinaiyak niya ay ang concern faces ng mga batchmates nito. Ayaw niyang kaawaan siya dahil pakiramdam niya wala siyang kayang gawin. Plus the fact that his friends also offered some help. Ngunit ang asawa niya.....

"Ahhh!" she screamed out of frustrations she was feeling.

She tried getting up again and fortunately she succeeded. Napabuntong-hininga nalang siya dahil sa sakit na nararamdaman.

Ipinagpasya muna niyang magpahinga sa isa sa mga puno na malapit. Naupo siya sa ugat ng isang malaking puno at doon hinimas ang kanyang nasaktang paa.

Doon niya napagtantung ang dami pala niyang sugat at galos na natamo.  She looked at her hands to inspect something unusual. Wala naman gaanong kakaiba maliban sa maliliit na gasgas sa kanyang mga palad at ang namamagang braso na hinawakan ng asawa niya kanina.

She touched it and felt pain. Mukhang magkakapasa pa yata ako, ah.

Naghanap siya sa bag ng telang maaring pangtali sa napilayan niyang paa.Pagkatapos talian ay naghanap siya kahoy na maaring gawing saklay pababa.Nang makahanap ay nagpatuloy na siya pababa.

Hirap na hirap siyang bumaba kaya iniwan na niya ang ilang mga bagay na nagpapabigat sa bag niya katulad ng mga de lata.

She sighed. Mabuti na lamang at hindi pa gaanong malayo ang nalakad nila kanina. She estimated. Maybe thirty minutes from now ay nasa ibaba na siya mismo.

Kahit hirap sa paglalakad ay nagpatuloy pa rin siya. Wala naman kasing tutulong sa kanyang iba kundi ang sarili niya.

And atlast! Nakita na niya ang patag. She smiled and congratulated herself even if it took her an hour because of her ankle.

Ang problema na lamang niya ngayon ay kung paano siya makakauwi ng buhay at ligtas dahil sa pesteng paa niya na ngayon ay gusto na niyang ipaputol dahil sa sakit.

Hindi na niya tinawagan ang driver nila dahil masyadong malayo ang kinaroroonan nila kaya malamang eh maghihintay pa siya. Gusto na niyang makauwi agad dahil pagod na pagod na siya. Pakiramdam niya ay bibigay na anumang oras ang katawan niya. Her body's aching so damn much.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon