Chapter Nineteen - The Mommies

5.2K 93 9
                                    

"Good morning world!" wika niya tsaka nag-unat-unat.

Medyo tinanghali na siya ng gising dahil na rin sa kapaguran sa byahe kahapon. It's Tuesday at napagpasyahan muna niyang um-absent. Ayos lang naman daw sabi ng kuya niya. Eh di, okay.

She made her way to the kitchen dahil nagugutom na siya. Napangisi siya nang maalalang nabawasan siya ng anim na kilos simula nang ikasal sila.. And she wanted to maintain it kaya pure vegies muna ang iluluto niya. Isa pa, wala naman na siguro sa bahay ang asawa niya dahil panigurado ay maaga itong umalis kanina.

Bigla siyang napabuntong-hininga nang maalala ang nangyari sa Bora. Hanggang ngayon kasi hindi pa sila nag-uusap mag-asawa. Ayaw rin naman niya itong kausapin dahil galit pa siya rito. Kung lalapit man ito sa kanya ay iiwas siya. Minsan naman para itong may gustong sabihin ngunit hindi nito maituloy-tuloy. Kaya hiyaan na lamang niya.

She steamed cabbage and potatoes pagkatapos ay nag-umpisa na siyang kumain. Nasa kasarapan na siya sa pagkain ng bigla siyang napapitlag dahil sa ingay na nanggagaling sa may hagdan. Pinakiramdaman niya ang paligid. Wala naman sigurong multo, 'di ba?

Susubo na sana siya ng papatas nang biglang magpakita sa harap niya ang asawang maputla at halatang hindi gaano nakatulog at mapupula ang ilong. Bigla siyang nailang nang tumingin rin ito sa kanya. Her lips were slightly parted as well as his. Nang wala pang nagsasalita sa kanila ay tumikhim siya, "H-hmmmm. Kain." yaya niya rito. Pero ang magaling na lalaki, ni hindi man siya sinagot at dire-diretso lang ito sa ref upang uminom.

Tumayo na siya dahil nawalan na siya ng ganang kumain. Pero bago siya makalabas ay may sinabi muna siya rito, "Bahala ka nang maghanap diyan ng makakain mo. Hindi na ako nagluto para sa'yo dahil akala ko wala ka na rito. Isa pa,  sayang rin lang naman, hindi mo kinakain." then she walked away.

Dumiretso siya sa kwarto niya upang maligo at magbihis. She decided to go to their house. Namimiss na kasi niya ang Lolo, Lola, Daddy at lalong-lalo na ang Mommy niya. Isang linggo na rin kasing mahigit na hindi ito nakikita. Ibibigay na rin niya iyong mga binili niyang pasalubong sa mga ito. Kung hindi siya gaanong gagabihin, tutuloy na rin siya sa bahay ng mga in-laws niya. May binili rin kasi siyang pasalubong para sa mga ito.

At kahit na galit sa asawa ay magpapaalam muna siya ritong aalis.

She knock on his door. "Gabo?" walang sumasagot. Naka-ilang tawag na siya nang wala pa rin. Sinubukan niyang pihitin ang sedura ng pinto. Sakto bukas.

"Gab--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa nadatnan niyang itsura nito.

He was laying on his bed, nakakumot, nakafetus position, nanginginis sa lamig kahit na maaraw at namumula ang ilong. Na-alerto naman siya sa nakita. "Goodness! What happen to you?" Lumapit siya rito at akmang ilalagay ay likod ng palad sa noo nito nang bigla itong umiwas. Pinamaywangan niya nito, "Sige umiwas ka at nang lalong lumala iyang sakit mo."

Tinignan siya nito sa mga mapupugay na mata at pumikit na.

She sighed and did some 'wifely' duties. Kinuha niya ang temperatura nito. "Ang taas, Gabo,  39 degrees Celsius." Ipinagluto niya ito ng pagkain. Una ayaw nito subalit tinarayan nya ulit ito kaya ayon, napakain rin niya. Pagkatapos ay pina-inom niya ito ng gamot. She stayed in his room all-day just to monitor his temperature. Nang pagpawisan ito ay kinuhanan niya ito ng bagong damit upang sana bihisan. Kaso ang sira-ulo, ito na raw. "Oh sige, ikaw na." Tignan natin kung kaya mo

Nang makitang nahihirapan ito ay kinuha niya mula rito ang damit, "Kita mo? Hindi mo kaya. Pwede naman kasing humingi ng tulong sa iba kaso iyang pride mo, ang taas! Sobrang taas!" she reached for the hem of his shirt and started taking it off. Nasa kalagitnaan na siya nang biglang siyang napalunok. Gosh! Magha-hyperventilate na yata ako! Ow shit! Those abs.. yummmmy! Itinaas niya ulit, Ow great! Lord, the washboad chest! Penge ho tubig, sa mga nakakarinig!!!

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon