"Saan ka galing?" tanong ko habang nakangiti sa kanya. Galing akong kusina kakatapos ko lang magluto para sa almusal namin. Simula kagabi ay ngayon lang siyang umuwi. Alas-otso na. Ngumiti nalang ako dahil ayaw kong masira ang unang araw namin bilang mag-asawa.
Tinignan niya lang ako at tsaka nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat.
Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga na lamang. Wala eh, ganyan talaga ang buhay.
Nagpunta ako sa kusina para ihanda ang almusal namin sa mesa.
Pagkatapos ng isang oras ay bumaba na rin soya dala ang briefcase niya.
Tumayo ako, "Allis ka na?"
"Oo." Napangiti ako. Atleast sumagot siya ngayon.
"Bakit di ka muna mag-almusal? Sayang naman 'tong niluto ko. Ang dami pa na--"
Humarap siya sa akin. "Bakit sinabi ko bang magluto ka?" putol niya sa sasabihin ko.
Patience, Kim. Asawa mo yan. "Hindi naman. Baka kasi gutom ka." sagot ko habang nakangiti.
"Wala akong gana." wika niya at tsaka nagderederetso sa kotse niya at nagsimula nang umalis.
Naiwan akong mag-isa sa pinto parang tanga. "A-ah. O-okey." Anas ko sa hangin.
------------
Sa nakalipas na dalawang linggo naming pagsasama ay ganoon lang ang routine namin.
Gigising ako ng maaga para magluto ng agahan, maliligo para sa trabaho dahil nag-umpisa na ako sa manufacturing company namin, hihintayin ko siyang bumaba para kumain subalit aalis siyang hindi kumakain kaya ako lang dim ang kumakain. Sa gabi naman ay kung minsan, maaga siya, minsan hindi. Minsan hindi siya uuwi, ang uwi niya ay umaga na rin. Magbibihis lang siya tsaka na aalis ulit.
Hindi rin siya sumasabay sa akin sa hapunan. Titignan niya lang ako at tsaka aakyat na.
Sa dalawang linggo naming pagsasama ay kahit isang beses, hindi pa kami kumain ng magkasama. Ni wala nga rin kaming matinong pag-uusap.
Minsan nga maaga na akong gigising para ipagluto siya, pagkatapos noon ay magpreprepare na rin ako sa trabaho tsaka aalis na rin. Baka kasi ayaw lang niya talaga akong kasabay. Kawawa naman siya. Baka puro fast food nalang siya. Magkasakit pa siya, konsensya ko pa. Kaya tinatakpan ko nalang iyong kakainin niya sa mesa.
Pagbalik ko, nandoon pa rin iyong tinakpan ko. Ni walang nagalaw. Kaya nagpasya akong kumuha nalang ng kasama sa bahay. Kinuha ko si Nanay Minda. Iyong nag-alaga sa kanya noong bata pa siya.
"Nanay, ano po bang paborito ni Gabo baby?" tanong ko kay Nanay Minda habang nasa kusina kami at gumagawa ng kare-kareng panghapunan.
Mabait si Nanay kahit kakakilala palang namin kaninang dumating siya. Sa katunayan friends na nga kami eh.
Napa-iling si Nanay. "Naku, mga kabataan talaga." tukoy niya roon sa 'Gabo baby'. "Maraming paborito iyong batang iyon. Halos lahat, hindi pihikan." sagot ni nanay ng nakangiti.
Tumaas ang kilay ko. Kung ganoon, bakit hindi niya kinakain ang mga luto ko?
"A-ah." nasambit ko nalang.
"N-nanay Minda? Ano hong ginagawa nyo rito?" Tanong ni Garvo na kararating lang. Nakalihis na ngayon ang sleeve ng polo niya hanggang sa siko niya. Halatang-halata ang muskels. Uhlalammm!
Pumasok siya ng kusina at dumiretso kay Nanay para mag-mano. Matutuwa na sana ako eh, kaso nilagpasan ang beauty ko.
"Pagpalain ka ng Diyos, anak." sambit ni Nanay pagkatapos magmano ni Garvo.
"Ano hong ginagawa nyo rito?" tanong uli niya kay nanay.
"Ito kasing asawa mo. Hindi raw alam magluto. Eh baka nagsasawa ka na raw sa mga luto niya kaya heto ako ngayon."
Tumingin sa akin si Gabo ng may pagtataka. Ngumiti ako ng alanganin sa sinabi ni nanay.
"Baka kasi nagsasawa ka na." wika ko sa kanya with matching 'Please-just-go-with-the-flow look.'
Tumango-tango naman siya kahit alanganin. "A-ah yes." Tumingin siya sa akin. "Can we talk?"
My heart skipped a beat. "S-sure."
Nauna siyang magpunta sa sala kaya sumunod ako sa kanya.
"Bakit nandito si nanay?" tanong niya sa tunong pagalit.
Niyakap ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi kakainin niya akong buhay. Ngumiti ako ng alanganin. "A-Ahmmm. Para may kasama tayo dito. At para na rin may maka-usap ako kapag wala ka sa bahay or vice versa." sagot ko habang nakangiti.
"Hindi mo na dapat ginawa iyon! Alam mo namang matanda na si Nanay Minda! Paano kung may nangyaring masama sa kanya?" sigaw niya sa akin.
"H-hindi naman siya kikilos sa mga gawaing bahay eh. Sa pagluluto lang."
Pati rin naman ako nag-aalala. May katandaan na rin kasi si Nanay. Kaya nagpumilit akong wag na silang nagkikilos sa gawaing bahay. Magluluto lang sila pagkatapos ay magpahinga na sila.
"Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama kay Nanay. Kung hindi," Lumapit siya sa akin at bumulong, "Pagbabayaran mo." tsaka na siya tumalikod at pumanhik sa itaas.
I swear! Lahat ngwede tumayo sa akin, nakatayo na! Nakakakilabot naman 'tong si Gabo baby!
-------------
"Good morning Nanay Minds!" wika ko kay Nanay habang nagluluto siya ng agahan. Ready to go na ako papunta sa trabaho. Almusal nalang ang kulang kaya bumaba na ako. Isa pa, par matulungan ko na rin sa paghahanda si Nanay.
Nagulat ako nang biglang lumabas si Gabo sa may pinto ng kusina.
"Anong ginagawa mo diyan?!" tanong ko sa high pitch voice ko.
Tinignan niya lang ako at tsaka umitao bilang sagot. Hindi ko alam ah. Pero pakiramdam ko talaga, malapit ng mag menopause 'tong asawa ko. Ang sungit eh!
"Ay wala, iha. Ipinatapon ko lang iyong balat ng papaya. Babaho kasi iyon kapag doto sa loob."
"Ahh." sambit ko.
"Hala, sige. Kumain na kayo." yaya ni Nanay.
"Kain na rin po kayo 'Nay." wika ko naman.
"Mamaya na ako kakain, iha dahil hindi sanay ang tiyan ko sa maagang agahan." wika ni Nanay Minds.
"Ay ganoon po ba? Kayo pong bahala." tumingin ako kay Gabo, "Gabo baby, kain na."
For sure kakain na 'to ngayon, Hindi ako ang nagluto eh. Ay excited na ako! Atlast! Makakasabay ko na rin siya sa pagkain! For two weeks, men! Two long weeks! This is it!
Kumunot ang noo niya. "Mamaya na ako kakain."
Kaya ayon, bagsak ulit ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
Seducing Him
RomanceWhat will happen if your long lost crush, the one who unfriended you on facebook, became your husband? Maganda na sana eh.You're perfectly single. iyon nga lang, he's committed with his long time girlfriend. You like him. A lot. But he hates everyth...