Chapter Twenty-Four - Mas Maharuut!

5.5K 114 15
                                    

"Sino ma-uuna sa bathroom?" tanong niya sa asawa pagkauwi nila galing sa 'dinner date' nila. Sa dami nang options nila kanina kung saan kakain ay napadpad lang sila sa isang 'Americanese' restaurant.

"Ako muna." sagot nito.

Habang hinihintay matapos ang asawa ay naghalukay muna siya ng damit na susuotin. She chose gray pj and a simple v-neck shirt.

Inayos rin niya ang mga gamit ng asawa at inilagay sa closet niya. Pero teka? Paano 'yon? Flight na niya bukas.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang Greek God. Tanging tuwalya lang sa beywang suot nito. Goodness!  Look at those sinfully abs. And damn! He looks so hotter with those dripping water  from his hair. Naligo pala ito.

"Amused?" mayabang na tanong nito.

Tumaas ang kilay niya, "Aba, ang yabang ah." then she chuckled.

Natawa rin ito ng bahagya, "It's your turn." pahayag nito pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa pinaglagyan nito ng damit kanina. "Where are my things?" tanong nito nang makita wala na roon ang mga gamit.

"It's in the closet." wika niya habang naglalakad papunta sa banyo dala ang mga pamalit niya.

Sinimulan na niyang maligo at kung anu-anong orasyon na ginagawa ng mga babae. Pagkatapos maligo ay inabot na niya ang mga isusuot niya, nagbihis tsaka na lumabas.

Nadatnan niya ang asawang nakahiga habang nasa noo nito ang mga braso at nakapikit. He's wearing black jogging pants at isang white shirt. Lumapit siya rito. Agad naman itong nagdilat  ng mga  mata nang mapansin ang presensya niya.

Namaywang siya, "Baka gusto mong umusog ng konti, labidabs? Inakopado mo na lahat, o."

Umusog ito ng konti, "Bakit kasi ang liit ng kama mo?" tukoy nito sa pangdalawahang taong kama niya.

Nahiga na rin siya katabi nito at humarap dito, "Aba'y bakit kasi hindi ka nagpasabi na pupunta ka pala dito? E di dapat napaghandaan ko at nang nakabili ako ng queen-sized, 'di ba?" sarcastic niyang taning dito.

He rolled his eyes, "Stop the sarcasm." wika nito at nahiga na ng straight. Iyong paharap sa ceiling at nakatingin din ito sa itaas.

Napangisi siya ng may maalala. Seducing time. Lumapit siya rito at itinapat ang ulo sa ulo nito. They are now just few inches away..again.   "Labidabs?" tawag niya rito habang kinakalabit ito sa balikat.

"Hmm?" wika nito na hindi man lang siya nagawang sulyapan.

"Humarap ka sa akin." pangungulit niya.

Humarap naman ito ng nakakunot-noo. "Ano?" tila naiinis na tanong nito.

Ngumiti siya ng malapad, "Gusto mong i-practice ang rights natin?"

Muntik na siyang humagalpak sa tawa nang umubo-ubo ito. Kala-una'y pinitik nito ang noo niya, "Kung anu-ano ang iniisip mo!" singhal nito.

"Ano namang masama? We're married for almost six months already." wika niyang tinitignan kung hanggang saan ang kaya nitong pagpipigil. Pinalungkot niya ang boses, "Am I not that attractive?"

Tinignan siya nito ng mataman, "Next question, please?"

Hinampas niya ito, "Loko ka talaga!" wika niya habang tumatawa. Nang mapansing wala rin lang namang mangyayari sa pagseseduce niya rito ay yumakap nalang siya sa asawa. "Good thing 'napadaan' ka rito."

Tumagilid ito ng higa at humarap sa kanya. Napamura siya bigla sa isip!  Dapat pala hindi na siya kumukontra kapag hindi ito nakaharap dahil ang puso niya, ayon ang nagwawala na! "Why?"

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon