Chapter Three - Dinner

5.1K 114 2
                                    

"Ano bang nasa isip mong babae ka at naisipan mong tumakas?! From now on, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay! Dito ka lang!" galit na galit na sigaw sa akin ng tatay ko kaya napangiwi ako. Seriously, nasa kabilang kanto ba ang pinapagalitan nila?

At ano? Gagawin nila akong bilanggo? Ikukulong nila ako? Weh, seryoso?

Nasa may sala kami ngayon. As usual, present ang buong angkan--sina lola, lolo, mommy, daddy at kuya na siyang nakabuko sa akin.

At galit na galit ngayon si daddy. Pwes, kung galit sila mas galit ako.

"Ayoko ngang magpakasal!" for the nth time, sinabi ko na naman ang tatlong salita na iyan. Bakit kasi hindi nila maintindihan na ayaw kong magpakasal?

"Don't you dare shout at me, young lady!" sigaw ulit niya. Namumula na rin siya sa galit. Kaya nanahimik nalang ako at tumingin sa flower vase. In my head, I am cursing them all. Which I know is a bad thing to do lalo na at parents ko sila. But can you blame me?

He sighed deeply. "Kim, please understand. This arrangement is not just an ordinary arrangement. Kontrata ito. At kapag hindi ka nagpakasal, t--they'll put me in jail. Or worse, they'll put our company down." his voice is broken now.

I looked at them with questiong look, "What?" 

"Yes, honey. This arrangement has contract. Kung sino ang hindi tumupad ay masasampahan ng kaso."

"That's insane! They can't do that!" now I'm fusing mad because of this shit.

At the back of my head, gusto kong isiping pinagloloko lang nila ako dahil gusto nila akong ipakasal, But when I saw their serious faces, from lolo up to kuya, they are all dead serious.

And  I wanna die! NOW!

"They can. So, please..."

Tumayo na ako. Ayoko na. Ayoko nang marinig kahit ano pa!

"Y-you are all selfish." my voice broke. Tumayo na ako na parang wala sa sarili. Mukha akong baliw habang naglalakad. Iniwan ko na rin ang mga dala ko kanina sa 'paglalayas' kong nabulilyaso.

Paakyat na ako ng mapansin ko si Kibry. "P-pahamak ka, baby." I muttered.

-------------

"Sweetheart?" narinig kong tawag sa akin ni mommy.

It's already five in the afternoon at hanggang ngayon hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Nakahiga lang ako buong maghapon at nag-iisip ng kung anu-anong bagay.

"Sweetheart? Open the door please." Hindi pa rin ako sumasagot. Ni-lock ko kasi para walang istorbo sa pag-iisip ko. Kung pag-iisip nga ba ang matatawag sa ginawa ko. Samantalang, nakatunganga lang ako buong araw.

"Sweetheart, prepare yourself for a dinner. We'll meet the Villazantas at 7 pm."

Biglang nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang kinamumuhian kong apelyido sa mga sandaling ito.

Narinig kong tumigil na si mommy sa pagkatok. Nakarinig na rin ako ng papalayong hakbang. Malamang, umalis na si mommy.

Nah! Dinner my face! Akala ko ba hindi ako lalabas sa pamamahay na ito?

Then something popped on my mind! I grinned devilishly. Nice! Very brilliant!

Bumaba na ako ng hagdan nang ipatawag na ako nina daddy.

Pagbaba ko, naabutan ko sila sa may sala. Gusto kong matawa sa mga mukha nila nang makita ako. Iyong mga panga nila, laglag!

"W-what are you wearing?" tanong ni mommy habang kumukurap-kurap pa.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon