Chapter Four - Leaving him behind

5.3K 117 1
                                    

Grabe! I am still speechless right now. Parang hindi ko ma-absorb lahat ng mga pinag-uusapan nila. Hindi ko rin ma-appreciate ang mga kinakain ko. Which is unusual to a food lover like me.

Pero kasi... kinikilig ako! Anebeyen! Panigurado namumula na ako ngayon.

Ngayon ako nagsisisi kung bakit itong damit pa na ito ang isinuot ko. Mukha tuloy akong gusgusing gangster.

Naku! Kung alam ko lang na si Garvo ang infamous fiancee ko, baka naglong gown pa akong pumunta rito. Kaso hindi eh. Nakakahiya tuloy.

Pasimple kong pinag-aralan ang mukha niya. He still has this strong aura. Nagmature ang mukha niya. Kung dati makalaglag short na pagmumukha niya, ngayon kasama ng malalaglag ang panty! 

Ganoong pa rin ang kilay at mata niya, misteryoso pa rin.

Halos lahat nagbago sa kanya--katawan na mas lalong lumaki dahil sa muscle na lalong pinatingkad ng suot niyang gray polo long sleeves at ang height niyang tumaas pa lalo.

Iisa lang yata ang hindi nagbago sa kanya. Iyon ay ang mga tingin niyan nakakatunaw. Napatunayan ko iyon nang tumingin siya sa akin kanina.

"Hindi ba, iha?" untag sa akin ni Mrs. Villazanta.

Napalingon naman agad ako sa direksyon nila. Lahat sila nakatingin sa akin pati si Garvo. "H-ho?" hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Malay ko naman kasi sa pinag-uusapan nila di ba?

Ngumiti ang ginang, "Ang sabi ko, madaliin na natin ang kasalan. Para mabigyan nyo na kami ng apo."

Na-ubo naman ako. Grabe namang magrequest 'tong mga to!

Buti nalang maagap ako kaya nakuha ko agad iyong panyo sa may bulsa ng pantalon ko at hindi ko naibuhos ang lahat ng kinain ko kay Garvo na siyang nasa tapat ko ngayon. Kung nagkataon, minus ganda points 'yon!

"P-po?" tumingin ako sa kanila. "A-ang aga naman ho yata." ngumiti ako sa kanila ng alanganin.

"Iha naman, ang tagal nang panahon ang paghihitay namin. Isa pa, nasa tamang edad na kayo." bumaling si Mr. Villazanta kay Garvo ng nakangiti. "Hindi ba, iho?"

Tinignan ko si Garvo. His face hardened. Mukhang hindi siya pabor sa kasalang ito. Oo, siya lang ang hindi panor dahil kung dati ay hindi rin ako pabor, ngayon ay pabor na pabor na! Kaya kahit gusto kong sabihing kahit bukas na ang kasalan ay hindi ko ginawa dahil nakakahiya sa mga Villazanta. Baka akalain pang excited ako kahit sa totoo ay sobrang atat na ata na ako. Ha-ha!

Ay, ano ba yan! Ang landi ko.

"Bahala kayo." simpleng sagot niya na parang walang paki-alam.

Nahurt naman ako doon sa sagot niya.

Tama. Wala nga siyang paki-alam.

Ako naman ay hindi na rin umimik. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila kaya nalaman kong Registered Pharmacist rin pala si Garvo ngunit hindi na niya nagamit ang propesyon niyang iyon dahil kumuha ulit siya ng course niyang Business Management pagkatapos makapasa sa board.

Katulad ni kuya, siya  na rin ngayon ang CEO ng kumpanya nila.

Pagkatapos kumain ay nagpaalaman na rin kaming lahat sa isa't-isa. Except sa amin ni Garvo.

Ewan ko ba pero parang there's a great wall between us. O nagkakahiyaan lang kami?

Ha-ha! Baka crush din niya ako? Ganoon naman 'yon di ba? He-he!

Pag-uwi sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Naligo muna ako tsaka ko pinatuyo ang buhok ko. Habang nakaharap sa salamin ay nakikita ko ang repleksyon kong nakangiti. Minsan naman ay tumatawa na parang teenager. Kenekeleg ako anebeyen.

Seducing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon