Italicized words mean flashbacks
"I'm going to be honest with you, Tita... minsan talaga nahihirapan din po akong alagaan si Klarisse kasi napaka-kulit." pag-amin nito sabay bow ng head upang makita ang anak. "Pero yun po yung strength ko eh... yung kakulitan nya."
Ms. Zsazsa smiled dahil nakita naman nya kung gaano kabuting ama si Vice kay Ana Klarisse. Ngumiti nalang din sa kanya ang binata na tila ba may gustong sabihin.
"Ah Tita..." nag-aalangang sambit nito. "K-kamusta na po siya?"
Nang hindi agad sumagot si ZsaZsa ay napayuko na lamang si Vice dahil sa hiya. Pakiramdam niya kasi ay na-offend ang kausap dahil sa sinabi niya. He was about to say sorry nang bigla siyang unahan magsalita.
"There's a lot of improvements naman na sabi ni Mr. Guevarra. There are times na kaya na niyang igalaw yung fingers niya," pagbabalita nito. Vice's heart jumped a bit dahil sa narinig. This time, tila hindi na niya kayang pigilan ang sarili na ungkatin ang lahat ng nangyari.
"Tita, I'm sorry."
"I don't need your sorry, Vice." muli namang napayuko si Vice at mas pinili nalang ang titigan ang anak. "I already warned you but you didn't listen to me. Bilang ina ni Karylle, alam mong nasasaktan ako dahil sa pinagdadaanan niya ngayon."
Vice got tongue-tied dahil sa huling narinig. Sa ngayon ay hindi na niya alam ang dapat sabihin lalo na't sa nanay mismo ni Karylle nanggaling ang mga katagang iyon. She doesn't need his sorry. Totoo naman eh. Wala ng magagawa ang sorry niya.
"I really have to go, Vice. May flight pa 'ko tommorow morning. Kailangan ko ng ayusin yung gamit ko. Just take care of Klarisse,"
"Tita, hatid ko na po kayo?" nahihiyang offer niya but she just shook her head.
"No need, Vice. Nandiyan yung driver ko,"
Once nakalabas si Ms. Zsazsa nang Dressing Room ay napabuntong hininga nalang si Vice. Tatlong taon na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi parin niya nakukuhang muli ang tiwala ng pamilya ni Karylle. They accepted him before pero sinayang niya yung pagkakataon na mapabilang sa pamilya nila.
"I'm sorry, anak ha?" he grumbled sabay halik sa ulo ng natutulog paring si Klarisse.
The door suddenly opened at nagkukumahog na pumasok ang mga bakla dahil alam nilang baka nagwawala nanaman ang bata. Nag signal si Vice na manahimik muna sila dahil baka magising si Klarisse.
"Meme, eto na yung donut. Nabokot kami. Kala namin nagwawala nanaman si bagets," hulas na hulas na sabi ni Archie na papunas punas pa ng noo.
"Nagwawala nga kanina, buti nalang pinakalma ng momsie niya hanggang sa nakatulog na..." he shared. Napamulat naman ng mata ang mga bakla. "Pakilagay nalang sa bag ni Klang yung donut. Hahanapin niya 'yan mamaya,"
"Wait. Nagpang-abot kayo ni Ms. Zsazsa dito?" pabulong na tanong ni Buern. Tumango naman si Vice. "Seryoso?"
"Oo nga,"
"Oh, anong nangyari? Nasan na?"
"Nakaalis na. Kinamusta lang naman si Ana Klarisse," the beks didn't seem contented with his answer. "Ano nanaman?"
"Yun lang ba? Didn't you ask about... you know,"
"Ofcourse I asked. Sobrang tagal ko na ding hindi nakikita si Karylle noh," he adjusted Klarisse' position dahil medyo nangangalay narin siya sa pagbubuhat. "Tara na beks? Nangangalay na 'ko. Ang bigat bigat ng baby ko,"
"Lezz go. Mauna ka na sa parking 'te. Dadalhin na namin 'tong gamit niyo,"
While they were on their way home, wala paring habas kakatanong ang mga bakla sa kung ano bang napag-usapan ng mag biyanan.
"Bakit hindi mo subukang dalawin si K?" Archie asked. Napasimangot naman si Vice dahil mukhang mahirap ang sinasabi ng kaibigan.
"Alam mong sapak ang sasalubong sa 'kin kung magpapakita ako dun," he remembered the time when he tried na dalawin si Karylle, sampal ni Zia at Coco ang sumalubong sa kanya. Hindi na niya ma-imagine kung ano pa ba ang pwede nilang gawin sa kaniya.
"Isama mo si Klarisse. Siguro naman mahihiya silang galawin ka sa harap ng bata,"
Pagkarating sa bahay ay agad ihiniga ni Vice ang anak sa kama upang maging komportable ito sa pagtulog. Nagmake naman ng sound ang bata na tila naalimpungatan kaya naupo siya sa gilid ng kama sabay tap sa legs nito to bring her back to sleep.
Habang nakatitig sa mukha ng anak ay hindi niya mapigilang maalala si Karylle. She really got Karylle's features. Mula sa buhok, korte ng mukha, ilong at labi. Isama mo narin yung pagka-conyo. Karylle na Karylle. Tanging ugali lang ni Vice ang nakuha sa kanya ng bata.
"Hindi. Para 'to sa mga hindi nakakaalam, Buko ka ba?" Karylle asked during her GGV guesting.
"Bakit?"
"Dahil ikaw ang buhay ko..."
Vice wasn't able to detain his kilig feelings dahil hindi naman niya alam na darating sa point na si Karylle ang magbibitiw ng pick up lines for him. Hindi siya handa.
"Yung totoo? May gusto ka sa 'kin?'
"So kung sasabihin kong oo, anong sagot ang gagawin mo?"
He didn't see this coming. Knowing Karylle, hindi siya palasalita or palabitaw ng pick up lines. Hindi naman niya inaakalang magaling din magpakilig ang dalaga kahit sa simpleng salita lang nito.
"Tingnan mo nga, damit palang terno na... pano pa kaya mga puso natin?" Karylle suddenly said. Literal na nanlaki ang mga mata ni Vice dahil wala naman sa scipt yung sinabi ni K.
"Vice! Vice! Kung ganito ba yung hairdo ko magiging crush mo 'ko?"
"Kahit ano ka pa... mahal na mahal kita,"
Sa pag-alala ng nakaraan ay hindi na namamalayan ni Vice na nakatakip na pala ang dalawa niyang kamay sa sariling mukha na animoy kinikilig. He was shaking his head para maihinto na ang pagrereminisce pero patuloy parin sa pagfflash back ang utak niya.
"Kung yayakapin ba kita kikiligin ka?"
"Ene be..." nagpipigil kilig na sambit ni Vice habang kinukurot-kurot ang unan na nasa lap niya.
"Daddy Vice..."
"Ang pogi mo diyan, Vice!!"
"Hala! Si Karylle parang tanga!" nakangiti at kinikilig na sabi niya sabay tingin sa anak.