BDOD #54

14K 416 69
                                        

Klang's Birthday (March 21)

Masayang pinagmamasdan ng mag-asawang Vice at Karylle ang anak na nakikipagharutan sa mga bata habang pinapanood ang dalawang clown na nagpeperform sa harap. Klang was wearing her favorite pink dress na binili ni Vice for her nang minsan itong nag-show sa Vancouver.

"Ang saya niya 'no, mommy?" bulong ni Vice while hugging Karylle from the side. Napangiti naman ang huli bago i-lean ang ulo sa balikat ng asawa.

"She really loves playing with them. Minsan nga nagpapakuwento pa 'yan kung ano daw bang ginagawa nila Ashley, her bestfriend. Pag hindi nakuntento sa kwento ko, pipilitin pa 'kong tawagan si Ms. Amalia para lang makausap 'tong mga bata." imbis na sumaya ay tila nalungkot pa si Vice sa narinig.

"All the time akala ko nagiging mabuting Daddy ako kay Ana Klarisse," sambit nito dahilan upang mapaangat ang mukha ni Karylle to see her spouse. "Sobra pala siyang nakukulong sa 'kin. Ni hindi ko nga siya nakitang ganiyan kasaya eh."

"Daddy, lagi namang masaya si Klang ah?"

"Mommy, ang ibig kong sabihin... hindi niya naeexperience makipaglaro sa ibang kids. Bahay at Studio lang ang lagi niyang napupuntahan which is a bad thing dahil hindi siya namumulat sa mundo ng mga bata. Parang nililimitahan ko narin yung kilos niya," paliwanag nito. "Everytime kasi na nalalayo sa 'kin yang bata na yan parang hindi na 'ko mapakali. Ayokong nawawala sa paningin ko. Hindi ko rin naman kasi mapigilan ang mag-alala,"

"It's normal. Sa edad ng bata, hindi naman talaga natin maiiwasan na maging strict. You just want her to be safe and it doesn't make you a bad daddy," paglilift-up ni Karylle sa nararamdaman ng asawa. "Napalaki mo ng maayos si Ana Klarisse, 'yon ang isa sa patunay na hindi ka pabayang ama."

"Pero gusto ko na siyang mamulat sa realidad. Ayoko na siyang ikulong sa buhay na limitado lahat ng kilos. Ayokong maranasan niya lahat na nararanasan natin ngayon dahil lang sa may mga pangalan tayong iniingatan. I want Ana Klarisse to live her life na nagagawa niya lahat ng gusto niya," Karylle smiled and tightened her hug sa gilid ni Vice. "Before, I'm planning na i-home school nalang siya kaso I realized, hindi niya maeenjoy yung pagiging bagets niya,"

"Are you telling me na you're now planning na i-enroll siya sa school?" napuno ng excitement si Karylle dahil sa sinabi ni Vice. "Oh my god,"

"Gusto kong maranasan niyang maging masaya sa labas and I can't think of any idea aside from enrolling her sa isang public school," nakangiting tugon ni Vice.

"Public School? Wait, what? Bakit public?" gulat na tanong ni Karylle.

"Mommy, I came from public school. If your concern is about Klang's safety, don't worry dahil may tiwala naman ako sa mga magbabantay sa anak natin,"

"Bakit hindi sa private?"

"Para saan pa na pinakawalan natin si Klang kung sa private lang din naman natin siya ipapasok? Mas iba ang experience kung sa public school natin siya ipagkakatiwala. She can experience everything na naranasan ko noong bata ako. Hindi ko naman siguro siya ipapasok sa alam kong hindi siya safe diba?" nang makuha ang point ni Vice ay bahagya na lamang napatango si Karylle habang nakangiti. "One more thing, gusto ko ring mamulat siya sa realidad na hindi ganoon kadali ang buhay. If we would let her na pumasok sa isang public school, mas madali niyang matututunan na may iba't-ibang estado ang buhay."

"Baka naman ma-bully ang anak mo?"

"Baka nga siya pa ang mang-bully!" sabi ni Vice dahilan upang matawa silang dalawa.

-.-.-.-.-

After magperform ng clowns for kids ay kaniya-kaniyang tungo ang mga bata sa long table to ask for their foods. Si Klang naman ay tumakbo palapit kila Vice at Karylle na nakaupo while waiting for her.

"Daddy Bays, lablab ako nila Ashwey!" balita nito habang tila may itinatago sa likod niya. "May gift siwa sa 'kin po,"

"Anong gift nila baby?" nakangiting tanong ni Vice while trying na silipin kung ano bang itinatago ng anak sa likod nito.

"THIS!"

"Ay put--

Hindi naituloy ni Vice ang dapat na pagmumura nang mabilisang takpan ni Karylle ang bibig nito. Halos mangisay ito sa kinauupuan dahil hanggang ngayon ay nakaharap parin sa kaniya ang manika na iniregalo ng mga bata sa anak.

"Baby, tanggalin mo na yan sa harap ni Daddy. Baka mahimatay 'to," natatawang sabi ni Karylle na agad din namang sinunod ng anak. Vice closed his eyes kasabay ng pagtanggal ng asawa sa kamay na naka-cover sa bibig niya.

"Nikukyut naman 'to si Baby ah?" naka-pout na sabi ni Klang habang kumakandong sa ina. "Nibigay 'to ni Ashwey kaya,"

"Cute naman talaga yung doll, baby. Hindi lang kasi talaga mahilig si Daddy sa manika." paliwanag ni Karylle. Bahagyang tinignan ni Klang ang ama at nang mapansin na nakayuko lang ito at tila takot, inilapag na lamang niya ang manika sa upuan at lumipat ng kandong sa lap ni Vice.

"Sowwy na, Daddy Bays." malambing na sabi ni Klang habang nirarub ang pisngi ni Vice. "Ouch! Mesheket!"

"Ah talaga ba, Ana Klarisse Viceral?" nakapout na sabi ni Vice dahil inaasar nanaman siya ng anak. "Tinakot mo na nga ako, mang-aasar ka pa diyan?"

"Joke yang naman eh. Lablab kaya kita diba po?"

"Oo na. Sige na. Inuuto mo nalang ako eh. Kumain ka na dito para makapag-play ka na ulit with them,"

Habang sinusubuan ni Vice ng foods ang anak ay nagsimula naman ng batiin ng lahat ang birthday kid kasabay ng 'thank-you-message' ng child-haus staffs dahil sa binigay nilang shelves of books sa kanila. Priceless naman ang ngiti na dala-dala ni Klang na siya namang ikinatuwa ng mag-asawa.

"To our birthday girl, Ana Klarisse and her parents, Mr. and Mrs. Viceral, we are extending our gratitude for these books na ibinigay niyo for the kids. Sobrang laking tulong po nito para sa kanila. Kay Ma'am Karylle, na hindi nagsasawang tumulong sa amin, at kay Sir Vice po na hindi nagdalawang-isip na pasayahin ang mga bata, maraming maraming salamat po. And ofcourse kay Ana Klarisse na siyang kinagigiliwang kalaro ng mga bata, thank you so much baby." pasasalamat ng isang staff. Ngiting tagumpay naman si Klang habang pumapalakpak dahil narinig niya ang pangalan niyan. "To show our deepest love and thanks, we all want to give you a certificate of gratitude."

"Baby, you get that certificate oh." utos ni Vice sa anak dahil ito naman talaga ang may gusto na bigyan ng libro ang mga bata doon. "It's their gift to you."

"Hindi naman 'yon po nikakain?" nagtatakang sabi nito.

"Hindi nga 'yon pagkain but it's the most priceless gift ever. Walang makakatumbas sa gift na 'yon anak. Gift of appreciation," paliwanag ni Vice.

Nakangiting bumaba si Klang mula sa lap ni Vice and ran papunta sa mini stage kung saan naroon ang mga staffs na naghihintay sa kaniya. They gave her the certificate at saglit na nag-take ng pictures together.

"Thank you po sa wegalo," cute na pasasalamat nito sabay spread ng arms na tila ba nanghihingi ng yakap. "Thank you babies,"

After i-hug ng lahat ay muling bumalik si Klang sa mga magulang at ipinakita sa kanila ang certificate na natanggap niya. Vice and Karylle smiled proudly at kapwa niyakap ang anak.

"Dahil mabait ka, may gift sa 'yo si Daddy Bays." agad na nagningning ang mga mata ni Klang dahil sa narinig.

Buern entered at iniabot kay Klang ang isang paper bag. Bahagyang natakot ang bata dahil napansing niyang gumagalaw ang paper bag na ibinigay sa kaniya. Mahigpit itong napayakap sa leeg ng ama until...

"Meow!" huni ng kung ano mang nasa loob ng paper bag.

Nang marinig iyon ay mabilisang binuksan ni Klang ang bag at nakita ang isang persian cat. Agad niya itong kinuha at niyakap.

"Meng meng!" nagagalak na sambit nito habang hinahalik-halikan ang ulo ng pusa. "Meng!"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon