Abala ang lahat sa pagkain ng hapunan habang nasa pool area parin sila. Everything was so perfect dahil bukod sa kumpleto ang pamilya, dumagdag pa ang kakulitan ng mga kaibigan ni Vice. Pansin ni Karylle na hindi na kumakain ang bunsong anak at nakaupo na lamang ito sa gilid habang nakatingin sa langit na tila pinagmamasdan ang bawat pagkinang ng mga bituin.
"Bunso? Busog ka na ba?" Karylle asked. Mabilis na ngumiti sa kaniya ang anak at tumango. "Kumain ka pa. Ang dami pang pagkain o,"
"I'm on a diet, mommy." sagot nito. Tumaas ang kilay ni Vice at direktang tumingin sa anak. "Kailangan kong magkaroon ng abs,"
"Tantanan mo nga ako, Jose Marie! Sampung taon ka palang huy! Anong abs abs pinagsasasabi mo diyan?" sabay sabay na nagtawanan ang mga bakla dahil sa sinabi ni Vice. "Tara dito. Kumain ka pa,"
Wala nang ibang nagawa si Tutoy nang si Vice na mismo ang lumapit at umaya sa kaniya para kumain. Upang walang lusot ay ang ama na ang nagsubo sa kaniya ng pagkain na hindi niya mahindian. Natutuwa naman silang pinagmamasdan ni Karylle na hindi mapigilan ang matouched dahil kahit ilan taon na ang mga anak, hindi parin nagbabago ang pakikitungo ni Vice sa kanila. He's really making sure na nagihing hands on parin siya lalo na sa mga bata.
"Daddy, busog na talaga ako e." nakangusong sabi ni Tutoy habang hinihimas ang tiyan. "Ang dami ko na kayang nakain na pizza saka barbeque."
"Sige na nga. Baka maimpatso ka naman kung pipilitin ko pa," saad ni Vice bago itap ang hita ng anak. "Go to your room na. Take a shower para makapagpalit ka narin ng damit."
Kara-karakang tumayo si Tutoy at tumakbo papasok sa loob ng bahay upang makapagpalit ng damit. Malapit ng matapos sa pagkain ang lahat nang mapansin ni Karylle na sasandok pa si Klang ng kanin at ulam.
"Anak? Nakakailang kanin ka na ba?" usisa ni Karylle. Napakamot naman ng ulo si Klang bago sumagot.
"Pangatlo na 'to, mommy."
"Tama na anak. Nakakarami ka na," Karylle said. Nguso naman ngayon ni Klang ang humaba. Bakas sa mukha nito na hindi parin siya satisfied sa kinakain but she has to stop na dahil iyon ang sabi ng ina.
"Bakit mo ba pinatitigil sa pagkain 'yung bata eh nagugutom pa?" pagpipigil ni Vice. "Sige na anak, sumandok ka pa ng pagkain mo."
"Daddy, malakas makapagpataba ang rice." saad ni Karylle na agad namang tinugunan ni Vice ng isang malalim na buntong hininga.
"Bata pa 'yung anak mo." nagets naman agad ni Karylle ang ibig sabihin ng asawa kaya't hindi narin siya naka-angal. "Tara na dito, Klang."
Ngiting wagas naman ang anak pagkatapos kumuha ng isa pang sandok ng kanin at ulam. Tumabi ito sa ama at carefree na nilantakan ang pagkain. Napailing nalang naman si Karylle at natawa dahil kung may isa pang namana si Klang sa ama, 'yun ay ang katakawan.
"Mommy, tinatawanan mo nanaman ako." tila nagtatampong sabi ni Klang na wala paring tigil sa pagpangas ng hita ng manok.
"You really inherited 'yung pagka-matakaw ng daddy mo," natatawang sabi ni Karylle kaya't turn naman ni Vice ang mag make face. "Totoo naman eh,"
"Humanda ka sa 'kin mamaya," nakangising sagot ni Vice na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga bakla. Knowing Vice, may mga pagkakataon na iba ang ibig sabihin ng mga salitang sinasabi niya.
"YUCK!" Buern.
"MAGHUNOS DILI KA NAMAN HOY!" Lassy.
"MAY BATA!" nag-aalalang komento ni Archie.
"Ano bang iniisip niyo?" humahalakhak na tanong ni Vice na tinalsikan ng tubig ang mga kaibigan using his feet na nakalublob sa pool. "Pinaghahanda ko lang naman si Karylle kasi siya ang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan natin mamaya,"