"Resume ng shoot tonight. 7pm. Be on time guys, please."
Nagkakamot ulong ibinaba ni Vice ang cellphone matapos basahin ang text message from their Director. Alas singko palang naman ng hapon at kakauwi lang nila ng anak pero mukhang kakailanganin niya ulit ito ihabilin kay Anne dahil nga sa biglaang shoot nila.
"Daddy, ikaw yuyuto dinner natin?" Klang asked sabay tukod ng siko sa hita ng tatay niya. "I want adobo,"
"Baby, sorry ha? Hindi kasi makakapagluto si Daddy ngayon. Tapos baka hindi rin kita masabayan sa dinner," mabilis na lumungkot ang awra ng bata na ikinaawa naman ni Vice kaya't binuhat niya ang anak at niyakap ng mahigpit. "Babawi si Daddy, promise. You'll stay with Ninang Anne muna ha? I'll fetch you tommorow morning. Okay po ba yun?"
"No,"
"Anak..."
"You always leave me. Ayaw mo na sa 'kin po?" Klang slowly removed Vice's hands on her waist at bumaba mula sa pagkakakandong niya rito.
"Daddy needs to work kasi, baby. Ayaw mo nun? Pag nagwork ako, may ipambibili tayo ng toys mo."
Klang didnt answer at umupo nalang sa sahig, katabi ni Vicekee at Lucky. Salitan nitong hinimas ang balahibo ng dalawang aso at tila ba ayaw ng pansinin ang ama. Napahilamos naman ng mukha si Vice dahil ngayon pa sinumpong ng paglalambing ang anak, kung kailan naman may shoot sila.
"I'll stay with Nangnang," mahinang sabi ng bata while still rubbing Vicekee and Lucky's hair. "But... I don't need toys."
"Sorry, anak ha?"
-.-.-.-.-
"Goodevening, Anne." Vice greeted nang salubungin sila ng dalaga. "Sorry sa abala ha?"
"Okay lang, ano ka ba naman. Nasa loob si Erwan, he's cooking. Pasok muna kayo,"
"Hindi na. Nagmamadali din kasi ako. Beastmode na si Direk, ilang araw na kaming walang shoot dahil sa mga palusot ko. Kailangan ko lang talaga ng mapag-iiwanan kay Klang,"
Anne smiled bago kunin ang kamay ng bata. The kid remained silent at halatang nagtatampo parin sa ama.
"Anak, sorry ha? Wag ka ng magalit kay Daddy. Babawi ako promise,"
The kid just smiled at him bago tumakbo papasok sa loob ng Condo ni Anne. Pagkatapos nun ay nagpaalam narin ang binata sa kaibigan dahil ilang minuto narin siyang late sa shoot. Anne followed the kid at naabutan niya itong nakaupo sa sofa at nilalaro ang pusa ni Erwan.
"What's her name, Nangnang?" tanong nito habang nira-rub ang tummy ng pusa.
"Wala pa siyang name, baby eh. Kabibili palang kasi sa kaniya ni Tito Erwan mo. You want to give her name?"
"Let's name her, Kitty."
"Okay, from now on, we'll call her Kitty..." saglit na pinagmasdan ng dalaga ang inaanak habang pinaglalaruan nito ang pusa. "Let's meet your Tito Erwan muna?"
"Ayaw," Klang puckered her lips. Natawa naman si Anne dahil hanggang ngayon ay takot parin ang bata sa boyfriend niya.
"Why?"
"Babe?!"
Mabilis pa sa alas-kwatrong yumakap si Klang sa ninang Anne niya sabay tago ng mukha nito sa likod ng dalaga. Erwan chuckled when he saw what Klang did.
"Hey you, Curly-Wurly! What are you doing here?" pagalit na tanong ng binata kaya mas lalo namang napahigpit ang yakap ng bata kay Anne. "Diba I told you na hindi tayo bati? Ayoko sa batang kulot,"
"Nangnang oh," mahinang sumbong ni Klang na nag-look up sa ninang niya.
"Babe! Umayos ka nga," Anne said sabay bato ng throwpillow sa nobyo. "Kaya natatakot sa 'yo yung bata eh!"
"Hahaha! I'm just kidding little kiddo. Come with me, kakain na tayo." Erwan spread his arms habang nagsisignal sa bata na lumapit sa kaniya. "Babe, come on."
-.-.-.-.-
"Nangnang, I saw my mommy's picture!" pagbabalita ni Klang habang tinutulungan siya ni Anne na umakyat sa kama.
"Really? Where?"
"On daddy's wallet," sagot nito. Napangiti naman si Anne sa nalaman.
"Patay na patay parin pala kay Kurba yung daddy mo,"
"Who's Kuwba?" curious na tanong ng bata sabay talon talon sa bed.
"Your daddy used to call your mom, Kurba."
-.-.-.-.-
"Ilang araw na tayong tengga! Pinagbigyan ko na kayo sa lahat ng rason niyo. Ngayon na nga lang tayo nagresume ng shoot, hindi pa kayo dumating sa tamang oras?" panenermon ni Direk Wenn sa mga nasa set; kabilang na si Vice.
"Direk, alam mo kung anong sitwasyon ko." mahina ngunit may diing sabi ni Vice. Sa nangyayari kasi, pakiramdam niya ay hindi naiintindihan ng Direktor ang sitwasyon niya sa buhay. "May anak ako,"
"Given na 'yon, Vice. May anak ka at kailangan mong maglaan ng oras para sa bata, pero responsibilidad mo rin naman 'tong trabaho mo."
Hindi na muling nagsalita si Vice at nanahimik nalang dahil alam din naman niyang talo siya. Kasalanan din naman talaga niya.
"Kung gusto niyong matapos natin 'to bago magpasko, magsipag naman kayo..."
"Sorry, Direk."
"And Vice, if you really want to spend time with your daughter, you can bring her here naman. Just make sure na may magbabantay sa bata dito sa set para komportable ka during shoot,"
Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ni Vice at patalon na yumakap sa Direktor.
"Thank you, Direk!!! Mahal na mahal mo talaga 'ko!"
"Pasalamat ka, namimiss ko narin kakyutan ng anak mo. Bruha ka,"
-.-.-.-.-
Mahigit alas onse na ng gabi nang biglang ma-interrupt ang shoot dahil sa lakas ng ringtone ni Vice. Hinging paumanhin siyang tumingin sa Direktor at nagtanong kung pwede ba niyang sagutin ang tawag.
"Pakibilisan lang,"
Nangmamadaling tumakbo si Vice para kunin ang cellphone sa bag. His brows knitted nang makita na si Zia ang tumatawag.
"Kuya Vice!" bungad nito when he picked up the call.
"Z-zia?"
"Oh my god, Kuya Vice!!"
"Zia ano ba? Wag mo 'kong pakabahin,"
Naibaling kay Vice lahat ng mata sa set dahil sa biglaang paglakas ng boses nito.
"S-si ate, gising na..."