"Paano kung ayoko ng sundan si Klarisse?"
Vice pulled away at tumingin directly sa mga mata ni Karylle; hoping na sana mali ang narinig niya mula sa asawa but the guilt on Karylle's eyes told him na totoo ito. Dahan-dahan siyang napalakad patalikod until he felt the edge of the bed. Umupo siya rito at napayuko. Napatakip naman ng bibig si Karylle dahil sa nakitang reaksyon ng asawa. She knows na gusto nitong bumuo ng malaking pamilya ngunit tila hindi ito matutupad dahil sa kaniya.
"Why?" malungkot ngunit may lambing na tanong ni Vice na muling nag-angat ng tingin kay Karylle. "Hindi ka pa ba handa? Maghihintay naman ako e,"
"Daddy, natatakot na 'ko eh." nagpipigil hikbing sagot nito habang naglalakad palapit kay Vice. She was about to kneel down nang pigilan siya ng asawa by tugging her hands.
"Mommy, you don't have to do that. Ano ka ba naman?" lalo namang nilamon ng guilt si Karylle. Vice guided her paupo sa kama. Hinarap niya ito at pinunasan ang dalawang pisngi na kasalukuyang dinadaluyan ng mga luha. "Yan ba ang bumabagabag sa 'yo?"
"I can't be a perfect mom!" paglalabas ng saloobin nito na ikinabahala naman ni Vice. "I can't be a perfect wife,"
"Karylle, ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Vice dahil hindi talaga nito maintindihan ang pinupunto ng asawa. Tinanggal ni Karylle ang pagkakahawak ni Vice sa mukha niya and sobbed like a kid. "You don't have to be perfect naman, mommy. Ano bang problema?"
"Hindi ko na kasi alam kung ano pa bang pwedeng mangyari sa 'kin... sa 'tin." nagpipigil hikbi paring saad nito. Vice quickly tugged her closer and hugged her tightly. "The first time I gave birth, I-I almost died... then next was, nakunan ako. D-daddy, natatakot ako sa--"
"Sshuush!" pagpapatahan ni Vice sa asawa while rubbing her back. Karylle continuosly cried her eyes out on Vice's chest. Sobrang daming dahilan para lumaban at magtiwala ngunit natatabunan ito ng takot na 'paano kung mangyari ulit ang nakaran' "He has a better plan for us, mommy. Hindi niya tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya,"
"Pero ayoko ng s-sumugal..." bakas sa boses ni Karylle ang takot. "Kanina, the moment ate K asked us kung kailan natin susundan si Klarisse, you don't know how scared I am na baka... na baka mag-failed nanaman. Na baka mawala nanaman... Vice, ayoko ng masaktan sa mga bagay na ipinagkakatiwala ko sa kaniya."
Napapikit na lamang si Vice habang pinakikinggan ang saloobin ng asawa. He doesn't know na ganito na pala ang nararamdaman ni Karylle. Patuloy lang siya sa paghagod ng likod ng asawa habang panaka-naka niyang hinahalikan ang ulo nito.
"Yan ba talaga ang gusto mo?" mahinang tanong nito. Ano mang kagustuhan niya na dagdagan ang bilang ng pamilya kung hindi naman sang-ayon ang asawa ay wala naman siyang magagawa.
"Vice, I'm sorry." this time ay si Karylle na mismo ang yumakap sa kaniya. "I'm sorry for destroying your dreams. Alam kong gusto mo ng malaking pamilya... p-pero hindi ko kaya e,"
"Alam ko..." pag-comfort nito na bahagyang lumayo sa pagkakayakap ng asawa. Hinawi niya ang strands ng buhok ni Karylle na humarang sa mukha nito as he leaned forward to kiss her forehead. "Let's sleep?"
"Please tell me, you love me." natatakot na sabi ni Karylle. "Please tell me na naiintindihan mo 'ko,"
"Mahal na mahal kita kaya naiintindihan kita," he answered. Karylle knows na may parte sa pagkatao ni Vice na hindi kayang tanggapin ang desisyon niya but she's happy na he's trying his best to understand her.
Hinawakan ni Vice ang kamay ng asawa at sabay nilang nilisan ang guestroom upang matabihan na ang anak sa pagtulog. Nang makarating sa kabilang kwarto ay wala paring imik si Vice na siya namang kinabahala ni Karylle. Sa kabila ng pagkabahala sa pananahimik ng asawa ay minabuti na lamang niya na ipagpaliban nalang muna ang pag-uusap tungkol sa issue nila upang maka-iwas narin since alam niya na a part of him ay hindi pabor sa desisyon niya.