BDOD #12

13.4K 459 46
                                    

The shoot ended around 4 in the morning at kahit sobrang pagod na ay mabilis paring naayos ni Vice ang gamit niya. Matapos marinig ang magandang balita mula kay Zia last night ay pinilit na niyang magconcentrate upang maaga silang matapos.

"Buern, kaya niyo na bang magcommute? Ibababa ko nalang kayo sa terminal. Out of the way kasi yung hospital eh," nag-aalalang sabi ni Vice habang nakapout. "Sorry na,"

"Okay lang 'te. Sa edad pa ba namin na 'to hindi pa kami marunong mag-commute? Jusko,"

The beks laughed simultaneously. They helped Vice na buhatin ang mga gamit nito at nagpaalam na sa mga kasamahan upang makaalis. Vice stopped the car sa may terminal at hinintay na munang makasakay ang mga kaibigan bago niya muling paandarin ang sasakyan.

Nang makarating sa labas ng hospital ay itinext na muna niya si Zia to ask if Karylle's dad is there at nang malaman niyang wala doon ang tatay ng dalaga ay nagmadali itong umakyat.

"Goodmorning, kuya." Zia greeted as she gave Vice a beso. "Wala si Tito Modesto. Umalis siya last week eh, sabi ni Mama next month pa naman daw ang balik niya."

"Where's your mom?"

"Didn't she tell you that she has concert in Europe with Tito Gary and Tito Martin?"

Napaisip naman si Vice kung meron bang nasabi sa kaniya si Zsazsa about sa concert.

"Wala siyang sinabi sa 'kin but when she plugged her album sa Showtime, nabanggit niya na may flight siya?"

Zia just shrugged and moved a bit para makapasok na si Vice. When he finally got inside, nadatnan ni Vice ang mahimbing na natutulog na si Karylle.

"How is she?" he asked worriedly. Umupo ito sa stool sa gilid ng kama ni Karylle at minabuting titigan nalang ito at wag na munang hawakan.

"She woke up at 10:45, then the Doctor made some tests. Salamat naman at walang nakitang kahit ano. Medyo hirap lang siyang magsalita pero okay naman lahat lahat,"

Mabilis nabalot ng guilt ang buong katawan ni Vice nang maisip na wala siya sa oras ng paggising ni Karylle. Lagi nalang siyang wala sa tabi ng nanay ng anak niya.

"Kuya, pagod ka pa yata. Kagagaling mo lang sa shoot diba?" tanong ni Zia. "You want to take a rest? Pwede kang matulog sa sofa oh,"

"Okay lang, Zia. Ikaw? Wala ka pa yatang tulog. Ako muna ang magbabantay sa ate mo,"

Zia bit her fingertips na tila may gustong sabihin pero nahihiya. Bahagya namang natawa si Vice sa ikinilos nito.

"It's okay, Zia. Ano bang sasabihin mo?"

"P-pwede ba 'ko munang umuwi, Kuya? Maliligo lang ako..."

"Hindi pwede." he uttered seriously. Napa-pout naman si Zia. "Joke lang. Sige na, pero balik ka agad ha? Susunduin ko pa kasi si Klang kila Anne."

-.-.-.-.-

"Masiyado daw pong mahina yung kapit ni baby, kaya kailangang magdoble ingat," pagkukwento ni Vice sa tatay ni Karylle nang minsang mapadalaw sila sa bahay nito. "Nakakatakot nga po, Tito. Isang maling galaw lang, malaki ang posibilidad na baka pareho silang mawala sa 'kin,"

"Take care of my daughter, okay? Nag-iisang babae ko yan." Modesto said as he tapped Vice's shoulder. "Wala namang mangyayaring masama sa mag-ina mo kung aalagaan mo silang mabuti."

"Salamat po,"

"Walang akong lalaking pinagkatiwalaan maliban sa 'yo." magalang na nginitian ni Vice ang tatay ni Karylle. "Kamusta naman yung personal mong buhay? As Karylle's Dad, hindi mo naman maiaalis sa 'kin na usisain kung anong pinagkakaabalahan mo. I want to make sure na maganda ang magiging buhay ng anak at apo ko sa puder mo. Baka kasi... alam mo na,"

"Tito, bakla po ako pero kaya kong panindigan yung mga bagay na pinasok ko,"

"I'm sorry. Sinisigurado ko lang naman yung kapakanan nila Karylle,"

"Okay lang po. Saka, napag-usapan din naman po namin ni Karylle na pagkapakanganak niya, magtatayo kami ng business namin. Kilala niyo naman po yung anak niyo, maraming idea sa utak yan."

Vice took a glance kay Karylle na natutulog sa kama. Si Modesto naman ay napatitig lang kay Vice at pinagmasdan ang ngiti na nasa labi nito. He saw his sincerity naman na paninindigan niya si Karylle pero hindi parin siya 100% sure na makakaya ni Vice lahat.

"Your lovelife? Karylle told me na... kayo parin daw nung boyfriend mo?" Modesto said. Napatingin naman sa kaniya si Vice. He wants to speak pero inunahan siya ng kaba at hiya. "Sorry ha, pero magkakaanak ka na. If you would continue that relationship with your boyfriend, baka mapabayaan mo yung anak ko. She needs you,"

"Alam ko po... sorry,"

-.-.-.-.-

Bright lights.

Flowers and fruits.

Styro of foods.

A man who's sleeping with his face, buried on the side of the bed.

And a pair of hands, holding hers.

Nagising si Karylle nang maramdaman na hindi niya maigalaw ang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak ng kung sino mang nilalang. She looked at her side at isang pamilyar na buhok ang bumungad sa kaniya. His scent also gave her the idea kung sino ang lalaking nasa tabi niya.

Her Vice.

She tried to remove her hand mula sa pagkakahawak ni Vice na naging dahilan naman ng paggising ng binata. He rubbed his eyes at nang makitang nakadilat na si Karylle ay natigilan ito. Saglit na nagsukatan ng tingin ang dalawa.

"Uhm... o-okay ka lang? Nagugutom ka? Nauuhaw? Karylle, may masakit ba? Kanina ka pa ba gising?" natatarantang tanong ni Vice na kinuha ulit ang kamay ni Karylle. "Huy? Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Nagugutom ka ba? Karylle magsalita ka..."

"O-kay ako," nahihirapang sagot ng dalaga na bahagyang ngumiti to prove na okay lang siya. "Z-zia?"

"Umuwi si Zia, uhm... babalik din daw siya," tila nahihiya nitong sagot. Karylle slowly removed her hand mula sa pagkakahawak ni Vice at mapait na ngumiti.

"U-uwi ka na. Kaya ko naman,"


Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon