BDOD #45

13.8K 450 137
                                    

Bakit nga ba umalis si Vice?

"Natatakot ako! Natatakot ako na baka iwanan mo ulit ako pag nalaman mong buntis ako. Natatakot ako na baka mas piliin mo nanaman yang kabaklaan mo kesa sa panindigan ako. Natatakot ako sa lahat ng posibleng mangyari." Karylle cried while kneeling in front of Vice. "N-natatakot ako na baka ako mismo, hindi na mapatawad ng Daddy ko pag naulit pa lahat ng nangyari three years ago,"

"B-buntis ka?" Vice asked. Nakatingin lang siya ng diretso kay Karylle na ngayon ay nakaluhod na sa harap niya. "You're pregnant?"

Hindi agad nakasagot si Karylle, but silence really do means yes kaya nagets na agad ni Vice ang sagot sa sarili niyang tanong.

"I-iiwan mo ba ulit ako?" Karylle asked while crying her eyes out. Nanatili lang naman na nakatitig sa kaniya si Vice na mukhang nakalimutan ng magsalita. "Vice, wag mo 'kong iiwan ulit... h-hindi ko kaya ng mag-isa 'to."

Ilang segundo pa ang nakalipas ay tumalikod na si Vice at lumabas ng kwarto leaving Karylle weeping. He immediately took his car's key which was placed sa may vase beside Klang's fave standee. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay nangangatog niyang inistart ang engine.

Vice's hands were busy controling the car but his mind was left sa bahay, sa bahay kung saan naiwan niyang umiiyak si Karylle. He didn't mean na saktan ang nobya. He was just caught by the fact that she's pregnant and his mind was stucked on what he has to do.

Almost two hours of driving, he finally arrived sa bahay ng taong gusto niyang kausapin. The last time na narito siya ay hindi naging maganda ang nangyari. Hindi nagdalawang isip na pinindot ni Vice ang doorbell ng bahay. Ilang minuto lang naman ang lumipas ay lumabas na ang isang matandang babae.

"Sir Vice?" nakangiting sabi ng matanda sabay bow ng ulo sa panauhin. "Ano pong sadya niyo?"

"Manang, nandiyan po ba siya?" he was taking glances sa loob ng gate. "Kailangang kailangan ko lang ho talaga siyang kausapin?"

"Ay sorry po, Sir. Wala pa po kasi siya."

"Alam niyo po ba kung saan nagpunta?"

"May isinasagawa siyang Medical Mission sa Cabuyao, hindi ko lang po alam kung saan ang eksaktong lugar." paliwanag ng matanda. "Kung gusto niyo po, hintayin niyo nalang po siya sa loob."

Napabuntong hininga naman si Vice bago tignan ang wrist watch to check the time. He really needs to talk to him as soon as possible.

"Hindi na manang, pupuntahan ko nalang po sa Cabuyao. Madali lang naman po magtanong-tanong. For sure naman may mga nakakaalam kung saan ang medical mission,"

Isang ngiti na lamang ang naisukli ng matanda habang si Vice naman ay nagmadaling bumalik sa loob ng sasakyan upang hanapin ang kanyang sadya. Ilang tao rin ang nadaanan ang napagtanungan niya hanggang sa matanto ang taong gusto niyang kausapin.

The man was busy giving free vitamins sa mga bata when he saw Vice na nakatayo hindi kalayuan sa bags of can goods na ipamimigay nila para sa mga matatanda. He suddenly passed the vitamins sa assistant niya and went near Vice.

"Good afternoon po," magalang na bati ng binata na tumungo pa sa harap ng lalaki. "Sorry for the interruption, Sir, but I just really have to talk to you."

"Let's talk sa loob," plain na sabi nito na nilead ang way papunta sa office niya. Nang makapasok ay diretso niyang tinignan si Vice. "What is it all about?"

"About your daughter, Sir." mabilis na nagchange ang emosyon ng mukha ng matanda. From strict face to worried one.

"What happened to Karylle?" nag-aalalang sabi ng matanda.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon