Unti-unting binuksan ni Vice ang mga mata. He roamed his eyes sa loob ng unfamiliar room na kinaroroonan niya. His eyes stopped sa spot kung san naroon ang mag-ina niya. They were sitting beside his hospital bed. Kapwa naka-frown sila Karylle at Klang.
"I told you to eat, wight?" masungit at madiin na sabi ng anak habang nakahawak sa magkabilang bewang.
"Vice, alam mo naman kung ano'ng mga ayaw ko eh. Ba't paulit-ulit mo paring ginagawa?" hirit naman ni Karylle while using her coldest voice.
"Di tayo bati," Klang added.
"Hindi ka ba natatakot na baka mamatay ka ng dilat dahil sa gutom?" Karylle muttered.
Hindi na nakasagot si Vice at salitan nalang tinignan ang mag-inang nanenermon sa kaniya. Nang huminto sila Karylle at Klang sa pagsasalita ay napangiti nalang apologetically si Vice sa dalawa.
"I'm sorry. Hindi ko lang kasi talaga maisingit yung pagkain. Sobrang hectic ng schedule. Sorry na," he tried to hold Klang's hand pero mabilis nitong iniwas ang kamay.
Klang stood up and went sa may table to get the food na pinaorder niya sa Tito Buern niya.
"Here, eat this." maawtoridad na sabi ni Klang.
Tinanggap naman ni Vice ang ibinigay ng anak at natawa nalang nang makita kung ano ang laman ng plate. Rice and Chicken Joy. He adjusted his position at naupo para makakain.
"Mommy, put me there o." sabi ni Klang while pointing the bed. Binuhat naman siya ng ina at pinaupo sa bed. "Daddy, you want me to help you?"
"Kaya ko po ubusin 'to," Vice said. Alam naman niya kung anong pinahihiwatig ng anak.
"No. Ahm, I mean, if you can't eat the chicken... uhh, you can give it to me po." indenial na sabi ni Klang habang ikinukuyakoy ang mga paa.
"Hey, I thought it's for Daddy?" Karylle said. Napa-stop naman ang kamay ni Vice mid-air nang marinig ang word na 'Daddy' from Karylle.
"Hay nako, sige na. Come here anak, help me eat this chicken o." Vice said habang inaaya si Klang na lumapit sa kaniya.
"Told yah!" excited na sabi ni Klang as she immediately sat next to Vice.
Pinagmamasdan lang ni Karylle ang mag-ama habang masayang kumakain ang dalawa. She suddenly remembered the paper na nakuha niya kung saan nakasulat lahat ng nararamdaman ni Vice.
"Mommy, gusto mo?" Vice asked habang ipinapakita yung chicken leg na kinagatan ni Klang. "Mauubos ng anak natin 'to,"
"Sige lang." medyo awkward na sagot ni Karylle as she looked down.
After kumain ng mag-ama, inayos na ni Karylle yung plates na ginamit nila. Nanatili namang nakaupo si Klang sa hospital bed habang nakayakap sa waist ng ama. Vice was rubbing her back dahil alam niyang inaantok na ito.
"Mommy, hindi pa ba kayo uuwi? 10 pm na o," all worried na tanong ni Vice while looking at the wall clock.
"Tingin mo ba mapapauwi mo yang bata na yan? Ni hindi nga matanggal yung kamay sa pagkakayakap sa 'yo," Karylle pointed Klang na bahagya ng pumipikit ang mata. "We'll stay,"
"Inaantok ka na ba? Tabi-tabi tayo dito, medyo malaki rin naman 'tong hospital bed." Vice moved a bit para mas mabigyan pa ng space si Karylle.
"I can sleep sa Sofa. You can't be uncomfortable lalo na't naka-dextrose ka,"
"Pero mommy, maluw--
"Vice, wag makulit." maawtoridad na sabi ng dalaga kaya napatango nalang si Vice. "Anyways, your sister told me na hindi nalang simpleng acid reflux ang meron ka. You're already suffering from Gastritis. Diba sabi ko naman sa 'yo, kahit anong busy mo sa work, always find time to take your meals."
"Sorry na kasi,"
"Such a hard-headed, Gay." bulong ni Karylle na hindi naman nakalagpas sa pandinig ni Vice.
"Huy mommy, hindi na ako bakla!"
"Really?"
"Oo kaya. Remember the night when we made l--
"Oohh, shut up!"
Vice couldn't help but smile dahil sa naging reaksyon ni Karylle.
-.-.-.-.-
5 o'clock in the morning when Vice woke up nang muling makaramdam ng kakaibang sakit ng sikmura. Bahagya niyang inusad ang anak palayo sa kaniya bago hawakan at diinan ang tiyan as if it was the cure.
"M-mommy?" mahinang tawag ni Vice kay Karylle na nakahiga at natutulog sa Sofa. "Mommy, gising ka muna please!"
Nagising naman agad si Karylle at napatingin kay Vice na namimilipit sa sakit. Hindi na napigilan ni Vice ang sakit kaya't napahiga na ito ng malakas na nagpagising naman kay Klang.
"Jusko, Vice! Nurse!! Nurse!"
Nagkukumahog na nagtawag ng nurse si Karylle to assist Vice na halos mangiyak na sa sakit. Si Klang naman ay humagulgol na dahil ito ang unang beses na makita niya ang ama na namimilipit sa sakit.
"Daddy Bays! Daddy Bays!" naaaligagang hikbi nito habang sinusubukang i-rub ang tiyan ng Daddy niya.
"A-anak, sige na. Baba na muna ikaw. Kaya ni Daddy 'to,"
"Daddy Bays, hindi!" humihikbi parin nitong sabi na niyakap na ang tatay niya.
A nurse came in kaya ibinaba na ni Karylle ang anak mula sa pagkakayakap nito kay Vice. Tinurukan si Vice and let him drink three different capsules to kill every pain he feels. Medyo kumalma naman si Vice though medyo masakit parin ang sikmura niya.
"Miss, ba't mo tusok Daddy Bays ko? Bad ka!" nakapout na tanong ni Klang while detaining her sobs.
"Baby, gamot yun ni Daddy mo. I have to give it to him para gumaling siya," sabi naman ng nurse na hindi mapigilang pisilin ang pisngi ng bata.
"Di na po ulit sasakit tiyan niya?"
"I can't promise, baby ha? Pero next time na sasakit yung tummy ng Daddy mo, hindi na gaanong masakit. Just make sure na makakakain siya sa tamang oras. Take care of him ha?" tinap ng nurse ang top ng head ni Klang na mabilis namang tumango. "Excuse me, Ma'am. Kung may kailangan po ulit kayo, tawagin niyo nalang po ako."
"Thank you,"
Nang makaalis ang nurse ay lumapit si Karylle kay Vice. Naaawa siya habang nakikita na namimilipit si Vice sa sakit but she doesn't know how to help him gayong hindi naman siyang alam kung paano gagamutin ang Gastritis na sakit nito.
"Promise me, magpapagaling ka." malambing na sabi ni Karylle habang nakatingin ng direkta sa mata ng binata. "I'll give you a reward. Magpagaling ka lang, utang na loob."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
A/N: Another update! :P Pasasayahin ko muna kayo since di ko pa alam kung makakapag-update ako from tuesday to saturday. :)
Anyways, I have new story po pala and it was entitled "BRING TO NAUGHT" Just click my profile and you'll find it there.
Thank you :*
