BDOD #5

15.4K 504 55
                                    

"It's Showtime!"

Sabay-sabay na nagsibalikan ang mga hosts sa stage matapos kantahin ang Showtime's song. Hyper na nagsasasayaw-sayaw si Vice habang ang iba naman ay nagsimula ng basahin ang kani-kanilang spiels.

"Hoy absent ka nanaman kahapon," puna ni Anne kay Vice kaya't natigil naman ito sa pagsasayaw. Vice stucked his tongue out na para bang nang-aasar.

"Nagpaalam naman ako kay Direk ah?"

"Nako, gumimik ka nanaman no?" paggatong pa ni Vhong. He received a light punch from Vice.

"Hindi na 'ko gumigimik, Vhong. Nagkasakit si Ana Klarisse." he rolled his eyes over them kaya naman natawa ang ibang hosts.

"Where's Klang nga pala? Wala s'ya dito sa studio oh," pansin ni Anne. Usually kasi tumatakbo takbo na si Klang-Klang during their spiels.

"Nasa Dressing Room, natutulog. Hindi pa kasi okay, masakit daw lalamunan dahil sa ubo." he explained.

Ipinagpatuloy ng hosts ang pagbabasa ng spiels mula sa monitor hanggang sa...

"Uy isang magaling na singer pala ang bisita natin ngayon," pagbabasa ni Vhong ng kanya. Nang-aasar nitong tinignan si Vice. "Ang nag-iisang Divine Diva. Ms. ZsaZsa Padilla! Abangan natin yan mamaya, madlang people."

Anne felt na tila hindi naging komportable si Vice kaya naman nilagay nya ang kamay nya sa likod ng kaibigan at pasimpleng hinagod para mapakalma si Vice. He just smiled at him sabay akbay to say na he's okay.

//

"Meme, okay ka lang?" worried na tanong ni Buern nang mapansin niya na hindi mapakali ang kaibigan. Vice was walking back and forth. He looked at Buern and took a sigh.

"Kinakabahan ako, baks." he confessed. Hinila niya ang vanity chair at doon sumalampak ng upo. "Jusko nangangatog lahat ng meron ako,"

"Si Ms. Zsazsa lang 'yon, ano ka ba?"

"Kung maka-lang ka diyan parang wala akong ginawang mali dun sa tao," bahagyang natawa si Buern dahil halatang takot na takot si Vice.

"Kasi naman bakla--

"Daddy?"

Buern at Vice looked back at nakita na nakatayo na si Klarisse habang nagkukusot ng mata. She slowly walked palapit kay Vice and hugged him sa may waist nito. Agad namang kinandong ni Vice ang anak.

"How are you feeling na anak?" tanong nito while stroking Klang's hair. "Hindi na masakit ulo mo?"

"Not weally,"

"You hungry?"

"I want pancakes," sabay natawa sila Vice at Buern dahil yun nanaman ang gustong kainin ng bata. "What's funny?"

"Kung bakit naman kasi sa Pancakes ka pa pinaglihi ng nanay mo eh," he grumbled as he messed Klang's hair. "Wala tayong pancakes dito baby eh, anything you want aside from Pancakes."

"I want donut," she gave her Dad a wide grin.

"Sige na nga. Buern pasuyo naman,"

Vice gave Buern money para pambili ng donut na hinihiling ni Klarisse. Nang makaalis ang kaibigan ay sinuklayan na muna ni Vice ang anak dahil alam niyang anytime na babalik siya sa Stage ay sasama nanaman ang bata.

"You'll get to see your Lola later," sabi ni Vice kaya napa-look up naman sa kanya ang bata.

"Lola Wosario?" she asked. Mabilis namang napailing si Vice sa anak.

"Your other Lola,"

"Momsie?" Vice nodded. "Why is she here?"

"She'll be promoting her new album, I guess."

"How come I met my Momsie but not my mommy?" curious na tanong ng bata. Malungkot namang napangiti si Vice as he playfully pinched Klang's cheeks

"Diba I already told you that you'll meet her soon? Wag atat anak ha?"

//

Closing Prod

Vice and Klarisse were watching Ms. Zsazsa as she performed her new song. Wala namang habas kapapalakpak si Klarisse dahil sobra talaga siyang proud everytime na naririnig niyang kumakanta ang lola niya, even her Aunt Zia.

"Go Momsie!!" she cheered habang tahimik ang lahat. Nag-waved naman sa kanya ang Lola sabay flying kiss. "I love you Momsie!"

"Wag ka munang maingay anak. Kumakanta pa si Lola mo oh,"

After ng performance ni Zsazsa ay nagsiakyatan na ang mga hosts sa stage to welcome her. Nagpaiwan naman si Vice sa audience seat dahil hindi nya pwedeng dalhin si Klarisse sa stage.

"Hello madlag people," bati nito while waving her hand sa mga tao. "Sweet naman ng apo ko oh! Siya talaga fan ko eh. I love you Ana,"

"I love you momsie!" Klang answered back with his Dad's mic on. "May I hug you?"

"Ofcourse you may, come here!" Vice stood up and carefully put the kid down. Sumunod narin siya sa stage, bilang nandun narin naman ang anak. "Mag-ingat sa stairs,"

Once nakalapit na si Klarisse sa lola ay nagpakarga agad siya dito. She hugged her Lola tightly and gave her short kisses all over her face. Natawa naman ang ibang hosts dahil sa ginawa ng bata.

After ng Showtime ay ipinatawag ni Direk ang mga hosts dahil they have to make some adjustments daw sa Show. Ibinilin na muna ni Vice ang anak sa mga kaibigan dahil hindi naman pwede ang bata sa Meeting Office.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas na si Vice dahil alam niyang gutom nanaman ang anak at baka nagwawala nanaman ito sa Dressing Room. Everytime kasi na umiiyak ang bata ay nahihirapan silang patahanin ito. They were taking almost two hours to make her stop from crying.

Pagkapasok niya sa Dressing Room ay bumungad sa kaniya si Ms. Zsazsa na buhat-buhat ang natutulog na si Klarisse. Nahiya naman siya kaya agad niyang ibinaba ang hawak na mga papel upang makuha ang bata.

"Ay sorry po, Tita. Medyo marami din po kasing sinabi si Direk." hinging paumanhin nito while kinukuha si Klarisse from ZsaZsa.

"Okay lang. She was looking for her donut, eh kinain pala ni Archie kaya ayun... nagwala yung bata so I asked them to buy her new. Hanggang sa nakatulog nalang siya," paliwanag nito.

Once nakuha na ni Vice ang anak ay medyo gumalaw ang bata kaya naman tinap niya ng bahagya ang legs nito para mapabalik ulit sa himbing na tulog. Nakatingin lang naman sa kaniya si Ms. Zsazsa na hindi makitaan ng kahit anong emosyon sa mukha.

"How's Klarisse?" she suddenly asked. Napatingin naman sa kaniya ang binata sabay ngiti.

"Sobrang okay po Tita. She can read na, tinuturuan po kasi nung mga bakla." pagbabalita nito. "She can even write her full name,"

"Ikaw, kamusta ka? Hindi ka ba nahihirapan sa pag-aalaga sa anak mo?"

"I'm going to be honest with you, Tita... minsan talaga nahihirapan din po akong alagaan si Klarisse kasi napaka-kulit." pag-amin nito sabay bow ng head upang makita ang anak. "Pero yun po yung strength ko eh... yung kakulitan nya."

Ms. Zsazsa smiled dahil nakita naman nya kung gaano kabuting ama si Vice kay Ana Klarisse. Ngumiti nalang din sa kanya ang binata na tila ba may gustong sabihin.

"Ah Tita..." nag-aalangang sambit nito. "K-kamusta na po siya?"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon