Nangangatog na ibinaba ni Karylle ang hawak-hawak niyang Pregnancy Test Kit. Nakikita at sigurado naman siyang ganito ang mangyayari. She was so sure that she would get pregnant pero bakit masakit parin? Bakit parang hindi parin niya tanggap?
"Ang tanga-tanga mo, K! Ang tanga-tanga mo!!" she grumbled while pulling her own hair.
The unexpected night with her bestfriend gave her the worst problem. Hindi sa sinisisi niya ang bata sa sinapupunan niya. She was blaming herself for being stupid. Alam niyang hindi siya sanay sa alak but she did.
The moment Vice said na natatakot itong mabuntis si Karylle at hindi pa siya handang maging ama ang pinaka-kinatatakutang bagay ng dalaga. Paano niya palalakihin ang magiging anak ng walang kinikilalang tatay?
Karylle immediately fixed herself upang mapuntahan si Vice. Kahit natatakot siya na baka hindi tanggapin ng binata ang idinadala ay alam niyang karapatan din nitong malaman na buntis siya.
"Oh, aga mo Kurba. Anong meron?" nagtatakang tanong ni Vice na binuksan ng maigi ang pintuan upang makapasok ang kaibigan.
Karylle went inside his condo and decided to sat first before starting their issue. Naramdaman naman ni Vice na parang hindi okay ang pakiramdam ng kaibigan kaya't tinabihan niya ito at mabilis na hinalikan sa ulo.
"You know, you can tell me everything."
Sa panimulang iyon ni Vice ay hindi na napigilan ni Karylle ang maging emosyonal. She doesn't know how to start. Natatakot siya na baka hindi pa man niya natatapos sabihin ang balita ay paalisin na siya ni Vice.
"Karylle, tumingin ka nga sa 'kin." he uttered worriedly then cupped both her cheeks para maiharap sa kanya. "Kung ayaw mo 'kong magalit sa 'yo, sabihin mo sa 'kin kung anong problema mo,"
"I'm sorry..." pabulong na sabi nh dalaga habang tinatanggal ang kamay ng kaibigan sa mukha niya. "I'm sorry..."
"W-wait. Bakit ba? Why are you saying sorry?" kinakabahan naring tanong ng binata.
"I-I'm pregnant..."
Vice got tongue-tied nang marinig ang balita ni Karylle. He waited for her to say that she was just joking pero wala siyang ibang narinig kundi ang pag-uulit nitong buntis siya. He sighed deeply as he buried his face on his palms.
"H-hindi ko sinasadya. I'm sorry," tuloy-tuloy na pag-iyak ni Karylle, trying to hug him pero paulit-ulit lang din siyang itinutulak palayo ni Vice.
"Wait. Wait. I-isang beses lang 'yun Karylle... imposible,"
Hindi na muna sumagot si Karylle at pinili nalang muna ang tumahimik. She's getting sluggish because of crying. Idagdag pa ang hindi pagsasalita ni Vice kaya't nag-aalala siya na baka nga hindi nito tanggapin ang bata.
Naghintay pa siya ng ilang segundo at nang hindi pa makakuha ng kahit anong sagot mula kay Vice ay napagdesisyunan na niyang tumayo at umalis.
"H-hindi naman kita pipiliting tanggapin si Baby... o-okay lang. Kakayanin ko naman 'to." humihikbing sabi niya habang malungkot na nakangiti. "Aalis na 'ko."
Hindi muling nagsalita si Vice kaya't dumiretso na lamang ng labas si Karylle. Habang naglalakad palapit sa elevator ay walang habas kakatulo ang mga luha niya. Alam naman niyang hindi tatanggapin ni Vice ang bata, bakit pa niya sinayang ang oras sa pagpunta sa kaniya para lang ipaalam na buntis siya, eh para namang hindi interesado ang binata.
Nang papasok na siya sa Elevator ay naramdaman niya ang dalawang kamay na pumulupot sa bewang niya kasabay ng pagbaon ng ulo nito sa leeg niya. Sa move na 'yon ay mukhang kilala na niya ang lalaking nasa likuran.