BDOD #65

16.1K 541 158
                                        

Hindi mapakali si Vice kalalakad dahil hanggang ngayon ay wala parin silang nakukuhang balita mula sa iilang pulis na napakiusapan nilang tumulong sa paghahanap sa nawawala niyang anak. Ayon sa hepe, hindi pa lumalagpas sa 24 oras ang pagkakawala ng bata kaya hindi pa sila maaaring magpakalap ng ulat na nawawala si Klang. Ipinaalam narin ni Vice ang nangyari sa mga kaibigan sa Showtime kaya nag-hire narin ng tig-isang tao sila Vhong at Billy upang tumulong sa paghahanap. Si Anne naman ay nagpost narin sa social media dshil nagbabaka-sakali na makatulong iyon sa mabilisang pagtugon sa problema nila.

Walang humpay sa kaiiyak si Karylle sa sobrang pag-aalala. Maging ang ina nito na kasalukuyang nagrerehearse para sa prod nito for ASAP ay nahinto para lang madamayan ang anak. Mabilis itong bumyahe papunta sa bahay nila Karylle upang makibalita. Sila Archie at Buern ay naglibot sa kalapit lugar ng eskwelahan dahil umaasa silang makikita nila doon ang alaga.

"Bakit ba nawawala 'yung apo ko?" hindi na napigilang tanong ni Zsa Zsa na nagingilid narin ang luha.

"Napagalitan ko ho kaninang umaga, h-hindi ko naman ho alam na ganito ang mangyayari." nanginginig na sagot ni Vice. Napaupo na lamang ito sa sofa at madiing ibinaon ang mukha sa mga palad.

"Naalala ko lang po, kanina while we were on our way to school nabanggit po ni Klang na gusto niya kayong puntahan eh hindi naman po namin magawang sundin 'yung gusto niya dahil may pasok nga po siya," sabat ni Aaron na kanina pa nananahimik.

Nilingon ni Vice ang asawa at nang makita na wala parin itong tigil sa pag-iyak ay nilapitan na niya ito at niyakap ng mahigpit. Karylle burried her face on his neck as she continued crying. Kanina pa gustong humagulgol ni Vice dahil sa sobrang pag-aalala ngunit hindi niya magawa upang may makapitan pa si Karylle na halos manghina na.

"I'm sorry," pigil luhang bulong ni Vice habang panaka-nakang hinahalikan ang sentido ng asawa.

"Natatakot ako, Vice!" nanginginig na sambit ni Karylle sa pagitan ng mga hikbi. "P-paano kung may mangyaring hindi maganda kay Klang? Paano k--

"Ssshh!" he cut her off. "Walang mangyayaring masama sa anak natin. She'll be safe," sabi na lamang ni Vice kahit siya mismo sa sarili niya ay hindi sigurado.

Mag-aalas otso na ng gabi ngunit wala parin silang nakukuhang balita. Maging ang mga taong inutusan nila Vhong at Billy na maghanap sa inaanak ay wala bigo parin na makita ang bata. Maging sila Buern at Archie na hulas na mula sa pag-iikot ay umuwing walang kasamang Klang. Muling sinubukan ni Vice na maglibot sa mga kalapit lugar. Habang nasa sasakyan ay wala ng habas kakatulo ang kaniyang luha. Sobra na siyang nag-aalala sa pagkawala ng panganay na anak. Naalala rin niya ang pangako sa bata na susunduin niya ito kaya't dumagdag iyon sa bigat na nararamdaman niya.

"Anak, I'm so sorry." humihikbing sabi ni Vice na ihininto saglit ang sasakyan sa isang gilid dahil nahihilam na siya sa sariling luha. Inginudngod nito ang mukha sa manibela at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. "Daddy's so sorry,"

Ilang segundo pa ang lumipas, habang nasa kalagitnaan ng pag-iyak ay tumunog ang cellphone niya kaya't mabilis niya itong hinugot mula sa bulsa at sinagot ang tawag mula sa biyenan.

"Hello, Ma?" sambit ni Vice habang pinupunasan ang pisngi.

"May nakakita na kay Ana Klarisse. I'm on my way to the police station, sumunod ka nalang." matapos ay mabilis na pinutol ni Zsa Zsa ang linya. Wala namang inaksaya na oras si Vice at dali-dali ng nagmaneho.























"Teka lang! Kaklathe ni Onyok 'to ah?" sabi ng isang rumorondang pulis habang pinagmamasdan ang batang babae na himbing ang pagkakatulog sa mga sako ng sibuyas at bawang.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon