Nagising si Klang nang maramdaman na patag na ang kinahihigaan niya. She used to sleep kasi sa dibdib ng Daddy niya at alam niya kung iba ang hinihigaan niya. Mabilis siyang napaupo sabay rub ng eyes bago ilibot ang paningin sa kabuuan ng room nila. Wala na siyang kasama. Sa pag-aakala na iniwan na siya ng Mommy at Daddy niya ay agad agad na siyang tumayo at nagsuot ng tsinelas para lumabas. Pababa na sana siya ng hagdan nang maalala niya ang isang bagay na nakasanayan na niyang gawin everytime na magigising siya. Naglakad ito ng patalikod pasimpleng kinapa ang standee na madalas niyang batiin.
"Afternoon, Bae!" sabi nito sabay lingon sa standee ngunit laking gulat niya nang makita na wala ito doon. "Nagtatago nanaman ikaw,"
Bahagya niyang sinilip ang paso kung naroon ang standee ngunit wala siyang nakita. Sinunod niyang silipin ang ilalim at gilid ng mesa but still, wala siyang nakitang standee. Mangiyak-ngiyak na nagkamot ng ulo si Klang na bumaba na ng hagdan to ask her Mom and Dad kung nakita ba nila si Bae.
Pagdating sa kusina ay nakita niya ang magulang na kausap ang Ninang Kris niya at ang bago sa paningin niya na si K Brosas. Nakafocus sa mga ito ang tatlong camera and as a kid, hindi niya alam ang nangyayari. She was watching them from a far na tila ba iniisip kung ano bang ginagawa nila. Hindi naman nagtagal ay nakita siya ng ama kaya't nilapitan siya nito para buhatin.
"Ay nagising na pala yung prinsesa namin," sabi ni Vice habang lumalapit sa anak. Once he got near her ay agad narin niya itong binuhat.
"Nasan si Bae?" kunot noong tanong ni Klang habang ipinupulupot ang kamay sa leeg ng ama.
"Itinago muna ni Daddy sa ilalim ng bed kasi maraming cameras dito sa bahay. Baka makita nila, pagagalitan tayo ng bosses, nako!" natatawang sabi nito habang papalapit muli sa asawa. "Say hello to Ninang Kris then tita K oh,"
"Hello po!" sabi nito sabay wave ng hands sa dalawa. "Daddy Bays, hindi makaka-bweathe si Bae dun sa ilalim ng bed,"
"Wag kang maingay." bulong ni Vice sabay slight na sabunot sa anak. "Pagagalitan tayo ng bosses. Ipapahamak mo pa 'ko e,"
"How old is she?" pagtatanong ni Kris habang pinagmamasdan si Klang na nakakandong lang sa ama at nakatingin sa kaniya. "How old are you baby?"
"Twi," maiksing sagot nito.
"Three po," pagtatama ni Vice dahil wala nanamang 'po' ng sagot ng anak.
"Twi po," pag-uulit nito.
"Nakakapag-read and write na ba siya?" Kris added na nag-turn ng tingin kay Karylle na busy na sa paghihiwa ng vegies. "Kasi, Bimby started reading at the age of four."
"Nakakapagbasa naman na siya ng one to two syllable words," sagot ni Karylle habang ihinihiwalay ang okra sa talong. "Ay, Daddy pakuha naman nung ampalaya. Nakalimutan ko e."
Kasalukuyan silang nagtetape for KrisTV's episode. Bilang bagong mag-asawa ay gustong makiusisa ng mga kaibigan sa kung paano ba nagsasama ang dalawa sa iisang bahay at kung paano sila gumagalaw bilang magulang. Vice stood up at kinuha ang ampalaya mula sa ref habang buhat-buhat parin ang anak.
"Daddy, yung tapapas ko din!" hiling ng bata habang nakaturo sa nag-iisang patatas. Kinuha naman ito ni Vice at ibinigay sa anak. "Thank you!"
Ibinigay ni Vice ang ampalaya sa asawa bago paupuin ang anak sa stool para matulungan si Karylle sa pagpprepare ng lulutuin nito. Tahimik na nakaupo si Klang habang sinusulyapan si K Brosas na kanina pa siya tinatakot sa pamamagitan ng tingin.
"Ba't mo nilalaki mata mo po?" bulong na tanong ni Klang na nakipagtitigan narin kay K. Natawa naman ang huli sabay takip sa bibig. "Kaya ko din po kaya mag-big ng eyes,"