Hindi na bumalik si Vice sa mesa kaya after kumain ni Karylle ay minabuti niyang sundan na lamang ang binata, to say sorry narin dahil alam naman niyang below the belt na ang naging hirit ng ama. She knew na malaki parin sa pagkatao ni Vice ang natapakan dahil sa nangyari.
She went out and found Vice sa garden, staring nowhere. He was sitting on the bench. Umupo naman si Karylle sa tabi niya and it seems nothing for Vice dahil hindi manlang nito nagawang lumingon.
"I'm sorry." panimula ni Karylle. Vice smiled weakly at hindi parin magawang tumingin sa kaniya. "I should've stopped him."
"Totoo naman eh. I don't deserve you. Mas malambot pa 'ko sa 'yo. Ni hindi nga kita napanindigan ng buo noon, kasi nga bakla ako!" puno ng hinanakit na sabi nito. She hears sadness on his voice. "Ilang beses ba kailangang ipamukha sa 'kin ng pamilya mo na ang tanga-tanga ko?"
Hindi nakapagsalita agad si Karylle. Nagulat na lamang siya nang makita ang mabagal na pagdaloy ng luha sa pisngi ni Vice. She knows him well. Hindi naman siya iiyak kung hindi big deal sa kaniya ang isang bagay.
"Bakit parang kahit anong pagbabago ang gawin ko sa sarili ko, it wouldn't still change the fact na nasaktan kita, pinaiyak kita, ginago kita." dagdag pa nito.
Mabilis na pinapahid ni Vice ang mga luha. One of the things he doesn't want Karylle to see ay 'yong umiiyak siya. He was trying to detain his sobs. Si Karylle naman ay hindi parin magawa ang magsalita dahil natatakot siya na baka sa simpleng pagbuka ng bibig niya ay madagdagan ang sakit na nararamdaman ni Vice.
"Nakakadurog na ng pagkatao," as much as he wanted to detain his sobs, kusa namang lumalabas ang hikbi mula sa bibig niya. "Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko, Mommy."
"Nasaktan ako Vice... pero hindi ko hiniling na mapunta ka sa ganitong sitwasyon. Una palang alam mong ayokong nakikita kang nasasaktan," Karylle said. Iniangat niya ang kamay paakyat sa likod ni Vice upang hagurin ito as a sign of comfort. "You can stop winning me back. Kung 'yon ang makakapagpagaan sa loob mo, wag mo ng ituloy yung plano mo."
Vice didn't speak. Nasaktan man si Karylle dahil sa hindi pagsasalita ni Vice, alam niyang baka ito ang makakapagpagaan ng loob ni Vice. She stood up and gave him one last look bago ito iwanan.
Vice sighed. He really wants to make his family complete pero sa nangyayari, tila wala na nga siyang kakayahan na mabawi pa si Karylle. Her dad is one of the most important persons sa buhay ni Karylle and now that against na ito sa relasyon nilang dalawa, hindi na niya alam kung paano pa niya itutuloy ang gusto niyang mangyari.
"Gusto mong pag-usapan natin?" he turned his head left at nakita si Billy na papaupo sa tabi niya. "Did you cry?"
"Oo. Bakla ako eh," Billy frowned. Hindi niya nagets ang hugot na iyon ng kaibigan so he waited for him to speak again. "Ganun naman ang bakla diba? Mahina sa lahat ng bagay,"
"Vice, hindi ko narinig na minaliit mo yung sarili mo noon. Where's your 'Proud To Be Me' line? Mukhang kailangan mo yun ngayon," napailing lamang si Vice. What Modesto said has a big impact sa confidence niya as a person. "Diba ikaw narin naman ang nagsabi? You're a strong person. You shouldn't let hate makes you weak,"
"Nakakapagod din palang magpanggap na hindi ka naaapektuhan. I thought sanay na akong i-ignore yung hates from the bashers, pero iba pala yung impact ng Daddy ni Karylle. Para akong paminta na dinurog ng pinong-pino,"
Billy let him speaks his feelings out. Sa ilan taon narin nilang magkaibigan, ngayon lang nakita ni Billy si Vice na sobrang nasasaktan. Vice had been through a lot of heart aches before, and Billy knows na ito ang pinakamalala sa lahat ng heart aches na pinagdaanan ng kaibigan.
"You promised us na babawiin mo si Karylle diba? You even said no one can stop you from winning her back. Nasaan na 'yon ngayon?" Billy asked. Mabagal namang napailing si Vice bago punasan ang luhang nagbabadya sa pagbagsak.
"Hindi ko naman talaga deserve si Karylle. She's too perfect, tapos ordinaryong tao lang ako. Tama naman talaga yung Daddy niya, maybe she has to find a man who truly deserves her heart." he then smiled sadly. Napabuntong hininga lang naman si Billy as he tapped Vice's shoulder.
"Paano mo mapapatunayang mahal mo talaga si Karylle kung simpleng pananakot lang ng Daddy niya eh umaatras ka na?"
"Daddy ni Karylle ang isa sa mga importanteng tao sa buhay niya. Kung siya nga hindi pabor sa 'kin, malamang bawas points narin yun for Karylle to give me another chance. Malaki ang impluwensya ng mga sinasabi ni Sir Modesto para sa magiging desisyon ni Karylle,"
"Maaaring he has a big influence in Karylle's decisions in life, pero part lang naman siya nun. Hindi naman niya kontrolado ang isip ng anak niya. Hindi rin naman siya ang nakakaalam kung ano ang makakapagpasaya kay Karylle so at the end of the line, si Karylle at si Karylle parin ang magdedesisyon para sa sarili niya,"
-.-.-.-.-
"Dad, can we talk?" Karylle said habang nakasilip sa pinto ng mini-office ng daddy niya. Tumango naman ito kaya tuluyan ng pumasok si Karylle.
"What do you want to talk about?"
"Dad, I'm sorry but you should've not said those things over lunch. You definitely ruined the moment," madiin ngunit may galang parin nitong sabi. Nakatingin lang naman sa kaniya ang ama.
"Why? May natamaan ba? Well, kung sino man yung natamaan, it wasn't my fault... dahil in the first place, hindi siya matatamaan kung hindi siya guilty sa mga sinabi ko."
"But you hurt Vice. Wala namang ginagawang mali sa inyo yung tao," katwiran pa nito. Mabilis namang kumunot ang noo ng matanda.
"Naririnig ko ba yung sarili mo, Ana Karylle? How can you say na wala siyang ginawang mali sa 'kin? The moment he hurt you, isang malaking pagkakamali na 'yon. I almost lost my unica hija because of him." natahimik at napayuko naman si Karylle. "You couldn't blame me kung bakit ganito ako towards Vice. I trusted him pero sinira niya lahat."
-.-.-.-.-
Pasado alas dyis na nang makarating sa bahay ni Vice ang tatlo. Klang fell asleep sa sasakyan palang kaya binuhat na ito ni Vice paakyat sa kwarto nilang mag-ama. Nakasunod lamang si Karylle sa dalawa na para bang buntot. Sa byahe palang kasi ay wala ng imik si Vice and Karylle knows na baka dahil parin ito sa issue between her Dad and Vice.
"Vice, uuwi na 'ko." Karylle said. Hindi naman nagsalita si Vice na kasalukuyang kinukumutan ang anak na kalalapag lang niya sa higaan.
Hindi na naghintay pa si Karylle ng sagot. She turned her back and walked out of the room. Malapit na sana siya sa pinto when he heard Vice.
"Tingin mo ba papayagan pa kitang umuwi ng ganitong oras? Dito ka matutulog," it was stern and cold. Napabuntong hininga naman si Karylle.
"If you're not comfortable na kasama mo 'ko dito, okay lang naman na magpasundo nalang ako kay Manong."
"Mommy, dito ka matutulog. Sige na, akin na yang bag mo." nahihiya namang iniabot ni Karylle ang bag niya kay Vice. "Sumunod ka na sa taas,"