Nagising si Vice nang maramdaman niya ang kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya. He slept sa may sofa dahil ayaw naman niyang mabastos ang nararamdaman ni Karylle since nakompronta siya nito last night. He opened his eyes at nakita ang anak na mahimbing na natutulog at nakadapa sa ibabaw niya. Mabilis itong napangiti sabay yakap sa anak.
"Kahit kailan talaga ginagawa mo 'kong kutson," he grumbled while rubbing Klang's back. Saglit itong tumingin sa kama at nakita na natutulog pa rin si Karylle.
Muli niyang ipinikit ang mga mata at ikinondisyon ang sarili pabalik sa pagtulog. Naramdaman niya ang marahang pagkilos ng anak so he tapped her legs para hindi muna matuloy ang paggising nito. Kahit nabibigatan ay tila ba wala lang ito kay Vice at nagawa pang bumalik sa pagkakahimbing.
Bandang alas otso na nang magising si Karylle. Kinapa-kapa nito ang gilid ng kama at nang maramdaman na wala ang anak ay napabalikwas ito ng bangon. Napahawak naman ito sa dibdib at nakahinga ng maluwag nang makita si Klang na natutulog sa dibdib ni Vice.
She loves seeing how close Klang and Vice are. Minsan nga ay nakakaramdam na siya ng inggit dahil kahit na siya ang kasama ng anak ay ang ama parin nito ang hinahanap, but there's a side of her na nakakaramdam din ng guilt dahil sa fact na wala siya sa tabi ng anak kahit sa mga oras na siya ang kailangan nito.
Hinayaana lang niya ang mag-ama sa ganoong posisyon at minabuti nalang na lumabas ng kwarto upang makapaghanda ng agahan. Ilang minuto lang naman ang lumipas ay nagising narin si Vice na hindi agad nakatayo dahil nga nakadagan sa kaniya ang anak.
Dahan-dahan niya itong binuhat para makatayo. Sa simpleng galaw na iyon ay nagising ang bata at mahigpit na yumakap sa leeg ng ama.
"Goodmorning baby," sabi ni Vice na hinagod pa ang ulo ng anak.
"Mowning, Daddy Bays!" sagot naman ng bata habang pino-poke ang pisngi ng ama. "Bwush na tayo ng teeth."
"Lezzgoooo!"
Sabay na pumasok ng bathroom ang mag-ama. Vice placed Klang sa may sink bago lagyan ng toothpaste ang brush nito. Nagsimula ng magbrush ng teeth ang bata nang may mapansin ito. She immediately covered her mouth with her two little hands na ipinagtaka naman ni Vice.
"Huy, bakit?" nag-aalala nitong tanong habang sinusubukang tanggalin ang kamay ng anak na naka-cover sa bibig nito. "Ana Klarisse, ano ba yan?"
"Daddy, may mu-mu sa mouth ko." bulong nito na nakafrown. Napataas naman ng kilay si Vice dahil sa sinabi ng anak.
"Ang weird mo nanaman. Manang mana ka talaga sa nanay mo," pairap na sabi nito bago ipagpatuloy ang pagsisipilyo. Nanatiling nakatakip ng bibig si Klang at nakatitig lang sa toothbrush niya. "Ano bang problema, anak?"
"Nagda-dance yung tooth ko, look!" sagot nito na hinawakan pa ang ngipin sa taas sabay ginalaw-galaw. "Nagda-dance siya,"
"Paanong hindi magda-dance eh, ginagalaw mo," tinapos ni Vice ang pagsisipilyo bago icheck ang gumagalaw na ngipin ng anak. "Nako, mabubungi ka nanaman."
"Ayaw!"
"You have to remove that tooth, anak!"
"Hindi na pwetty si Ana Kyawisse if you wemove my tooth," naka-pout na sabi nito.
"Maganda ka naman kahit wala kang ngipin," pagccheer up ni Vice sa anak while stroking her cheeks.
Tending to Karylle's side, she was busy preparing for their breakfast nang biglang magring ang phone nito. Nang makita na si Yael ang caller ay mabilis niyang pinatay ang kalan upang makausap ng maayos ang binata.
Yael: Nagising ba kita?
Karylle: Ah... hindi, actually nagpprepare lang ako ng breakfast. Ba't ka nga pala napatawag?