BDOD #40

19.8K 568 106
                                    

Na pack-up ang shoot bandang alas nuebe y media ng gabi. It was their last shoot bago mawala si Direk Wenn ng ilang araw. Saya naman ang nararamdaman ni Vice dahil finally, mas magkakaroon siya ng mahaba-habang oras para sa anak at kay Karylle.

He got home at 10 pm. Alam niyang sa ganitong oras ay himbing ng natutulog ang anak so he slowly walked inside their room to avoid making noise that could wake her up. Nadatnan niyang nakadapa si Klang habang si Karylle naman ay nakatagilid at nakayakap sa anak.

He took a few seconds staring at them bago magdecide na magpalit ng damit. He was really tired dahil sa maghapong pagtatrabaho but it was all worth it thinking na para naman sa mag-ina niya ang lahat ng ginagawa niya.

"Vice?"

Vice turned around at nakita si Karylle na tila naalimpungatan sa mga galaw niya. He walked near her and kissed her on the tip of her nose.

"I miss you," Vice grumbled habang iginigiya si Karylle patayo. He encircled his arms around her waist at niyakap ng sobrang higpit.

"Kumain ka na ba? Iiinit ko yung ulam?"

"Ako na, Mommy. Balik ka na sa bed,"

"Hindi. Tara na sasamahan kita sa baba,"

Hindi naman na nakipagtalo si Vice at pinagbigyan nalang si Karylle.sa gusto nito. Hand in hand na naglakad ang dalawa pababa ng hagdan. Karylle was obviously still sleepy ngunit dahil sa kagustuhan na pagsilbihan si Vice ay pinilit niya ang sarili na samahan ito sa kusina.

"Mommy, inaantok ka pa. Ako nalang diyan," naglalambing na sabi ni Vice habang natatawa dahil literal na pumipikit pikit pa talaga ang mga mata ni Karylle.

"Vice, kaya ko. Ayaw lang makisama nung mata ko." she uttered kaya lalong natawa si Vice.

After iinit ni Karylle ang ulam ay agad niyang pinaghainan ng pagkain si Vice. Vice was just watching her and admire how caring she is. Sobrang bibihira sa babae ang katulad ni Karylle na kahit inaantok na ay pipiliin paring pagsilbihan ang partner niya.

"Mommy, Tito Boy texted me kanina nung nasa shoot pa 'ko," pag-oopen ni Vice na nagsimula ng kumain.

"Hm? Anong sabi?"

"He was asking if...  pwede daw bang ikaw ang guest sa show niya bukas ng gabi," lalong nagising si Karylle sa tanong na iyon si Vice. Hindi agad nakasagot si Karylle at tumitig lang sa binata. "Mommy, sinabi kong susuportahan kita sa mga desisyon mo but... please say yes to this one. Makakatulong 'to sa 'yo eh,"

"Paano kung hindi ko kaya?" all worried na tanong ni Karylle. Binitawan naman ni Vice ang utensils upang mahawakan ang kamay ng dalaga.

"I promised you na hindi kita iiwan sa ere diba? If you say yes, sasama naman ako sa 'yo. Hindi naman talaga kasi dapat ikaw ang haharap sa media about sa issues natin. I'll come with you, mommy."

Dahil sa sinabing iyon ni Vice, nabawasan ang kabang nararamdaman ni Karylle. Mabagal itong tumango to say na pumapayag na siya sa gusto nitong mangyari.

//

The next day, nagising si Vice nang makarinig na maliliit na bulong mula sa labas ng kwarto. Lumingon siya sa kama and he realized na siya nalang pala ang naiwan sa loob. He wore his slippers bago lumabas ang kwarto and there... nakita niya ang anak na nakaupo sa gilid ng standee na pinabili nito.

The standee was placed outside their room dahil doon pinili ni Klang na ilagay ito. Vice secretly watched his daughter na nakikipag-usap sa standee.

"Cute cute mo. Hehe!" Klang said sabay kurot kunware sa legs ng standee. "God Gave me you... to shu me washils"

"Talande!" hindi mapigilang sambit ni Vice na hindi malaman kung matatawa ba sa pinaggagagawa ng anak. "Crush mo ba yan?"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon