BDOD #47

14.3K 470 59
                                    

Nagising si Karylle when she felt someone poking her cheeks. Pagdilat ng mata ay ang mukha agad ng asawa ang bumungad sa kaniya. He was smiling from ear to ear and no one couldn't honestly tell how happy he was. Saglit silang nagtitigan but when Vice got his senses back, agad siyang yumuko to give her a peck on the lips. Sa ginawang iyon ni Vice ay hindi naman naiwasan ni Karylle ang makaramdam ng guilt dahil hindi niya naibigay sa asawa ang dapat niyang ibigay, the night after their wedding.

"Something's bothering you?" worried na tanong ni Vice while still staring at her. He slowly ran his pointing finger on her cheeks as his way of comforting his wife. "Tell me, baka makatulong ako."

"Hindi, Daddy. I just felt guilty for not giving myself to you last night." nangingiwing sagot nito. Vice smiled upon hearing Karylle's cute apologize. "Don't smile at me. Lalo akong nakokonsensya,"

"Hindi naman problema sa 'kin yun 'mmy," nakangiti niyang tugon as he bowed his head down para mag-meet ang ilong nilang dalawa. "Okay lang sa 'kin kung ayaw mo pang magka-baby ulit. Alam ko naman na hindi maganda yung nangyari at ayokong mapressure ka. We can enjoy naman without doing that thing. Pinakasalan kita dahil mahal kita, hindi dahil sa kung ano ang kaya mong ibigay."

"Thank you for always understanding me, 'ddy ha?"

"Responsibilidad kong intindihin ka," tugon nito na nakikipag-nose to nose sa asawa. "Baba na tayo? Nasa kusina sila Buern e,"

"Anong ginagawa nila dito?" nagtatakang tanong ni Karylle habang tinutulungan siya ng asawa na tumayo. "May lakad ba kayo?"

"Wala naman, mommy. Gusto lang nila pumunta,"

"Si Ana Klarisse?"

"Kasama nila,"

Sabay na lumabas ang mag-asawa mula sa kwarto at magkahawak-kamay na naglakad pababa ng hagdan. From their place ay dinig na dinig na nilang dalawa ang pagsigaw-sigaw ni Klang na malamang ay nakikipagharutan na sa mga bakla.

Nang makarating sa kusina ay nadatnan nila ang anak na kasalukuyang nagppour ng chocolate syrup sa pancakes niya while ang mga bakla naman ay busy sa pagpprepare ng breakfast for them. Karylle smiled as she walked towards Klang upang mahalikan ito sa ulo. Ganun din naman ang ginawa ni Vice bago lumapit sa mga kaibigan to help them prepare.

"Mommy, nigawan kita pancakes po." Klang said sabay push ng plate of pancake palapit sa ina. Napangiti naman agad si Karylle nang makita nang makita na may korte pa ng smiling-face ang pancakes na ibinigay ng anak. "Nisabi kasi nila tito, pagod daw ikaw galing sa wides,"

"Rides?" Karylle didn't get kung ano ang ibig ng 'rides' na sinabi ng anak. Vice immediately got what she means kaya mabilis niyang sinabutan isa-isa ang mga bakla.

"Mga abnormal kayo. Parang hindi bata sinabihan niyo ah?" sermon nito. Sabay sabay naman na nagtawanan ang mga kaibigan. "Nagpunta lang yata kayo dito para makitsismis e,"

"Huy, hindi kaya! Gusto lang talaga namin magprepare ng breakfast para sa inyo. Sa sobrang bongga kasi ng kasal niyo, nabusog kami dun sa reception kaya ito nalang ang pangbawi namin," Buern explained habang tumatawa kasabay ni Archie.

"Anak, bakit si mommy binigyan mo ng pancakes? How about me? Pagod din kaya ako sa rides," sabi ni Vice na umuupo sa tabi ng anak. This time ay turn naman ni Karylle para sabunutan ang asawa.

"Big na ikaw e. You should make your own pancakes," sagot naman nito while still pouring chocolate syrup sa pancake naman niya.

"Ang daya mo namang bata ka! Big narin naman si mommy ah?"

"Nitatamad ka nanaman," kunot noong sabi nito sabay abot ng syrup kay Vice na agad namang kinuha ng huli. "Balik mo yan don,"

"I told you to say 'po' and 'opo' sa nakakatanda sa 'yo diba?" pangaral ni Vice sa anak. "Gusto mong mapalo nanaman?"

"Balik mo yan don, po!" pagtatama ng bata na nagawa pang ituro ang spot kung saan dapat ilagay ang syrup bottle.

Sobrang ina-admire ni Karylle ang way ni Vice ng pangagaral sa anak. She never thought na ganito pala maging ama ang isang Vice Ganda. If you would look at him, four years ago, literal na hindi mo iisiping mag-aasawa siya at bubuo ng pamilya. Sa panahon ngayon ay kaya na niyang makipagsabayan sa isang tunay na lalaki in terms of parenting his kid.

"Apat na taon ka na susunod na linggo. Dapat magpapakabait ka na ha?" Vice said habang sinusuklay ang gulo-gulong buhok ng anak using his fingers. "Anong gusto mong gift?"

"Books!" mabilis na sagot nito as she gave her parents a wide grin. Nagtaka naman ang mag-asawa dahil hindi nila inakala na sa lahat ng bagay na pwedeng hilingin ng anak ay libro pa ang napili nito.

"Anong books?"

"Faiwytales!"

"Babasahin mo?" nakangiting tanong ni Vice. Klang is a kind of kid kasi na mas gugustuhing maglaro nalang kasama ng mga aso kesa sa mag-aral kaya't laking tuwa ni Vice nang marinig ang hiling ng anak.

"No po. I'll give it to Ashley and Jacob and Monmon and Parker!"

Muling nagkatinginan si Vice at Karylle. Hindi alam ni Vice kung sino ang mga batang tinutukoy ng anak kaya't napatingin na lamang siya sa asawa. Si Karylle naman ay walang mapaglagyan ng saya dahil sa murang edad ni Klang ay ninanais na nitong makatulong sa iba.

"Nisabi kasi ni Ashley sa 'kin, she wants books daw po pewo wala siyang money!" pagkukwento pa nito. Nakapangalumbaba lang naman ang ama dahil hindi talaga niya kilala ang tinutukoy ng anak.

"Those kids are from the childhaus, daddy. Dinala ko kasi doon si Klarisse nung busy ka sa work and hindi ko narin nabanggit sa 'yo," paliwanag ni K with the sincerest apologetic smile. Napatango naman si Vice sabay hawak sa kamay ng anak.

"So you want to give them books?" he asked. Mabilis naman na tumango si Klang. "Okay. We'll give them books,"

"Yay!" the kid automatically jumped payakap sa ama na ikinatuwa naman ng huli.

"Sa sobrang kasutilan mo, hindi ko inakala na mabait ka rin pala!" tumatawang sabi ni Vice habang pinanggigigilan ang anak.



Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon