BDOD #64

14.9K 522 192
                                    

Ilang araw pa ang lumipas, Vice made sure na nagiging hands on siya sa asawa at sa anak. Oo isang anak lang dahil literal na nawawalan na siya ng oras para sa panganay. Hindi naman ito nakalagpas sa paningin ni Karylle kaya't sinubukan niyang kausapin ang asawa ang tungkol dito but Vice just said na mas kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang bunsong anak.

Sa mga araw na lumipas ay kapansin-pansin din ang pag-iiba ng mood ni Klang. Tuwing umaga ay wala itong ganang umuupo sa harap ng hapag-kainan, kaharap ang Lola Rosario at ang pinsan niyang si Camille. Paminsan-minsan ay sinasaluhan narin sila ng mga bakla upang may makalaro ang bata. Vice decided na mag-leave muna sa Showtime para maalagaan ang mag-ina. Every morning, dinadalhan niya ng breakfast ang asawa sa kwarto nito kaya't doon sila sabay na nag-aagahan. Ang mga kaibigan naman niya ang busy sa kahahatid-sundo sa anak.

Alas nuebe na nang gabi ngunit hindi parin tulog si Ana Klarisse. Sinubukan siyang tabihan ng ina sa kwarto nito ngunit hindi parin siya dinalaw ng antok. Hanggang sa umiyak na lamang si Tutoy kaya't kinailangan na ni Karylle ang lumipat sa kabilang kwarto upang padedehin ang anak. Mag-isa na lamang si Klang sa sariling kwarto. Sinubukan niyang libangin ang sarili through flipping the pages of her fairytale books ngunit wala parin itong talab. Her Lola Rosario went in habang dala dala ang isang baso ng gatas.

"Hindi pa ba inaantok ang apo ko?" malambing na tanong ng matanda. "Nagtimpla si lola ng gatas oh,"

"Nitatae na po ako sa gatash lola eh," reklamo ni Klang habang hinahagod ang tiyan. "Nishashakit na 'yung tummy ni Kyang,"

"Apo, hindi kasi pinapapak ang gatas! Tinitimpla 'to," natatawang sagot ng matanda. She placed the glass of milk sa bedside table at binuhat ang apo upang iupo sa hita niya. "Inumin mo na 'to para makatulog ka agad,"

Unti-unti namang tinungga ni Klang ang baso at ininom ang gatas na laman nito. Banayad na hinahagod ng matanda ang buhok ng apo. Alam niyang nagseselos ito sa bunsong kapatid kaya ginagawa niya ang lahat ng makakaya upang malibang ang bata at malihis ang isip nito sa inggit na nararamdaman. Gusto man niyang kausapin si Vice tungkol dito, nagdesisyon na lamang siya na wag na lamang punain dahil sigurado naman siyang alam ng anak kung ano ang ginagawa niya.

"Lola, wove pa ba ako po ni Daddy Bays?" hindi na napigilang tanong ni Klang nang maubos ang gatas sa baso.

"Oo naman! Bakit mo natanong?"

"Hindi na niya ako po nikikiss tuwing mowning tapos di na niya ako po nihahatid tas nisusundo sa school," nakangusong sagot nito. "Di na niya win ako po nitutuwungan sa homeworks ko po,"

"Kailangan niya kasing alagaan si Tutoy. Diba baby pa 'yung kapatid mo? Hindi kasi siya pwedeng pabayaan ng Daddy mo. Iiyak 'yon," sagot na lamang ng matanda.

"Niiyak din naman po si Kyang ah?" awa ang biglang naramdaman ng matanda sa apo. She knows na sa murang edad nito ay kailangan parin niya ng fair na atensyon mula sa mga magulang.

"Ganito nalang," sabi nito habang ihinaharap si Klang sa kaniya. "Bukas when you wake up, puntahan mo ang Daddy mo tapos hilingin mo sa kaniya na ihatid ka niya. Ihahatid ka nun sa school,"

"Weally?" biglang sumigla ang mukha ng bata dahil sa narinig. Mabilis naman na tumango ang lola niya as an answer. Bahagyang napatalon ang bata sa kandungan ng matanda at yumakap dito ng sobrang higpit.

"Matulog ka na para maaga kang magising bukas," dagdag pa nito.

"Tabihan mo ako po lola," turan ng bata sabay hila sa lola niya pahiga sa kama. "Tabihan mo si Kyang po,"

"Opo, sige! Tatabi sa 'yo si lola."

Sabay na nahiga ang dalawa. Mabilis na iniyakap ni Klang ang mga braso sa katawan ng lola dahil mas komportable siya sa ganoong pwesto. Hindi naman niya kasi ito pwedeng tulugan sa dibdib gaya ng ginagawa niya sa ama. Marahan namang hinahaplos ng matanda ang buhok ng apo upang mas mapabilis itong makatulog.












Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon