BDOD #61

15.3K 452 56
                                    

Few months later :'>

"Daddy Bays, absent nalang ako." nakapout na sabi ni Klang habang sinusuklayan ni Vice ang buhok nito. Pinanlakihan naman niya ng mata ang anak na tila ba tinatakot ito.

"Ana Klarisse, first day of school mo tapos aabsent ka kaagad?"

"Hindi po ba pwede yun?" inosenteng tanong nito kaya napakamot nalang ng ulo ang ama. "Sige na, Daddy Bays! Nitatakot ako e."

"Ba't ka ba natatakot?"

"Baka, mashungit si Ma'am ko po."

"Hindi magsusungit yung teacher mo kapag mabait ka," pag-uuto nito. Lalo namang napa-pout si Klang dahil hindi niya napapayag ang ama na mag-absent siya sa first day of school. "Basta behave ka sa room mo ha?"

"O-kay," malamyang sagot nito.

"Daddy, okay na ba si Klarisse?" pumasok si Karylle sa loob ng kwarto at napangiti ng makita ang anak wearing her school uniform. "Awww. Ang ganda naman ng anak ko. Come here, picture kita dali."

Nagpose naman si Klang na may pilit na ngiti. Napapailing nalang si Vice dahil sa kaweirduhan ng anak. Nang matapos na ang picture taking ay pinasuot na ni Vice ang bag sa anak.

While they were on their way to Klang's school ay nakahawak lang si Vice sa kamay ni Karylle habang ang isa nitong kamay ay busy sa pagcontrol ng sasakyan. Klang was sitting sa backseat habang walang ganang nakatingin sa labas ng bintana.

"Look at her, ayaw na ayaw pumasok." natatawang sabi ni Vice habang sinusulyapan ang anak mula sa side mirror. "Pwede daw ba siyang umabsent? Haha!"

"Hayaan mo na. Naninibago lang yan." sabi naman ni Karylle na pilit inaalis ang pagkakahawak ni Vice sa kamay niya. "Daddy, kontrolin mo nalang yang manibela. Kanina mo pa hawak 'tong kamay ko."

"Bakit ba, ilang oras ko kayang hindi nahawakan 'tong kamay mo."

"Ikaw... mag-iisang taon na tayong kasal, kung makabanat ka parang kasasagot ko palang sa 'yo."

Kapwa naman silang natawa dahil sa sinabi ni Karylle.

When they arrived sa school, agad na binuhat ni Vice ang anak upang makapasok na. Isa ito sa mga pinakahihintay na pagkakataon ni Vice. Ang maihatid sa eskwelahan ang anak nila ni Karylle.

"Baba mo na 'ko, Daddy Bays." sabi ni Klang nang makaisip ng idea.

Ibinaba naman siya ni Vice ngunit hinawakan parin nito ang kamay ng anak dahil sa posibilidad na mawala ito dahil sa dami rin ng estudyante sa school. Inilibot ni Klang ang paningin hanggang sa mahagip nito ang grupo ng mga batang lalaki na kaedaran lang din naman niya. Nakatingin ito sa kaniya nang matalim kaya lalong natakot si Klang at napahigpit ang kapit sa kamay ng ama.

"Daddy Bays, poo poo ako." palusot nito ngunit hindi bumenta kay Vice.

"Kilala kita. Wag mo 'kong lokohin," natawa lang naman si Karylle nang makita ang paghaba ng nguso ng anak.

Nang maihatid sa classroom ay pinapasok na ng guro si Klang. Mangiyak-ngiyak namang umupo ang bata sa upuan nito habang nasa mga magulang parin ang tingin. It was a new nature for her at kahit sutil at makulit ay hindi pa niya kayang mahiwalay sa Daddy at Mommy niya.

"Make us proud ha? Behave ka lang. I love you." Vice mouthed as he gave her a flying kiss.

Bilang first day of school lang naman ay hinayaan na ng teacher na magstay muna ang parents sa labas ng classroom dahil may tendency na baka magwala ang mga bata once na mawala ang mga magulang sa paningin nila.

"Okay, babies. Goodmorning." bati ng guro nang magsimula na ang klase.

"Goodmorning po Ma'am." sabay sabay na bati ng mga bata maliban kay Klang na nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa mga nakadisplay.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon