Palagi na lang nakikipag away. Pati maliliit na bagay, pinagmumulan ng away. Suntukan, hampasan ng kahoy, bakal, batuta at kung anu-ano pang klase ng gamit na nakakasakit, nagamit na. Masaya ka ba kapag nakikipag away ka? Ano ba ang napapala kapag nakikipag sakitan?
Si Alexis Go ay isang 12th grade senior high school student. Pumapasok siya sa Alexavier University na pinapatakbo ng kanyang ama na si Mr. Alexavier Go. Siya ang Director ng paaralan at ang Principal naman ay ang kanyang kuya na si Mr. Alexander Go. 'Yan ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi sya mapatalsik sa paaralan kahit na lagi siyang nasasangkot sa gulo, dahil sa special treatment na natatanggap niya mula sa kanyang pamilya na malaki ang ginagampanan sa paaralan.
Tuwing naglalakad si Alexis sa hallway ng paaralan ay lagi siyang iniiwasan ng mga estudyante dahil takot sila sa kanya. Kilala siya bilang "Icerage Princess" na mga estudyante mismo ang nagbigay sa kanya ng titulo na 'yan. Hindi mo siya makikitang nakangiti, at lagi pa siyang may dalang mahabang kahoy. Mahirap siyang lapitan at palaging siyang handa sa gulo. Ngunit kahit na lagi siyang handa sa gulo ay lagi pa din naman siyang pumapasok. Wala pa siyang absent, pero madami na siyang late.
August 2020, sa unang araw ng second quarter, na-late si Alexis sa pangalawang klase sa umaga. Binuksan niya ng pabalang ang pinto at pumasok. Science ang subject at strikto ang guro.
"Good Morning, Ms. Go. May I know why you're late?" Mataray na tanong ng kanyang guro.
"Ahh. May humarang lang sakin sa labas kaya pinatulan ko muna." Sagot ni Alexis habang naglalakad siya papunta sa kanyang lamesa para umupo.
"Aba! At bakit gumawa ka na naman ng gulo? Kailan ka ba titigil? Hindi pwede sakin ang ganyang pag uugali!" Sigaw ng kanyang guro.
Tahimik ang buong klase.
Sinipa ng malakas ni Alexis ang lamesa ng katabi niya. Nagulat ang kanilang guro at ang lahat ng kaklase niya ngunit hindi naman gaanong nagulat ang may ari ng lamesa na sinipa niya. Kung titignan mo ay relaxed pa din siya.
"Tss..." Sabay tingin ng masama ni Alexis sa kanyang guro.
Walang ibang magawa ang kanyang guro kaya pinaupo niya na lamang ito.
"..Okay. Next time, just come to class on time..." Sagot ng kanyang guro sa medyong nanginginig na boses.
Karamihan sa guro ng paaralan ay hindi na kinakaya ang pag uugali ni Alexis kaya naman kadalasan ay pinapabayaan na lamang siya. Maliban sa ugali niyang masama at sa minsan na late siyang dumadating sa klase ay wala namang ibang problema ang mga guro niya sa kanya dahil ang mga grades niya naman ay pasado.
Pagkatapos umupo ni Alexis ay tinignan niya ng masama ang simula pa noong 7th Grade na seatmate niya na si Hailey. Hindi nila alam kung bakit, pero lagi silang pinagtatabi ng kanilang mga guro.
Si Szanon Hailey de la Vega, ang palaging nakakakuha ng top score sa lahat ng subjects. Buong high school life niya ay lagi siyang number one. Mabait, maaasahan, pero bihira mong makikitang magsalita. Kapag nadaanan mo siya ay ngingitian ka naman, pero tipid ang kanyang pag ngiti. Magsasalita lang kapag tinatawag siya ng guro for recitation, kapag may kausap na guro sa labas ng classroom at madalas mo siyang makikitang nagbabasa ng dictionary.
Sa pag sipa pa lang ni Alexis sa upuan ni Hailey ay halata na hindi niya siya gusto. Pero kamusta nga ba si Hailey kay Alexis? Ayaw niya din kaya kay Alexis?
BINABASA MO ANG
Unintentional Game
RomanceAlexis Go was a delinquent who lives as an aristocrat. Her father owns the school she's attending but that doesn't matter to her at all. All she want was to fight and smack people to their bones. Along those years, there's a guy named Szanon Hailey...
