Episode 6: Sasamahan na kita hanggang sa inyo

123 5 1
                                    

Sabay na naglakad papalabas sina Alexis at Hailey. Medyo malayo sila sa isa't isa. Walang nagsasalita, sobrang tahimik nila. Napapansin ni Hailey na hirap na hirap maglakad si Alexis dahil napapapikit pa siya, at sa mga sugat at pasa niya sa hita na nakuha niya sa mga gumulpi sa kanya. Halatang hilo pa siya dahil sa paglalakad niya na hindi tuwid.

Sa sobrang hilo ni Alexis ay hindi niya napansin na may bato sa harap at napatid siya. Ngunit bago siya matisod ay nasalo siya ni Hailey. Nahawakan niya si Alexis sa balikat.

"Muntik na 'yon. Okay ka lang?" Mabait na pagtatanong ni Hailey.

Agad na nakatingin ng masama si Alexis kay Hailey at tinulak niya ito.

"L-Lumayo ka nga sakin!" Nanghihinang sigaw at tulak ni Alexis sa kanya. Pero dahil siya ay nanghihina, hindi niya nagawang itulak si Hailey ng malakas. Hindi lumayo si Hailey at nakahawak pa din siya ng mahigpit sa balikat ni Alexis. Itinayo niya muna ng tuwid si Alexis bago niya ito binitawan.

Pagkatapos niyang makatayo ng tuwid ay nakatingin siya agad ng masama kay Hailey. Hindi man lang siya nagpasalamat.

Nakarating na sila sa sakayan ng mga bus at sinesenyasan ni Alexis si Hailey na umuwi na siya at kaya niya naman daw umuwi mag isa.

"Shoo, shoo. Umuwi ka na." Ngunit hindi pumayag si Hailey.

"Gusto ko na makasiguradong makakauwi ka ng ligtas. Kaya sasamahan na kita hanggang sa inyo."

Nagpakita na naman ng naiiritang mukha si Alexis.

"Tss. Nakakainis talaga..."

Makikita mo sa mukha ni Alexis iritang irita na talaga siya dahil nakukulitan na siya kay Hailey. Wala nang nagawa si Alexis dahil ayaw niya na makipag talo sa kanya.

"Taga saan ka ba?" Tanong ni Hailey.

"McLaine Executive Village."

Pumara ng bus si Hailey na dumadaan ng McLaine Executive Village. Pag hinto ng bus ay agad niyang ginabayan sa pag akyat si Alexis. Bantay niya ang kanyang likod para kung sakaling matumba siya uli ay masasalo siya uli ni Hailey. Nakakita ng bakanteng upuan si Hailey sa bandang dulong left side ng bus kaya doon sila pumwesto. Hanggang sa pag upo ay gabay na gabay niya si Alexis. Umandar na uli ang bus.

"Okay ka lang?" Tanong ni Hailey pagkatapos nilang maka upo ng maayos.

"T-Tumahimik.. ka nga..." Nanghihinang sagot naman ni Alexis.

Kumuha si Alexis ng pera pambayad sa bus at inabot ito kay Hailey.

"O eto.. feel na feel mo pagiging... bodyguard ko 'di ba? Sige, abot mo na yan doon at ibayad mo na tayong dalawa." Sa sakit ng ulo niya ay nagsasalita siya ng nakapikit.

"Hindi na. Itago mo na 'yan, at ako na ang magbabayad." Sagot naman pabalik ni Hailey kay Alexis.

Nagpumilit si Hailey kaya napilitan na lang si Alexis na itago ang pera niya.

"Nakakainis.. talaga..."

Napangiti lang si Hailey.

Sa sakit ng ulo ni Alexis ay 'di niya na namamalayan na bumabagsak na ang ulo niya. Maya maya lang ay nakaidlip na siya, at hindi niya namalayan na ang ulo niya ay nakapatong na pala sa balikat ni Hailey.

Nagulat at nahihiya si Hailey. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Iniisip niya kung gigisingin niya pa ba si Alexis o hindi na dahil mukhang mahimbing na agad ang tulog niya. Pinagpatuloy na lang ni Hailey ang pagtingin sa bintana.

20 minutes na ang nakalilipas, 7:45pm na at kaunti na lang ang mga nakasakay sa bus. Natanaw na din sa wakas ni Hailey ang McLaine Executive Village. Agad niyang ginising si Alexis.

"Go, gising na. Go! Andito na tayo..." Bulong ni Hailey. Niyugyog niya ng kaunti si Alexis para magising na siya.

Pagdilat ng mga mata ni Alexis ay napansin niya na nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Hailey. Sa sobrang gulat niya ay napatayo siya ng mabilis at nalaglag siya sa upuan.

"What the-??!" Sa gulat ni Alexis ay napasigaw siya.

Nagulat si Hailey at ang mga tao sa loob ng bus. Pinagtitinginan sila, kaya naman agad na inabot ni Hailey ang kanyang kamay para tulungan na tumayo si Alexis.

"Kaya ko na tumayo mag isa!" Hinampas niya ang kamay ni Hailey.

Ngunit bago makatayo si Alexis ay sumakit ang mga sugat at pasa niya sa hita kaya napapatumba siya.

Hinawakan ni Hailey si Alexis sa balikat ng mahigpit at hinila.

"Tara na." Sabay hila ni Hailey kay Alexis papalabas ng bus. Nagpakita na naman ng naiiritang mukha si Alexis.

Pagbaba nila ng bus ay agad na nagtanong si Hailey.

"Hindi mo ba pwedeng i-contact ang mga kasama mo sa bahay para sunduin ka na dito sa kanto ng McLaine?"

"Hoy... Malaki nga ang bahay namin, pero isa lang kasambahay namin at 'di siya pwede lumabas para sunduin ako..." Nanghihinang sagot pa din ni Alexis.

"Narinig ko na mayaman kayo. Bakit wala kang hatid sundo?" Tanong uli ni Hailey.

"Ayaw 'kong nagpapahatid at sundo. Bakit ba tanong ka pa ng tanong?!" Nakasigaw na naman si Alexis.

"Ah.. okay. Hindi mo kailangan sumigaw. Lalong sasakit ulo mo niyan" May halong pabiro na sinabi ni Hailey.

Binalewala niya ang mga sinabi ni Hailey na 'yan. Sinubukan uli na pauwiin ni Alexis si Hailey.

"Sige na, sige na... Malapit lang ang bahay mula dito... Kaya ko na 'to, umuwi ka na." Nanghihinang pagsasalita pa din ni Alexis.

"Ihahatid na kita, andito na din naman ako." Pilit ni Hailey. Hindi niya talaga siya maiwan dahil kitang kita niya na mahina ang katawan niya.

"Ganito, turo mo na lang saan papunta ng bahay niyo para masamahan na kita."

Napabuntong-hininga na lang si Alexis, kitang kita sa mukha niya na iritang irita na siya sa pagpupumilit ni Hailey.

"Naman.. naman... bakit ba kasi kailangan ko pa.. sundin 'yong sinabi ni Ms. De Berry... Naiirita na tuloy ako ngayon..." Reklamo ni Alexis. Pero dahil wala na siyang ibang magagawa, nagsimula na lang siya maglakad habang nagbibigay ng direksyon kay Hailey. Malapit na naglalakad si Hailey sa tabi ni Alexis para kung sakali na 'di niya uli makita ang dinadaanan niya ay nandyan siya para saluhin siya.

Makalipas ang limang minutong paglalakad ay nakarating na din sila sa wakas sa tapat ng bahay ni Alexis.

"Gaya ng inaasahan ko... Malaki nga ang bahay ninyo, at ang ganda pa." Puri ni Hailey.

"14 million ginastos nila dyan." Sa tono ni Alexis ay hindi mo mawari kung nagyayabang ba siya o hindi.

"Sige na. Umuwi ka na."

"Magpahinga ka ng maigi." Ang mga huling salita ni Hailey para kay Alexis.

Hindi na sumagot si Alexis sa huling sinabi ni Hailey. Pagbukas niya ng gate ay sinipa niya ito ng malakas para maisara.

Napangiti na lamang si Hailey at napasabi ng, "Kakaiba talaga..."

Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon