Sa tagal nilang magkaibigan ay hindi man lang napansin ni Hailey na may gusto pala si Lanz kay Kate. Iniisip tuloy ni Hailey kung hindi ba siya katiwa-tiwala para sabihan ni Lanz tungkol sa kanyang nararamdaman, o sadyang alam ni Lanz na hindi sanay si Hailey sa usapang pag-ibig kaya hindi siya nagkekwento?
"Siya ang dahilan kung bakit determinado akong mag aral, Szanon... Simula 7th grade, sinisikap ko talaga na laging makapasok ng section 1 dahil gusto ko siya laging nakikita..." seryosong-seryoso ang tono ni Lanz at ito ang unang beses na makita siya ni Hailey na ganito. Wala naman siyang masabi pabalik.
"Hindi ko kinekwento sa'yo kasi alam ko na wala ka namang interes sa pag-ibig. Ikaw kasi si boy aral." Pinagpawisan na natatawa naman si Hailey sa sinabing ito ni Lanz. "Basta, bago matapos 'tong taon na 'to, aaminin ko sa kanya 'tong nararamdaman ko, para wala akong pagsisisihan kung hindi man kami dito mag college sa Alexavier U. Bahala na kung rejected haha..."
Nanatiling tahimik si Hailey. Hindi na siya nakakagat sa tinapay niya.
"Ngayon lang kita nakitang ganito Lanz. Nakakatuwa ka pala pag seryoso ka." Sinabi naman ni Hailey sa kanya.
"Haha sira ka Szanon! Ikaw nga eh, lagi mo na lang hinahanap si Alexis! Para ka na laging buntot niya! May gusto ka na sa kanya no?!" hirit sabay siko naman ni Lanz sa braso ni Hailey ng pabiro.
"Gusto ko lang siya maging kaibigan, Lanz." pilit naman ni Hailey, na may kalmadong boses pa din.
"Kaibigan o ka-ibigan? Hindi din naman ikaw 'yung tipong friendly pero gusto mo maging kaibigan 'yung pinaka nakakatakot na estudyante dito sa University? Ewan ko sa'yo Szanon," tawa naman ng tawa si Lanz sa biro niya. "Tara na nga iniintay na tayo ni Kate!" pag-anyaya niya sa kaibigan.
"Haha sige."
Habang naglalakad pabalik kay Kate na busy mag review sa English, nag-iisip ang dalawa kung paano matatawagan si Alexis.
"Sa tingin mo, may number ni Mr. Caderna o si Ms. Deberry ni Alexis?" tanong ni Hailey kay Lanz.
"Puntahan natin sila para malaman natin,"agad namang tumawag si Lanz sa phone ni Kate. Napansin ni Kate na nag v-vibrate ang phone niya sa bulsa. Nang tignan ang kanyang cellphone ay tumatawag pala si Lanz.
"Ohh? Bakit?" tanong ni Kate pagkatapos sagutin ang tawag.
"Pupunta muna kami ng discipline office saka ng clinic. Baka may contact number sila ni Alexis," tugon naman ni Lanz.
"Sige lang. Dito lang ako kung saan ninyo ako iniwan."
"Sige," at binaba na ni Lanz ang kanyang phone.
Tumakbo na ang dalawa dahil malapit na mag 9:30 A.M para sa laban nila sa Math at Science. Unang pinuntahan ng dalawa ang clinic.
"Ms. De Berry!!!" sugod naman ni Lanz sa clinic at si Hailey ay nasa likod niya na hinihingal pa.
"Yes? Palagi na lang kayo napapadaan dito ah..." tugon naman ni Ms. De Berry.
"May number po kayo ni Alexis???" natataranta at nagmamadaling tinanong ni Lanz.
"Si Alexis Go? Meron, dahil may record niya ako."
"Ma'am pwede ba mahingi???"
"Hindi pwede." Tanggi ni Ms. De Berry.
"Ma'am please!!! Kailangan namin siya sa quiz bee ngayon!!!" nakasigaw nang nakikiusap si Lanz.
"Kailangan lang talaga namin siya makausap Ma'am. Pag hindi siya nagpakita, disqualified na po kami..." singit naman ni Hailey.
"Kahit pa ikaw ang makiusap Szanon, hindi ko pwede ibigay dahil una sa lahat, walang pahintulot niya. Privacy niya 'yon. Alam kong alam niyo 'yan." Napatungo at nanahimik lang ang dalawa at kitang-kita mo na bigo sila dahil hindi nila nakuha ang number ni Alexis.
"Pero pwede ko naman siya tawagan." Habol ni Ms. De Berry. Bigla naman napatingin ang dalawa kay Ms. De Berry na gulat at nakangiti.
"Talaga Ma'am?!" sabay na reaksyon ng dalawa.
"Yes."
"Sige po Ma'am tawagan na natin ngayon na!"
"Oh, relax lang kayo." Natawa naman si Ms. De Berry sa dalawa na kabadong-kabado. Agad naman siyang nag dial ng number ni Alexis gamit ang sarili niyang phone.
Nagri-ring na ang phone ni Alexis. Wala pa ding sumasagot. Kitang-kita na tensyonado na ang dalawa. Kaunting oras na lang ang natitira, at kailangan na makarating ni Alexis sa university.
Sa pangalawang attempt ni Ms. De Berry na tawagan si Alexis, matagal pa din nag ring pero sa wakas ay sumagot na si Alexis.
"Alexis?"
"Bakit Ma'am?" tugon ni Alexis.
"Nasaan ka? Ngayon na yung quiz bee. Magpakita ka dito kung hindi, disqualified na section ninyo," seryosong tono na sinabi ni Ms. De Berry.
"Uhhh... ngayon na ba 'yon?" mukhang napakamot ang prinsesa.
"Oo. Nasaan ka ba?"
"Nasa bahay."
"Ha?!" Nagulat si Ms. De Berry at napasigaw. Nagulat din ang dalawang binata sa naging reaksyon niya."
"Pumunta ka na ngayon dito, bilisan mo!!!" sa galit ni Ms. De Berry ay ibinaba niya na ang telepono niya.
"Nasaan daw siya Ma'am??" tensyonadong tanong ni Lanz. Si Hailey naman, kinakabahan..
"Nasa bahay pa daw. Sa tono ng boses niya, parang kagigising niya lang," naiinis naman si Ms. De Berry.
"Po?!?" gulat na gulat na reaksyon ng dalawa. Lalo silang hindi mapakali.
"Nakakainis talaga 'yan si Alexis. Pagpasenysahan niyo na."
"Malapit na tayong tawagin... aabot kaya siya?" 'yan ang tanging iniisip ni Hailey sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Unintentional Game
RomanceAlexis Go was a delinquent who lives as an aristocrat. Her father owns the school she's attending but that doesn't matter to her at all. All she want was to fight and smack people to their bones. Along those years, there's a guy named Szanon Hailey...