Episode 3: Masama ba talaga na tignan kita?

170 5 8
                                        

August 2020, Biyernes ng umaga, habang nag iikot si Hailey sa buong building nila ay nakita niya si Alexis na nakaupo sa likod. Katabi niya ang kahoy na laging niyang dala. Napansin niya na may sugat si Alexis sa braso. Mukhang nakipag away na naman siya. Naglakas loob siya na lapitan si Alexis.

"Ayos ka lang ba?" Kalmado na tinanong ni Hailey.

Tumingin na naman ng masama si Alexis sa kanya at sinabi, "Wala ka nang pake kung ayos lang ako o hindi."

Ang lamig niya talaga kahit kalian. Napatahimik lang si Hailey ng ilang segundo. Kinapa ni Hailey ang mga bulsa ng bag niya na para bang may hinahanap siya.

"Eto. Band aid, sa 'yo na lang." Abot ni Hailey.

"Hindi ko kailangan ng band aid mo. Umalis ka nga!" Pasigaw na sinabi ni Alexis. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, dinampot ang kanyang kahoy at binangga niya na naman ng malakas si Hailey.

"Ugh!"

"Tigilan mo na nga ang kakatingin sakin. Naiirita na ko. 'Pag di mo ko tinantanan masasaktan ka talaga sakin." Pagalit na sinabi ni Alexis habang siya ay naglalakad na paakyat.

Wala ng sinabi si Hailey at nag decide na lang siya na umakyat ng classroom nila.

Pag akyat niya ay wala pa din si Alexis sa room. Malapit ng magsimula ang homeroom. Umupo na agad si Hailey sa kanyang upuan.

"Yo Szanon!" Bati ng kanyang kaklase na si Lanz Basa.

At binati niya naman ito pabalik.

"Good Morning, Lanz..."

Maya maya lang ay dumating na ang kanilang adviser na si Ms. Chris Tampelix. Siya ay twenty-four years old na, single, maganda, laging nakatali ang buhok at naka salamin.

"Good morning class." Bati niya sa buong klase.

Tumayo ang mga estudyante at kanilang binati pabalik, "Good morning, Ms. Tampelix."

"Let me check your attendance first. Who's not around?" Tanong ni Ms. Tampelix sa buong klase.

Nagtaas ng kamay si Hailey.

"Yes, Mr President?"

"Ma'am, Ms. Go is the only one not around." Sagot ni Hailey.

Nagsimula nang magbulungan ang buong klase.

"Late na naman siya."

"Baka nga absent pa eh."

"Hahaha sana 'wag na siya pumasok!"

Naingayan si Ms Tampelix.

"QUIET!" Sigaw niya, at tumahimik naman ang buong klase.

"Thank you Mr. President. You may now take your s-" hindi natapos ni Ms. Tampelix ang kanyang gustong sabihin ng marinig niya ang kumakalampag na pintuan ng room nila at ang ingay sa labas nito.

"Who's there??!" Pasigaw na tanong ni Ms. Tampelix. Sa unti-unti niyang paglapit sa pintuan ay biglang bumukas ito at nawasak! May humagis kay Alexis mula sa pintuan at wasak na wasak ito sa lakas ng impact!

Nagulat ang lahat ng mga estudyante. May mga matatangkad na lalaking estudyante na taga ibang school na nakapasok sa campus at gumagawa ng gulo sa school nila. Si Alexis ang habol nila.

"Marunong ka kasing mamili ng kakalabanin mo." Sabi ng lalaki na naghagis kay Alexis sa pintuan. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yan ay umalis na sila.

Biglang paparating ang mga guwardya at ang prefect of discipline na si Mr. Caderna. Dali daling tumakbo ang mga estudyanteng ito papabalabas ng campus para di sila mahabol.

"Siguraduhin ninyong malalaman ninyo taga saang school yung mga lalaking yun para ma report natin!" Utos ni Mr. Caderna.

"Yes, Sir!" Tugon ng mga guwardya.

Kinamusta ni Mr. Caderna ang klase ni Ms. Tampelix.

"Ayos lang ba dito Ma'am? Wala bang nasaktan? Narinig namin yung lakas ng kalampag ng pin-"

"Sir! Walang malay at sugatan si Ms. Go! Kailangan siya madala sa clinic!" Sigaw ng natatarantang si Ms. Tampelix.

"Hay nako. Gulo na naman pala ni Alexis 'to!!!" Inis na sinigaw ni Mr. Caderna. "Umagang umaga gumagawa ng gulo 'tong si Alexis!" Umalis na si Mr. Caderna pabalik ng office niya para i-record ang gulo na ito.

"Anong nangyayari?! Tanong ng natatarantang si Lanz. "Hinimatay yata siya! Hindi siya bumabangon. Hoy! Szanon!!!"

Dali dali na lumapit si Hailey sa harapan para tignan ang kalagayan ni Alexis.

"Ma'am, Sir... Ako na po ang magdadala kay Alexis sa clinic." Kalmadong nagpaalam si Hailey.

"..Sige. Thank you, Mr. President. Ikaw na ang bahala sa kanya." Sagot ni Ms. Tampelix.

"Opo, Ma'am." At binuhat ni Hailey si Alexis ng "princess carry". Nagtilian at hiyawan ang mga kaklase niya.

"Ayieee! Bagay sila ha, in fairness!"

"Ayan, princess na talaga si Alexis ngayon! Ayieeee!"

Nairita na naman si Ms. Tampelix sa ingay kaya pinatahimik niya ulit sila.

"QUIET! Let's now start our homeroom! Dahil hinatid ni Mr. President si Alexis sa clinic, si vice president muna ang mamumuno ngayon."

At tumayo naman ang vice president na si Kate Villanueva.

"Ngayon, paplanuhin na natin ang gagawin ng klase natin para sa Academic Week. Ikaw na ang bahala Ms. Villanueva."

"Yes, Ma'am." Sagot ni Kate.

Sa kabilang banda naman ay nahatid na ni Hailey si Alexis. Wala pa din siyang malay. Wala ang nurse sa clinic at mukhang may pinuntahan ito. Inihiga muna ni Hailey si Alexis sa kama at kumuha siya ng first aid kit para gamutin ang mga sugat niya lalo na't may mga dumudugo at sariwa pa.

"Mawalang galang na..." Nahihiya si Hailey na tignan ang katawan ni Alexis. Pero kailangan niya itong gawin para magamot niya si Alexis.

Naglagay siya ng betadine sa mga bulak at pinunasan niya ang mga dumudugong sugat ni Alexis. Sa pag tingin niya ng mabuti sa mukha ni Alexis ay napansin niya na meron siyang sugat sa noo. Dahan dahan niyang pinunasan ng bulak na may betadine ang noo ni Alexis at kanyang tinanong sa sarili, "Masama ba talaga na tignan kita?"


Unintentional GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon