Alam ng lahat na ayaw ni Alexis ng hinahawakan siya, kinakausap siya at pati na din ang pag disagree sa kanya dahil sa ugali niyang pala away. Ngunit sa pagkakataon na 'to, hindi man lang nag react si Alexis ng hawakan siya ni Hailey. Possible nga kaya talaga na may nakaabot na sa pusong bato ni Alexis?
"Ah! S-Sorry! Hinawakan na naman kita..." binitawan niya na si Alexis sa braso at humingi siya ng tawad dahil sa padalos dalos niyang kilos.
"Ano ba kasi 'yang gusto mong pag usapan?!" iritadong tanong niya. Nakatalikod siya kay Hailey.
"'Yung sa nangyari last week... Hindi ko alam kung bakit ka biglang umalis nang pigilan kita sa rooftop na makipag-away sa mga lalaking 'yun pero humihingi ako ng tawad. Kung kasalanan ko man, I'm sorry..." lubos na paghingi ng tawad ni Hailey, ngunit tahimik pa din ang prinsesa.
"Gusto ko lang sana maging malinaw, kung bakit nga ba bigla kang tumakbo pababa ng pigilan kita-"
"Eh ikaw?! Bakit ba sunod ka ng sunod sakin?!" iritadong pagtatanong niya uli.
Tumahimik ng sandali si Hailey bago siya nagsalita.
"Let's be friends."
Sa gulat ni Alexis ay napaharap siya kay Hailey.
"Ha?!? Hindi ko kailangan ng kaibigan!" pasigaw niyang sagot.
"Hindi. Kailangan mo ng kaibigan," pagpupumilit ni Hailey.
"Tumahimik ka nga!" at sinuntok niya si Hailey sa tiyan uli.
"Ugh!" napahawak si Hailey sa tiyan niya dahil sa sakit. Ito na ang pangalawang beses na sinuntok siya ni Alexis sa tiyan.
"'Wag ka nang susunod sakin!" sigaw niya, sabay walk-out. Hindi na nagsalita si Hailey at hinayaan niya na lang na umalis si Alexis.
Tanghali na at lunch break na nila. Nagtipon na sina Lanz, Kate, Hailey at Ms. Tampelix sa isa sa mga food booth sa ground floor. Sa mga food booth na ito ay mga estudyante din ang nagluluto.
"Tara Ma'am dito tayo kumain! Masasarap 'yung nasa menu nila!" anyaya ni Lanz, habang hawak hawak ang menu ng kakainan nila. Pumayag naman si Ms. Tampelix.
Agad naman silang nakahanap ng pwesto na uupuan. Magkatabi si Ms. Tampelix at Kate, at magkatabi naman si Lanz at Hailey.
"Nasaan si Alexis?" habang pumipili ng io-order ay biglang nagtanong si Ms. Tampelix.
"Mukhang ayaw niya pa din po na makihalubilo sa tao, Ma'am," malungkot na tugon ni Hailey sa kanya.
"Alam niyo ba Ma'am kung bakit siya nagkakaganito?" curious na tanong ni Lanz.
"Well, kaming mga teachers and staffs na humahawak sa buong high school department, malaking problema talaga para sa amin si Alexis dahil mahilig siyang mag cutting, makipag away at kung anu-ano pa," nakikinig lamang ng maigi ang tatlo.
"Problem student talaga si Alexis. Pero tuwing meeting with the Principal, lagi niya nababanggit na pagpasensyahan na si Alexis. Dati ay hindi naman daw siya ganyan. Mabait daw siya at masiyahin. Pero noong kalagitnaan ng taon niya as a 6th grade student, bigla siyang nagkulong sa kwarto ng ilang buwan at hindi pumasok. Para siyang galit na sa buong mundo ng dahil sa isang insidente."
"Kaya pala parang may alam si Mr. Caderna at Ms. De Berry sa kalagayan ni Alexis. Binabanggit pala 'yan tuwing meeting ninyo..." napaisip naman si Hailey.
BINABASA MO ANG
Unintentional Game
Storie d'amoreAlexis Go was a delinquent who lives as an aristocrat. Her father owns the school she's attending but that doesn't matter to her at all. All she want was to fight and smack people to their bones. Along those years, there's a guy named Szanon Hailey...
