Episode 10: Hindi ko 'yon kasalanan

85 3 0
                                    

Humupa na ang tao sa canteen. Nakapaglinis na din ang mga tao sa canteen lalo na sa pwesto kung saan nagkagulo ang mga estudyante. Naiwan si Alexis doon at wala siyang balak bumalik ng classroom. Nagpasya siya na umakyat sa fifth floor ng building nila.

Marami ang nag aalala kay Hailey at gusto pa nila sumunod sa clinic para lang matignan ang lagay niya pero hindi nila magagawa 'yon dahil bawal ang madaming tao sa loob ng clinic. Nagmamadali si Mr. Caderna at Lanz na madala si Hailey sa clinic.

Hirap man silang buhatin si Hailey ngunit nakarating din sila. Si Mr. Caderna ang bumukas ng pintuan.

"Ma'am. Ikaw na bahala dito kay de la Vega." Pakiusap ni Mr. Caderna. "Sige na. Maiwan na kita, Mr. Basa. Mag uusap pa kami ni Alexis." Pagkatapos niya sabihin ang mga salitang 'yan ay umalis na siya agad.

"Nako po..." Nagulat si Ms. De Berry nang makita niya ang mga pasa ni Hailey sa mukha.

"Ma'am! Kaya na po bahala kay Szanon ah? Babalik na po ako sa klase!" Pakiusap ni Lanz. Makikita mo sa kanyang mukha na sobra siyang nag aalala para sa kanyang kaibigan.

"Sige, Mr. Basa." Tugon naman ni Ms. De Berry. Pag alis ni Lanz ay inasikaso na agad ni Ms. De Berry si Hailey.

Sa kabilang banda naman ay umakyat na si Mr. Caderna sa fifth floor ng building ng senior high school department. Nagbabakasakali siya na nandoon si Alexis para magkausap silang dalawa.

Sa paglalakad ni Mr. Caderna sa hallway ng fifth floor ay nakita niya nga si Alexis na nakaupo at nakasandal sa tapat ng isang bakanteng room na dati ay room ng isang organization.

Nilapitan niya si Alexis. Napatingala naman si Alexis, nakatingin pababa si Mr. Caderna at nagkatinginan sila.

"Ano na, Alexis? Lagi ka na lang gumagawa ng gulo, at ngayon dinamay mo pa si Szanon de la Vega." Pagsisimula ng sermon ni Mr. Caderna kay Alexis.

Napatungo lang si Alexis at wala siyang sinabi.

"Ayan ka na naman. Hindi nagsasalita."

"Hindi ko 'yon kasalanan. Nangialam kasi siya kaya ayan tuloy." Nakatingin sa sahig si Alexis ng sinabi niya ang mga salitang 'yan.

"You know Alexis... Sometimes, you just have to be honest with yourself. Stop pretending you don't care if you actually do."

Tahimik na naman si Alexis. Makikita mo sa mukha niya na sawang sawa na siya sa mga sinasabi sa kanya ng mga nakakatanda.

"Sige na. Tumayo ka na dyan. Ibabalik na kita sa classroom ninyo."

Labag pa sa loob ni Alexis ang pagbalik sa classroom pero tumayo din siya.

"Ako na lang babalik mag isa. 'Di mo na kailangan sumama." Sagot ni Alexis. Pero hindi pumayag si Mr. Caderna.

"'Sus. Akala mo naman tatakas ako."

"Hindi. Sasamahan pa din kita para sigurado. Mamaya kung saan ka na naman pumunta at magsimula ng gulo."

Wala nang nagawa si Alexis kaya bumalik na siya sa classroom kasama si Mr. Caderna.

Pagbalik nila ay nagsisimula na ang klase. Si Mr. Caderna ang kumatok at nagbukas ng pintuan ng classroom nila.

"Pasensya na Sir kung late si Alexis. Kinausap ko lang saglit." Sabi ni Mr. Caderna sa subject teacher nila.

"Okay lang, Sir. Sige na Alexis. Umupo ka na." Tugon naman ng subject teacher nila.

Umupo na din si Alexis sa upuan niya. Lahat ng kaklase niya ay nakatingin sa kanya. Makikita sa mukha ni Alexis ang inis dahil pinagtitinginan siya. Pagkaupo niya sa upuan niya ay saka lang umalis si Mr. Caderna.

Makikita sa mukha ni Lanz ang pag aalala dahil hindi siya maka focus sa klase. Isang beses ay tinawag siya ng kanyang guro para sa recitation pero nagkamali siya sa kanyang sagot. Si Alexis naman ay halatang hindi nakikinig sa teacher nila. Natapos na ang dalawang klase na pareho silang wala na sa kondisyon makinig sa kanilang mga guro.

Dumating na ang lunch time at nag decide si Lanz na bisitahin si Hailey sa clinic. Nagmamadali siya na tumakbo para kamustahin siya.

Nang dumating si Lanz sa clinic ay nakita niya si Hailey na nakaupo. Nagkamalay na siya. Meron siyang mga pain killers na nakadikit sa kanyang mukha para matakpan ang mga pasa niya at para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Makikita mo din ang labi niya na may sugat mula sa pangalawang beses na pag suntok sa kanya.

"Szanon! O ano?! Kamusta ka na?" Nag aalalang si Lanz.

"Masakit pa din, pero medyo maganda na pakiramdam ko." Sagot naman ni Hailey.

"Buti naman kung ganon..."

"Salamat sa pag aalala, Lanz." At pagkatapos sabihin ni Hailey 'yan ay nag bro fist sila.

Sumingit naman si Ms. De Berry sa usapan nila.

"Eto o, kunin mo na 'tong gamot para kung sakali na sumakit 'yan, may maiinom ka." Kinuha naman ni Hailey ang gamot.

"Salamat po, Ma'am."

"O ano? Kaya mo na ba bumalik sa klase?" Tanong ni Ms. De Berry.

"Kaya ko na po." Tugon ni Hailey.

"Okay. Make sure to eat first before you drink that medicine." Huling paalala ni Ms. De Berry.

"Yes, Ma'am. Thank you po."

Umalis na si Lanz at Hailey sa clinic at pumunta sila sa canteen para kumain ng lunch nila. Payapa naman ang canteen sa mga oras na ito. Walang gulo na nagaganap at hindi din nila nakita si Alexis.

"Etong canteen natin malas yata 'to eh. Lagi na lang may nagaganap na gulo." Sabi ni Lanz kay Hailey. "Sana lang kasi 'wag na gumawa ng gulo 'yong mga lalaking 'yon eh 'di ba?!"

Natawa lang si Hailey.

"Hindi lang naman sa canteen may nagaganap na gulo, Lanz. Sa iba't-ibang lugar pa dito sa buong University madaming lugar para makipag away."

Nagulat na natatawa si Lanz sa mga sinabi ni Hailey. Napaisip siya na para bang nakapanood na si Hailey ng mga gulo at away sa iba't-ibang parte ng kanilang University.

"Bumili na lang tayo dito, tapos sa fifth floor na lang tayo kumain." Yaya ni Hailey kay Lanz.

"Hmm... Sige."



Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon