Episode 12: Maghanap ka ng kausap mo

71 4 0
                                    

Nahihirapan pa maglakad si Hailey dahil sa suntok ni Alexis sa kanya sa tiyan. Sa inis ni Alexis ay bumaba na siya sa ground floor ng building nila para harapin ang parusa niya. Dahan-dahan naman na naglakad si Hailey pababa ng clinic para humingi ng pain killer para sa tiyan niya at papunta naman si Alexis sa stock room para kumuha ng walis at dust pan.

"Bwiset, bwiset, bwiset, bwiset!!!" Inis na binabanggit ni Alexis habang naglalakad siya papuntang stock room. Medyo namumula pa din ang mukha niya. Marahil ay dahil ito sa sinabi ni Hailey sa kanya kanina.

Maya-maya lang ay nakarating na rin siya sa stock room. Nagsimula na siyang mag halungkat ng mga gamit.

"Nasaan na ba 'yang walis na 'yan??" Hinahanap ng naiiritang si Alexis.

Pero hindi niya nahanap ang walis at dust pan. Napaisip naman siya bigla na baka ginagamit ito ng school janitor sa mga oras na ito at baka naman nakuha na din ito ng mga lalaki na naparusahan din.

"Anak ng... hahanapin ko pa yata ang janitor..."

Sa pag-akyat niya ng second floor sa restroom ng girls ay may nakita siyang janitress na gumagamit ng walis at dust pan. Agad niya itong nilapitan at inabala.

"Hoy, ateng janitress. Pahiram nga niyang walis at dust pan." Inabot niya ang kanyang kamay.

"Kayo po pala, Ma'am Alexis..." Tugon ng janitress.

"Oo ako nga... kaya akin na 'yang walis! Dali!!!" Nakasigaw na si Alexis.

"Para saan po ba? Ituro ninyo po sa akin at ako po ang maglilinis..."

Makikita mo sa mukha ni Alexis na nauubos na ang pasensya niya .

"Hindi pwede! Kailangan ako ang maglilinis!"

"Hindi na po.. ako na po ang maglilinis..." Pagpupumilit ng janitress.

"Argh!!! Naiinis na 'ko ate ibigay mo na sakin 'yan!!!" At inagaw na ni Alexis sa janitress ang walis at dust pan. Tulala lang ang janitress.

"Go!" May tumawag kay Alexis mula sa likod. Sa pag-lingon niya ay si Hailey ang nakita niya na may dalang dalawang walis at dust pan.

"Ikaw na naman..." Tumingin ng matalim na tingin si Alexis kay Hailey.

"Kuhain mo na 'tong walis at dust pan. Sasamahan na kitang maglinis."

Binitawan ni Alexis ang inagaw niyang walis at dust pan at ibinalik ito sa janitress.

"O ate, eto na. Pasensya ka na inagaw ko pa."

Nagulat si Hailey dahil ito ang unang beses na narinig niya si Alexis na humingi ng tawad. Makikita sa mukha ni Hailey ang maliit na ngiti dahil sa narinig at nakita niya.

"Walang anuman po, Ma'am Alexis..." At bumalik na ang janitress sa kanyang paglilinis sa loob ng girl's restroom.

"Akin na 'yan!" At inagaw ni Alexis ang walis at dust pan na hawak Hailey.

"Sasamahan na kita maglinis." Pilit ni Hailey nang nakangiti.

Nagsimula na maglakad si Alexis papunta sa pwesto kung saan siya dapat mag linis. Nakabuntot naman si Hailey sa kanya.

"Siraulo ka ba? Cutting classes 'yun hoy. Bumalik ka na sa classroom. Gusto mo yata malagot kay Sir Caderna?" Sagot ni Alexis.

Ikinagulat na naman ito ni Hailey dahil napansin niya na minsan ay concerned din pala si Alexis sa mga tao sa paligid niya. Patuloy lang silang naglalakad pababa ng ground floor.

"Nagpaalam na ako kay Sir at pumayag siya. Please? Hayaan mo na akong tulungan ka." Sagot pabalik ni Hailey.

Makikita mo na naman sa mukha ni Alexis ang pagkairita sa pagpupumilit ni Hailey na tulungan siya maglinis.

"Ewan ko sayo, bahala ka! 'Wag kang didikit sakin!" Huminto sa paglalakad si Alexis at itinutok niya sa mukha ni Hailey ang dulo ng walis na hawak niya. Ikinagulat niya ito.

"...ahhh... sige." Kabadong tugon ni Hailey.

Naglakad na muli silang dalawa hanggang sa makarating sila sa right wing ng High School building. Nagsimula nang kumilos si Hailey.

"Nakakatamad...." Umupo si Alexis sa tabi at nagpahinga. "Haha gusto mo maglinis 'di ba? O ayan ikaw maglinis sa lahat hahaha!"

"Hmm. Pwede din. Basta pag nalaman ni Sir Caderna na 'di ka naglinis, 'wag mo ako sisisihan..." Panakot ni Hailey.

"Ha? Ako pa tinakot mo?! Hindi ako takot sa taong 'yun!" Sagot naman ni Alexis.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Iniintay lang naman ni Alexis mapunta sa tamang mood para maglinis. Nagbabalak namana talaga siya maglinis dahil wala naman siyang magagawa kundi ang sundin ang utos ni Mr. Caderna.

Tumayo na din siya dahil naisip niya na tanggapin na lang ang parusa niya para matapos na ang lahat.

"Ahhhhh bwiset. Masimulan na nga!" at sinimulan na ni Alexis ang paglilinis.

Nakangiti naman si Hailey nang makita niyang kumikilos na din siya sa wakas. Para mabawasan ang sobrang tahimik na atmosphere sa pagitang nilang dalawa, nagsalita na si Hailey.

"Nga pala, 'yung tungkol sa Quiz bee, kailangan talaga nandoon ka kasi naipasa na 'yung mga pangalan natin sa student council. Hindi na tayo makaka atras." Patuloy si Hailey sa pagwawalis at si Alexis naman ay nanatiling tahimik pagkatapos niyang magsalita. Nagsalita uli si Hailey.

"Maganda siguro kung mag review tayong apat nila Lanz at Kate-"

"Kaya kong mag review mag isa!" Pasigaw na sumagot si Alexis.

"Uhmm... ibig sabihin, sasali ka na sa Quiz bee?" Tanong ni Hailey.

"May magagawa pa ba ko? No choice." Tugon naman ni Alexis.

"Kahit sabihin mo na 'no choice' ka, ibig sabihin may choice ka. At yung pagsali mo ang naging choice mo." Nakangiting sinabi ni Hailey na para bang gusto niya patawanin si Alexis.

"Sus, ewan ko sayo. Maghanap ka ng kausap mo!" At nagpatuloy lang si Alexis sa paglilinis niya.

Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon