Tahimik, na para bang silang dalawa lang ang tao sa sementeryo. Malamig ang simoy ng hangin. Ang mga dahon ng puno ay naglalaglagan. Dahil dito. puno na ng dahon ang daanan. Naglalakad ng magkalayo ang dalawa. Hindi alam ng isa kung paano sisimulan ang usapan, at ang isa naman ay parang wala lang. Una nilang pinuntahan ang puntod ng minamahal na nanay ni Alexis.
"Bakit andito ka? Pumunta ka na kaya sa puntod ng kapatid mo..." sinabi ni Alexis, habang nakatingin sa puntod ng nanay niya.
"Okay lang... mamaya na lang pagkatapos mo dito..." tugon ni Hailey.
Nakatingin lang ang dalawa sa puntod. Hindi nag-uusap, hanggang sa...
"Pwede ba malaman ano nangyari sa nanay mo?" tanong ng binata.
Hindi umiimik si Alexis, at ditto pa lang ay pansin na ni Hailey na hindi pa siya makakapag-open sa kanya.
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong magkwento-"
"Matagal na," nagsalita si Alexis at ikinagulat ito ni Hailey. "Matagal nang may sakit ang nanay ko. Nagkaroon siya ng cancer."
Tahimik lang na nakikilig si Hailey. Hindi nagsasalita.
"Hindi ko alam... isang araw nagulat na lang ako na kung anu-ano nararamdaman niya. Bata pa ako noon kaya wala akong ibang alam kundi mag-aral at maglaro. Hanggang sa 6th grade na ko, nakalbo siya, at iniwan niya na ako. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat."
Nakatingin ng mataimtim si Hailey kay Alexis na seryosong nagkekwento.
"Ako lang ang bumibisita sa kanya sa ospital at wala ng iba. Hinahatid pa ako ng driver namin noon."
"'Yan ba ang dahilan kung bakit ayaw mong nagpapahatid? Dahil isa 'yon sa nagpapaalala sayo sa nanay mo?"
"Oo."
"Nasaan sina Mr. Alexavier at Mr. Alexander sa mga oras na 'yon?"
"Wala! Wala silang pake! Hindi man lang sila bumisita sa ospital kahit ilang beses. Kaya masama ang loob ko sa kanila... kaya nanggugulo ako sa University." Sagot ni Alexis.
"Ahh... ganoon ba..."
Hindi alam ni Hailey ang sasabihin niya sa mga oras na ito dahil ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Alexis. Masakit sa kalooban na kung kalian kailangan mo ang pamilya mo ay wala sila.
"Kaya pala pagpasok mo ng 7th grade, kakaiba na ang ugaling pinapakita mo..." sabi ni Hailey, nakatingin sa puntod ng nanay ni Alexis ngunit hindi sumagot ang prinsesa.
"Lalo lang akong naiinis pag naalala ko..."
Puno ng galit ang mga salita niya. Hindi natin masisisi ang isang tao na makaramdam ng ganito dahil isang napakalungkot na pangyayari ang mawalan ng ina, lalo na sa murang edad. Lahat tayo ay kailangan ng kalinga ng ina.
"Pasensya ka na kung pinaalala ko pa..." sabi ni Hailey. Nakaramdam siya ng awa kay Alexis. Iniisip niya na siya ay maswerte dahil may ina siya na nag aalaga sa kanya.
"It's fine. Pumunta na tayo sa puntod ng kapatid mo," tugon ni Alexis
"Sige..."
Madilim na at nakabukas na ang mga poste ng ilaw. Naglalakad na sila papuntang puntod ng ate ni Hailey na nasa kabilang parte ng sementeryo. May kalayuan ito sa kung saan nakalibing at nanay ni Alexis kaya mahaba-haba ang lalakarin nila. Wala na namang umiimik sa kanila.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ng tahimik, nakarating na sila sa puntod ng kapatid ni Hailey. Nagulat si Alexis ng makita niya ang pangalan ng kapatid ni Hailey sa nitso.
"Hailey Dela Vega?" tanong ni Alexis.
"Oo... Hailey ang pangalan ng ate ko," sagot ni Hailey. "Ang pangalan kong Hailey... Galing 'yun sa unang anak, at siya nga ang ate ko," habol niya.
"Ahh... ganoon ba..."
"Hindi siya nabuhay pagkatapos siyang mailabas. Dalawang taon ang nakalipas, ipinanganak ako at ginamit nila ang pangalan niya sakin." Nagsimulang magkwento si Hailey. "Sigurado akong napakasakit din sa parte nila ang mawalan ng anak, at nakakalungkot din para sakin na mawalan ng kapatid. Edi sana, meron akong mabait na ate na nag aalaga sakin."
Hindi nakapagsalita si Alexis. Bigla siyang nagkaroon ng lohikal na pag-iisip na hindi lang siya ang nakakaranas ng masakit na pangyayari sa buhay kaya dapat hindi siya umarte na parang bata.
"Hanggang ngayon, walang ibang tumatawag sa pangalan kong Hailey kundi ang nanay ko," sinabi niya, dahil nais sana ni Hailey na may tumawag sa kanya sa pangalawa niyang pangalan. "Noong una, hindi talaga maiwasan na inaasar ako dahil pangalan ng babae ang pangalan ko. Pero hindi ko 'yun pinansin... dahil ramdam ko na buhay si ate sakin at 'yun ang mas mahalaga." Habol niya, nakangiti at nakatingin kay Alexis. Tumingin naman pabalik si Alexis sa kanya. Hindi umaalis ang tingin nila sa isa't-isa.
Sa tagal nilang nagkakatitigan ay unti-unting namula si Hailey. Masyado siyang nagandahan kay Alexis kaya inalis niya ang tingin niya sa kanya.
"B-Basta 'yun na yon! Tara na, late na!" anyaya niya, nahihiya.
Ngumiti si Alexis at nauna nang naglakad. Nakatayo pa din si Hailey sa tapat ng puntod ng kapatid niya at nagdadasal. Pinapanood lang ni Alexis si Hailey.
Nang makita niya si Hailey na mag antanda, saka niya ito tinawag.
"Hailey, bilisan mo dyan!" sigaw ni Alexis.
Nagulat si Hailey at namula na naman siya. Ito ang unang beses na tinawag ni Alexis ang pangalan niya, at sa pangalan pa na gusto siyang tawagin. Sa saya na nararamdaman niya ay gusto niyang umiyak.
Naglakad na uli si Alexis, intensyonal na iwanan siya.
"Saglit lang Alexis!" tumakbo si Hailey ng nakangiti hanggang sa mahabol niya si Alexis.
Naghiwalay ng daan ang dalawa papauwi. Nagpaalam na sila sa isa't-isa, umaasang makakauwi sila ng ligtas.
Sa buhay ay hindi talaga maiiwasan na may trahedya na mararanasan. Kung ano man ang mga iyon, walang ibang dapat gawin kundi ang kalimutan ito. Pinili ni Hailey na maging masaya kahit na hindi niya kasama sa paglaki ang kapatid niya, at pinili ni Alexis na isarado ang isip niya sa pamilya niya.
Nang makauwi si Alexis ay dumerecho agad siya sa kwarto niya. Binaba niya ang kanyang gamit sa sofa ng kwarto niya at humiga siya kama, nakatakip ang braso niya sa mga mata niya at nag iisip-isip.
Biglang may kumatok sa pintuan niya. Nagulat siya dahil kuya niya ang bisita niya sa kwarto. Ang kuya niyang si Alexander ay hindi siya binibisita sa kwarto niya kagaya nito. Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Alexis dahil sa pagkawala ng nanay nila at hindi man lang siya nakabisita sa ospital noon dahil sa pagka abala niya sa pag aaral niya sa ibang bansa noon, na sa mismong araw lang ng libing siya nakadating.
Masama ang tingin niya sa kuya niya.
"Alexis-"
"Bakit ka nandito?" tanong niya. Napaupo siya sa kama, ngunit hindi nakatingin sa kuya niya.
"Gusto ko lang sabihin sayo na... masaya ako dahil nabalitaan ko kay Mr. Caderna na hindi ka na gumagawa ng gulo..." sabi ni Alexander, ngunit walang imik si Alexis. "You've been acting this way because of mom right? Matagal na kong humihingi ng tawad sayo... sana mapatawad mo na ko-"
"Umalis ka na. Isara mo yang pinto."
"Alexis..."
Sinara ni Alexander ang pinto at umalis ng malungkot. Humiga uli si Alexis, napabuntong-hininga at tinanong ang sarili niya...
"Eto ba talaga dapat ang ginagawa ko?"
BINABASA MO ANG
Unintentional Game
عاطفيةAlexis Go was a delinquent who lives as an aristocrat. Her father owns the school she's attending but that doesn't matter to her at all. All she want was to fight and smack people to their bones. Along those years, there's a guy named Szanon Hailey...