Lumipas na ang isang linggo at dumating na ang Academic Week na event ng Alexavier University. Ang event na ito ay para sa high school level lamang at hindi kasali dito ang mga college students. Para sa senior high, ang mga magkakalaban sa quiz bee ay ang magka-year level. Kaya naman ang kalaban nila Hailey ay ang section 2 hanggang section 6.
Apat na araw na hindi pumasok si Alexis dahil sa pangyayari noong araw na suspended sila ng tatlong lalaki kaya naman nag-aalala na ang buong section 1 ng 12th Grade na kung saan si Hailey, Lanz, Kate at Alexis ang representatives para sa Quiz bee.
Umagang-umaga sa unang araw ng Academic Week ay hindi alam ng tatlo ang kanilang gagawin, kaya pinuntahan nila ang kanilang class adviser na si Ms. Tampelix para mag usap silang apat.
"Ma'am. Paano na 'yan? Hindi naman nagpapakita si Alexis," nag-aalalang si Lanz.
"Tignan muna natin kung hindi talaga siya papasok ngayon. Kapag hindi, disqualified na ang section natin," sagot ni Ms. Tampelix.
"Sana makapunta siya," sabi naman ni Hailey. "Sinabi niya po sa akin na kaya niyang mag review mag-isa. Kaya umaasa ako na pupunta siya ngayon."
Tahimik lang si Kate habang nag-uusap ang tatlo.
Maya-maya lang, pinatawag na ang buong senior high students na pumunta na sa loob ng gymnasium para sa morning assembly. Pinapila ng maayos ang mga estudyante katabi ang kani-kanilang mga advisers para makinig sa opening remarks ng Principal ng Alexavier University na si Mr. Alexander Go, na siya 'ding kuya ni Alexis.
"For our opening remarks, please welcome our Principal, Mr. Alexander Go," pagtawag ng MC sa Principal, at sa pag akyat ni Mr. Go sa stage ay nag palakpakan ang mga estudyante. May mga estudytante din na nagtilian dahil sa kanya.
Si Mr. Alexander Go ay 35 years old na ngunit itsurang bata pa din. Single, maputi, matangkad, may magandang mukha, may magandang katawan, may nakakatuwang personalidad at ang buhok niya ay nakababa lamang. Kaya naman hindi mo masisisi kung mayroon din siyang fangirls.
"Hayysss ang gwapo talaga ni Mr. Alexander Go," bulong ng isang estudyanteng babae sa katabi niya sa pila.
"Oo nga grabe! Kaya ako nag enroll dito eh dahil sa kanya!" tugon naman ng kausap niya. At silang dalawa at nagpatuloy sa kanilang pantasya.
"Good morning everyone. Taon-taon tayo nagce-celebrate ng Academic Week at ngayon dumating na ang unang araw ng celebration natin. Ngayon, kaunti lang naman ang gusto kong sabihin sa inyong lahat. Una, ipakita niyo sa bawat isa ang inyong kakayahan. Oras na para patunayan ang sarili ninyo pero tandaan, bawal ang pikon ah?" Nagtawanan naman ang mga estudyante, pati na din ang mga guro.
"Pangalawa, 'wag ninyo kakalimutan na gawing masaya ang buong week na 'to na puno ng events. Napakaraming inihanda para sa inyo. Kaya sana lahat ay mapuntahan ninyo." Nagpakita naman ng excitement ang mga estudyante mula sa sinabi ni Mr. Go.
"Pang huli, lagi ninyong iaalay ang bawat gagawin ninyo sa nasa itaas. 'Yun lang, at maraming salamat."
Nagpalakpakan namang muli ang mga estudyante at sa pagkakataong ito, mas malakas na ang hiyawan ng mga estudyanteng babae.
Sina Hailey at Lanz naman ay nag-aalala pa din. Habang nagsasalita ang MC, kinausap niya ang dalawa.
"Hahaha yari, feeling ko nalimutan ko na lahat ng inaral ko," sinabi ng nawawalang pag-asa na si Lanz kina Hailey at Kate.
"Bahala ka," sagot ni Kate sa kanya.
"Sakit naman, Kate. Good luck na lang satin. 'Dibali, kung wala naman si Alexis, 'di na tayo pwede mag participate." sinabi pabalik ni Lanz kay Kate pero hindi niya na siya sinagot at nanatili na lang siyang tahimik.
BINABASA MO ANG
Unintentional Game
RomanceAlexis Go was a delinquent who lives as an aristocrat. Her father owns the school she's attending but that doesn't matter to her at all. All she want was to fight and smack people to their bones. Along those years, there's a guy named Szanon Hailey...