Episode 9: Please. Tigilan ninyo na 'to

90 4 0
                                        

Nagkakagulo na naman sa canteen dahil nandoon si Icerage Princess. Ang iba, hindi makalapit kay Alexis, at ang iba naman, matapang na lumalapit sa kanya. May mga lalaki na malakas ang loob para harapin siya, at may mga lalaki na takot sa kanya. Ang mga babae naman ay naaastigan sa kanya, at ang iba naman ay gusto siyang kaibiganin pero nahihiya.

Sa sitwasyon ngayon, ang mga lalaking maangas ang kaharap niya sa canteen.

"Ano bang mga problema ninyo?" Maangas na tinanong ni Alexis.

"Ikaw ang problema namin..." Sabi ng isa sa mga maangas na lalaki na pinagkakaisahan si Alexis.

Nakaupo si Lanz at Hailey sa isa sa mga lamesa sa canteen, tahimik na kumakain, nang makita nila ang gulo. Tahimik lang uli silang nanonood sa mga nangyayari. Kinalabit ni Lanz si Hailey.

"O ano Szanon? Papanoorin mo na lang uli 'yan?"

"Sigurado akong marami pang masakit sa katawan ni Go. Kaya dapat may pumigil sa gulo na 'yan." Tugon ni Hailey.

"Eh sino naman ang pipigil diyan?! Wala namang gustong makialam!"

Tahimik lang si Hailey na para bang gusto niyang pigilan ang gulo. Hanggang sa makita na nila na tinulak na ng isa sa mga maangas na lalaki si Alexis. Napaatras si Alexis, pero nanatili siyang tahimik.

"Pasalamat 'tong mga 'to masakit pa katawan ko kaya 'di ako makapalag..." Sabi ni Alexis sa isip niya.

"Hoy, Szanon! Ano na?! Manonood na lang tayo?!" Natatarantang tanong ni Lanz kay Hailey.

"Heto na... tawagin mo si Sir Caderna." Tumayo si Hailey sa kinauupuan niya at unti-unting lumalapit kung nasaan si Alexis at ang grupo ng mga maangas na lalaki. Pinalilibutan sila ng mga estudyante.

"Sige!" Tumayo din si Lanz para tawagin si Sir Caderna, ang Prefect of Discipline ng Alexavier University.

Gumagawa naman ng ingay ang mga estudyante sa canteen na para bang may party na nagaganap.

"Woooh! Bakbakan na 'yan!"

"Suntukan na! 'Wag na patagalin!!!"

"Sige na pakitaan mo na 'yang mga 'yan, Icerage Princess!" Boto naman ang mga estudyante kay Alexis. Nakita nila na papalapit si Hailey kina Alexis.

"Ohhh!!! 'Yan na si Szanon Hailey de la Vega!!!" Sigaw ng mga lalaking estudyante.

"Ayyyyyy!!! Si Szanon!!!" Sigaw ng mga fangirls ni Hailey.

Napakamot si Hailey sa ulo at napansin na siya ng mga maangas na lalaki. Pumwesto siya sa harap ni Alexis para ipagtanggol siya.

"At ano naman ang ginagawa ng genius na 'to dito?" Sabi ng isa sa mga maangas na lalaki.

"Pwede niyo na ba itigil 'to? Kitang-kita ninyo naman na mahina ang katawan ni Go, nagsisimula pa kayo ng gulo." Kalmado na sinabi ni Hailey sa kanila.

Napatingin si Alexis sa kanya. Naangasan ang grupo ng mga lalaki kay Hailey.

"Hoy. Kung tingin mo nakakatulong ka, nagkakamali ka. Umalis ka na dito." Sabi ni Alexis kay Hailey. Pero hindi siya umalis.

"Ang tigas talaga ng mukha mo. 'Di ko sinabi na tulungan mo ko kaya umalis ka na." Pilit ni Alexis. Pero di pa din umalis si Hailey.

"Aba, at ang tapang pala ng isang 'to..." Sabi ng isa sa mga lalaki. "Kung gusto pala nito masaktan edi papatulan ko na."

Umamba ng suntok ang lalaking estudyante at naalerto si Hailey. Sumuntok siya pero naka iwas si Hailey.

Kinabahan siya. Hindi kasi siya sanay sa gulo.

Nainis ang lalaking estudyante kaya sumuntok siya uli. Sa pangalawang pagkakataon ay tinamaan na si Hailey sa mukha.

"Ugh!!" Napaatras si Hailey sa mga bakanteng upuan at lamesa.

"Oooohh!!! First blood!!!" Sigaw ng mga estudyanteng nanonood. Naiistorbo na nila ang mga tahimik na kumakain sa canteen. Nagulat naman ang mga nagluluto sa canteen sa narinig nila na kalampag ng mga upuan at lamesa.

"Nako po! Anong nangyayari?" Tanong ng isang taga luto sa isa sa mga estudyante na bumibili.

"Hahaha may nagsusustukan 'don Manang! Panoorin mo dali! Don't miss the fun!" Maloko na sagot naman ng estudyante.

"Awatin ninyo! 'Wag ninyo hayaan na lumaki ang gulo nako po masisira ang mga lamesa at upuan!!!" Sabi ng taga luto sa canteen.

"Hoy! O ano?! Sabi ko kasi sayo umalis ka na dito. 'Yan tuloy! Hahaha!" Natatawang si Alexis. Kahit na pinagtatanggol na siya ni Hailey ay hindi pa din siya nagpapakita ng magandang ugali sa kanya.

"'Wag ka kasing pakielamero." Pakanta na sinabi ng lalaking sumuntok kay Hailey.

May tumulo na dugo mula sa bibig ni Hailey. Pinunasan niya ito at tumayo siya. Nakiusap siya sa mga maangas na lalaki.

"Please. Tigilan ninyo na 'to..." Nanghihinang pakiusap ni Hailey.

Napahinto at nakatingin lang si Alexis kay Hailey na para bang nakokonsensya na siya sa mga kilos niya.

Nilapitan ng isa sa mga maangas na lalaki si Alexis at inambaan siya ng suntok. Naalerto si Alexis at handa na siya umilag. Napansin agad ito ni Hailey kaya tumayo siya agad at tinamaan na naman siya sa pangalawang pagkakataon.

Nanglaki ang mga mata ni Alexis dahil tinamaan na naman si Hailey.

"Hoy!" Sigaw ni Alexis sa gulat niya. Tumumba siya at sa pangalawang pagkakataon na nasuntok siya ay nawalan na siya ng malay.

Sa wakas ay nakarating na din si Lanz at kasama niya si Sir Caderna.

"Sir, 'yon oh! 'Yong mga lalaking 'yon!!!" Turo ni Lanz.

"Anong pinag gagagawa ninyo?! Magsibalik kayo sa classroom ninyo!" Utos ni Sir Caderna.

Nagsimula ng umalis ang mga estudyante at may iba naman na nagpaiwan dahil nag aalala sila kay Hailey.

"Hala! Si Szanon nawalan ng malay!" Sabi ng isang babaeng estudyante.

"Oh no!!! Ang magandang mukha ni Szanon!!!" Hindi mapakali ang mga fangirls ni Hailey.

Nilapitan ni Alexis si Hailey para tignan ang lagay niya.

"Hoy! Gising! Hoy!!!" Pinapalo ni Alexis ang mukha ni Hailey. Pero hindi siya nagigising.

"Hoy!!!!!" Pero hindi pa din nagkamalay si Hailey.

"Tss. Nandyan na si Sir Caderna. Panira ng palabas. Umalis na nga tayo!" At umalis na ang mga maangas na lalaki pabalik sa kanilang classroom.

Lumapit si Sir Caderna at Lanz sa pwesto nila Alexis. Gulat na gulat si Lanz nang makita niyang tumba si Hailey sa sahig.

"Hala Szanon!!! Hoy! Gising!" Nag aalalang si Lanz. "Sir, dalhin na natin siya sa clinic!"

"Sige. Ikaw humawak dito sa kanang braso, ako dito sa kaliwa." Sabi ni Sir Caderna. At sumunod naman si Lanz sa utos niya.

"Ikaw Alexis Go. Panigurado ikaw na naman may pakana nito. Kailan ka ba magsasawa? Lahat ng pinag gagagawa mong kalokohan, nakakarating sa Director at Principal. Mag uusap tayo mamaya."

Dinala na ni Mr. Caderna at Lanz si Hailey sa clinic.

Hindi na nakapag salita si Alexis.


Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon