Episode 5: Ayaw kitang kasabay umuwi

122 6 7
                                        

Nag ring na ang bell. Hudyat na uwian na ng mga estudyante.

"Szanon! Una na kong uuwi! May bibilhin pa akong bagong video game ngayon! See you tomorrow!" Excited na pamamaalam ni Lanz kay Hailey.

"Sige, Lanz. Bye."

Pagkatapos nila mamaalam sa isa't isa ay nilapitan na ni Hailey si Kate para itanong ang nangyari sa meeting.

"Uhmm Kate, yung tungkol sa meeting?"

"Eto." Inabot ni Kate ang isang maliit na notebook.

"Nandyan lahat ng napag usapan. Basahin mo na lang."

"Ah... Salamat." Speechless si Hailey.

"Sige, kailangan ko na umuwi. Bye." At umalis na si Kate.

Pagkatapos ilagay ni Hailey ang papel sa loob ng bag niya ay dumeretso siya ng clinic para silipin si Alexis.

Pagdating niya ay tinanong niya agad si Ms. De Berry.

"Kamusta po si Alexis?" Nag aalalang si Hailey.

"Ayun, tignan mo." Sagot ni Ms. De Berry.

Pagkakita niya ay nakahiga pa din siya at hindi pa din siya nagkakamalay.

"Hindi pa din pala siya nagkakamalay. Dalhin na po kaya natin siya sa ospital? Or tawagan ang Director at Principal?" Tanong ni Hailey.

"Sinubukan ko na silang i-contact pero pareho silang walang sagot. Mukhang sobrang busy talaga sila." Sagot ni Ms. De Berry sa mga tanong ni Hailey.

"Don't worry. Natignan ko na siya at ayos lang siya." Habol niya.

"Ah... buti naman po kung ganoon." Nakahinga ng maluwag si Hailey sa narinig niyang sagot.

Umupo si Hailey sa upuan sa tabi ng kama ni Alexis. Nakatingin lang siya kay Alexis hinihintay niya siya na magising.

Napansin ni Hailey na gumagalaw ang daliri ni Alexis. Naalerto siya at kinakabahan. Kinakabahan kung ano ang magiging reaksyon ni Alexis pag nakita niya na nakaupo si Hailey sa tabi niya, nagbabantay at nag iintay na magkamalay siya. Pinipilit ni Alexis na dumilat. Sa sakit ng ulo niya ay makikita mo na nahihirapan pa siya.

Maya-maya lang ay dumilat na siya.

"....ugh.. ahh...nasaan ako...?"

"Buti naman at nagkamalay ka na. Ano na ang nararamdaman mo?" Bati at tanong ni Ms. De Berry.

"Ang sakit ng ulo ko, umiikot ang paningin ko..." nanghihinang sagot ni Alexis.

Maya-maya lang ay napansin niya na si Hailey.

"At ano naman ang ginagawa mo dito?" Naiiritang tanong ni Alexis.

"Oh, 'wag iinit ang ulo mo, kundi lalo yan sasakit." Hirit ni Ms. De Berry. "Siya ang nagbuhat at nagdala sayo dito."

Tahimik lang si Alexis, na para bang nahihiya.

"...tsk. May utang na loob pa tuloy ako sa taong yan.." Sabay tingin ng masama na naman kay Hailey.

"Wala ka namang kasabay umuwi 'di ba? I think it's best to go home with Mr. de la Vega. Para may titingin sayo." Suggestion ni Ms. De Berry

"...ha?? Ayokong umuwi kasabay 'to Ma'am!" Pagalit na sinigaw ni Alexis.

"Alexis. Palagay ko ito na ang tamang oras para tratuhin mo ng maayos ang mga tao sa paligid mo. Learn to accept those people who value your existence. Learn to appreciate the people who care for you."

Tumahimik si Alexis at napatungo.

"Tsk. Sige na, sige na! May magagawa pa ba ko?!" Naiiritang sagot ni Alexis.

Nagulat si Hailey dahil pumayag si Alexis na sabay sila uuwi.

"Sige na, lakad na at magpahatid ka sa kanya. Delikado lalo na't mag gagabi na." Hirit pa uli ni Ms. De Berry. "Mr. de la Vega, ikaw na ang bahala sa kanya. Mag ingat kayo."

"Opo."


Unintentional GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon